Kinabukasan agad na hinanap ni MC si Franchesca. Nagising siyang magisa na lamang sa kuwarto at wala nang katabi. Suot lamang ay boxer, lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa sala. Nagtanong-tanong siya sa mga katulong at doon napagalaman niyang umuwi ito kagabi. Nagalit pa siya dahil hinayaan nilang umalis ito nang magisa gayong maraming krimen ngayon ang nagaganap kung saan-saan. Naisipan niyang tawagan si Francheca upang kumpirmahin kung nakauwi nga ito ng maayos. Muli siyang nagtungo sa kuwarto at hinanap ang cellphone niya saka tinawagan si Franchesca. Sa kabilang banda, handa na ang lahat para sa mga plano ni Aynna. Hinihintay niya na lamang ang isang signal para kumilos. Ang signal na isang patibong. Maagang umalis si Aynna dahil iniwan niya sa parking lot ng campus ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


