Wala sa sariling naibaba ko ang hawak na telepono at napatitig sa aking kama na hindi na maayos ang pagkakalagay ng puting kumot. Tumingala ako't marahang humigop ng hangin, at pinakawalan iyon pagkatapos. "Ano pa ba'ng aasahan ko?" halos natatawa kong bulong sa sarili, pero ang totoo ay gustong-gusto kong itapon ang hawak na cellphone nang maibsan ang unti-unting pagdurog ng kung ano sa kaloob-looban ko. Oliver just called me to tell me that we won't see each other until New Year. Bukod sa busy niyang schedule ay may plano rin sila ni Selene for Christmas until New Year, kung anong plano man iyon ay hindi ko na alam pa. I couldn't bring myself to ask him about what their plan is, parang sinaksak ko lang din ang sarili ko no'n ng isang daang kutsilyo ng paulit ulit. Knowing that he's al

