DESCRIPTION

271 Words
Kagandahan ang puhunan ng mga kababaihan pero ibahin niyo si Aynna. Isa siyang panget na babae na may malaking peklat sa kaliwang mata, may makakapal na buhok ang kilay, may malalaking ngipen at mga magugulong puting buhok kahit disinuwebe anyos pa lamang. Nilalayuan at kinatatakutan ng nakararami. Kinukutya at pinapaiyak ng mga taong nakakakita sa kaniya. Inaalipin at binabato ng kung ano-ano ng mga kabataan. Pero ibahin niyo na ngayon... Nang dahil sa makeup ng lola niya ay nagbago ang lahat. Hindi na siya kinatatakutan ng dahil sa panget niyang mukha... Hindi na siya nilalayuan ng mga tao... Wala ng nangungutya sa kaniya... Wala ng nagtatangkang magpaiyak sa kaniya... Wala ng nangaalipin sa kaniya... Wala na rin ang nga kabataang binabato siya ng kung ano-ano... Nawala iyon lahat ng dahil sa makeup ng lola niya... Ngunit may kailangan siyang gawin upang hindi maubos at mawalan ng mahika ang makeup na nagpapaganda sa kaniya. Isang brutal na pagputol! Pagturok! Pagtagas ng dugo ang magaganap upang mapanatili niya ang kagandahang matagal niyang inasam. Hindi naman mahirap diba? Lalo sa taong pursegido na makuha ang matagal niya ng ninanais. Ngunit may nagmamasid. May nagiimbistiga. May taong gusto siyang mahuli dahil sa brutal niyang ginagawa. Sino siya?! Sino ang gustong pumigil sa kaniya?! Sino ang sagabal sa mga plano niya?! Kagandahan ang dahilan kung bakit naging tahimik ang buhay niya. Kagandahan ang dahilan kung bakit masaya siyang nabubuhay. At kagandahan ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ng taong matagal niyang inasam. Kaya, bakit kailangan pa siyang pigilan kung ito ang dahilan upang mamuhay siya ng normal? Handa ka na ba na mabuhay bilang si Aynna?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD