Chapter 12

2104 Words
By Michael Juha ----------------------- Latang-lata ang aming katawan pagkatapos noon. Hinalikan ko muna siya bago ko ibinagsak ang aking katawan sa ibabaw niya dahil sa matinding pagod. Iyon ang una kong karanasan ng pagpapaubaya ko sa kama; unang karanasang matikman ang sarap na dulot ng pagnanasa ng isang kaibigan sa aking katawan. Simula noon, tila wala na akong puwedeng mahihiling pa para sa pinakamamahal na kaibigan. Pati ang mga taong nagmamahal sa kanya ay natuwa sa ipinamalas na pagbabago. Nanumbalik ang ang sigla niya, ang dating saya. Ibinalik din naming ang mga dating nakagawian; sama-sama sa mga gimik, sa mga lakwatsa, sa harutan. Ipinakita ko sa kanya na sinusuportahan ko siya, ipinagtatanggol sa mga taong hindi maiwasang maintriga, magtanong, at magduda sa pagiging sobrang malapit namin sa isa’t-isa, lalo pa’t may mga nakalipas na issues na sa amin. Hindi ko ininda ang lahat. Dahil dito, hindi ko na nakita pa sa mukha ni Lito ang pagkamalungkutin. Tanggap na niya ang lahat. Buhay at masaya siya dahil sa ipinakita ko. Syempre, hindi nawawala ang private moments namin. At ang madalas naming puntahan ay ang beach kung saan muli naming ibinaon sa ilalim ng hagdanan ng aming paboritong cottage ang kabibi, na siyang nagsilbing simbolo ng aming pagiging “magkaibigan”. “Tol… dapat palaging buo ang dalawang magkabiyak na ito kagaya ng pagiging buo rin natin ha?” “Oo ‘tol… dapat lang na palaging buo ‘yan.” Ang sagot ko “At palagi rin nating alagaan ito ‘tol, gaya ng pag-alaga natin sa isa’t-isa.” Dugtong niya. “Oo ‘tol…” ang sagot ko. “At dapat… wala tayong sikreto ‘tol ha?” ang tanong niya uli. Natawa naman ako sa isiningit niyang tanong na iyon. Hindi ko alam kung ito ay may bahid na insecurity. Alam naman kasi niya na wala akong inililihim sa kanya simula pa noon. “Ako pa!” ang pagmamayabang ko. “Ano pa bang sikreto meron ako na hindi mo pa alam?” sabay tawa ng malakas. “Malay natin…” ang isinagot lang niya. Kaya, ang beach na iyo ay ang isa sa dalawang lugar na hinding hindi ko malilimutan sa tanang buhay ko. Ang pangalawang lugar kung saan ito ay naging saksi rin sa aming patagong relasyon ay ang rooftop sa fourth floor ng school building. Actually, ito ang numero uno at pinaka-sentimental na lugar para sa aming dalawa. Noon pa man kasi, ito na ang nagsilbing hangout namin kung saan ay unang nabuo ang aming pagkakaibigan. Sa roof top na iyon ay malaya kaming naghaharutan, nagkukwentuhan, nagbabahagi ng aming mga saloobin at mga pangarap. Maganda kasi ang lugar. Doon ay tanaw naming ang mga nasa ibaba. Prang nasa langit kami. Kumbaga, halos abot na nga namin ang aming mga pangarap, malaya pa naming nagagawa ang mga bagay na kaming dalawa lamang ang tanging nakakaalam. Minsan din, inaakyat namin ang malaking tangke ng tubig sa gitna ng rooftop na siyang nagsu-supply ng tubig sa buong campus. Pag naakyat namin ito, bubuksan namin ang malaking takip noon, sisilipin ang tubig sa loob at katuwaang ipapasok ang aming mga ulo at magsisigaw sa loob. “Hello! May tao ba rito?” At dahil nag-i-echo ang aming mga sigaw, magtatawanana kami. “Ampo-po-po-po-po-po-po-po-po…” “Tayo nang magsal-sal-sal-sal-sal-sal-sal-sal…” “Tol… mag swimming tayo d’yan!” ang paghikayat ko sa kanya isang beses na nasa bungad kami ng bibig ng tangke at pinagmasdan ang tubig sa loob. “Wahhh! Ang lalim kaya niyan!” ang sigaw niya. “Lampas-tao sigurado ang lalim niyan! Malulunod ako d’yan kapag tumalon tayo! Di ako marunong lumangoy ‘tol!” Tumingin siya sa akin. “Atsaka, iyan ang iniinum nating lahat sa campus ‘di ba? Kapag naligo tayo riyan, syempre, ang dumi natin ay nasa tangke na!” dagdag pa niya. “Iyan nga ang maganda ‘tol eh… Kasi, kapag nagsi-swimming tayo d’yan, ang mga libag at dumi mula sa mga katawan natin ay maiinum nilang lahat, lalo na ang mga tyrant nating professor! At… tayo lang ang makakaalam, ‘di ba? O ano… iihian na lang kaya natin?” “Tado ka talaga tol! Walang kapares ang katarantaduhan mo!” ang sagot din niyang biro habang hindi magkamayaw sa pagtatawa. Tawa rin ako nang tawa. Ngunit bigla ring huminto at tinitigan siya. “Kaya nga love mo ako eh, di ba?” sabay bitiw ng isang pilyong ngiti at ipinikit ang mga mata, naghintay na may mangyari. Iyan kasi ang weakness niya. Kapag binabanggit kong mahal niya ako, hahalikan na kaagad ako niyan sa labi. At syempre, gagantihan ko rin ang halik niya, ila-lock naming pareho ang mga katawan haggang sa sabay naming maipalabas ang init ng aming katawan. Ewan ko rin ba, hindi ko maintindihan ang tunay kong naramdaman. Oo, inaamin kong sa bawat paglapat ng aming mga labi, sa bawat pagniniig ay may kasiyahan din naman akong nadarama at masaya ako kapag kasama siya. Subalit hindi ko rin maitatwa sa sarili na parang may hinahanap-hanap akong iba. Marahil ay masasabing natutunan ko na rin si Litong mahalin ngunit ramdam kong may kung anong kulang pa rin ito. “Tol… maipangako mo ba na hindi mo ako iiwan?” ang tanong niya isang araw na naroon kami sa rooftop, ang mga daliri niya ay iginuri-guri at iginagapang-gapang sa tiyan ko at sa dibdib. Nakaupo kaming pareho; siya, nakaharap sa akin at ang likod ay isinandal sa nakaangat kong kanang tuhod at ako naman ay ganoon ding nakaupo paharap sa kanya, ang likod ay nakasandal sa nakaangat niyang tuhod. Dating porma namin kapag naupo sa damuhan o sa papag. “Pangako yan, ‘tol… hindi kita iiwan. ano man ang mangyari, nariyan ako para sa iyo.” ang sagot ko. “Talaga?” ang dugtong niya. “Oo! Promise!” “Paano mo mapapatunayan yan?” ang tanong uli niya. “Hmmm. Sandali ha…” nag-isip ako kung ano ang gagawin sabay hawak sa kanya at bumalikwas. “Anong gagawin mo?” ang tanong niya. Pinulot ko ang isa kong sapatos. “Halika ‘tol, sumunod ka sa akin at kunin mo rin ang isa mong sapatos” Umakyat ako sa hagdanan patungo sa bunganga ng tangke ng tubig. “Hey! Anong gagawin natin d’yan!” ang tanong niya habang umaakyat na rin sa hagdanan nakabuntot sa akin. “H’wag ka nang magtanong…” Noong makarating na kaming pareho sa bunganga ng tangke, binuksan namin ito. Tiningnan ang loob. “Ngayon?” ang tanong niyang ang mga mata ay nakatutok sa akin. “Ito!” Sabay laglag sa dala kong sapatos. “Waahhhh! Anong ginawa mo?” ang sigaw niya, ang mga mata ay nanlaki, hindi makapaniwala sa ginawa ko. “Itapon mo rin ang isang sapatos mo!” “Bakit?” “Para d’yan magsama sila…” “E… iniinum nating lahat ang tubig d’yan e…” “O, e… di ba maganda, lahat tayo pati sila ay makakatikim sa lasa ng pinagkaisang sapatos natin. Parang silang lahat ay naging lihim na saksi na rin sa ating relasyon! Iyan ang patunay ko na hindi kita iiwan habambuhay ‘tol.” ang sabi ko. Tila na-excite naman siya sa narinig “G-ganoon ba? E, di sige!” at dali-dali din niyang inilaglag ang dala-dalang sapatos sa loob ng tangke. Nagtawanan na lang kami. Tapos, nauwi sa titigan. “Tol… I love you!” ang sambit niya. Hindi ko na siya sinagot. Pakiwari ko ay may biglang bumara sa aking lalamunan. Inilapit ko na lang ang mukha ko sa mukha niya. Siniil niya ng halik ang aking mga labi. Naghalikan kami. Nang nagsiuwian na kami, nagtatawanan pa rin sa ginawang kabulastugan, at lalo na dahil sa tig-iisang sapatos na lang ang natirang suot-suot ng aming mga paa. Sobrang saya; hindi ko lubos maipaliwanag ang matinding kasayahang pareho naming nadarama. Nagpatuloy ang ganoong set-up namin hanggang sa tumuntong kami sa pinakahuling taon ng College. Akala ko ay tuloy-tuloy na ang lahat. Subalit noong magsi-second semester na, binulabog ako ng isang matinding pagsubok: nabuntis ko ang aking girlfriend. Ito ang pinakatago-tago kong lihim kay Lito. Sarah ang pangalan ng girlfriend ko, taga-ibang bayan at nakilala ko siya, isang taon ang nakaraan noong binisita ko ang tita kong doon nakatira. Simula noon, paminsan-minsan na akong pumupunta sa bayang iyon. Minsan alam ni Lito ang pagpupunta ko roon ngunit ang tunay na dahilan ng aking pagpupunta-punta ay lingid sa kaalaman niya. Alam kong may pagdududa si Lito noong may mga pagkakataong minsan ay nakikita niyang panay ang text ko kahit nand’yan siya. Ang alibi ko na lang ay sinasabi ko sa kanyang dati kong kaklase at matalik na kaibigan sa elementarya ang ka-text ko at nasa Maynila na nag-aaral. May pagkakataon ding hinahanap niya ako at dahil kasama ko ang girlfriend sa kabilang bayan, sinasabi ko na lang na binisita ang isang kamag-anak. Kahit marahil ay may pag-aalangan, hindi ko naman napansin na masama ang loob ni Lito sa akin at hindi rin siya nangungulit sa pagtatanong. Ganyan kabait si Lito. Mahal ko ang girlfriend ko, walang duda. Kaya ko lang itinago ang relasyon namin kay Lito ay dahil ayaw kong masirang muli ang takbo ng buhay niya. Kahit masasabi kong matinding awa ang naramdaman ko sa kaibigan at di maitanggi na may naramdaman na rin akong kakaiba para sa kanya, mas matimbang pa rin sa akin ang nararamdaman ko sa girlfriend ko, lalo na ngayong magkakaroon na kami ng anak. Nalilito ako sa kalagayan ko. Alam kong masasaktan si Lito kapag nalaman niya ang lahat. Kaya napagdesisyonan kong sabihin na lang sa kanya ito pagkatapos na pagkatapos ng graduation, isang linggo bago ang napag-usapang takda ng aming kasal ni Sarah. Kaya pinilit kong hindi magpahalata kay Lito. Ngunit habang palapit nang palapit ang graduation, tila lalo namang bumibigat ang dinadala kong problema. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak at dibdib ko sa maaaring reaksyon ng kaibigan kapag nalaman niya ang lahat. Halos hindi na ako makatulog, halos hindi rin makakain. Ang laging iniisip ko ay si Lito at ang maaaring mangyari sa kanya. Sa wakas ay dumating din ang araw ng graduation. Wala pa ring kaalam-alam si Lito sa aking kalagayan. Nagtapos siyang Magna c*m laude at sobrang proud ang mga magulang niya. Syempre, proud din ako. At dahil dumalo ang girlfriend ko, ipinakilala ko siya kay Lito. Ngunit hindi ko binanggit na girlfriend ko siya. Ang pagpapakilala ko sa kanya ay pinsan. Alam ko, nagdududa siya sa amin dahil sobrang makadikit sa akin si Sarah. Wala rin naman kasing kaalam-alam si Sarah sa relasyon namin ni Lito. Pagkatapos ng graduation ay may party na idinaos ng mga magulang ni Lito para sa aming dalawa. Ang venue nito ay sa bahay nila. Inihatid ko muna ang girlfriend ko sa terminal upang makauwi at pagkatapos ay dumiretso na ako sa party. Gusto na kasing umuwi ni Sarah dahil ayaw ng mga magulang niya na magtagal sa graduation. Ok rin naman para sa kanya na ihahatid ko lang siya sa terminal dahil naintindihan niyang may party pa kami. At least, kampante ako na magkaroon pa rin kami ng moment ni Lito. Nang nakabalik na ako sa bahay nina Lito, kitang-kita ko ang maraming bisitang dumalo. Sa labas ng gate naman ay may malaking streamers na nakalambitin. Ang nakasulat ay, “Congratulations Lito at Warren!” Dali-dli akong pumasok ng gate at hinanap ko kaagad si Lito. Ngunit wala siya sa mga nag-uumpukang bisita sa malaking lawn ng kanilang bahay. Kahit sa bandang may swimming pool ay wala rin siya. Hinalugad ko ang buong lugar, ngunit wala akong nakitang Lito. “Ma… nasaan po si Lito?” ang tanong ko sa mama niya. “Ah… nasa kuwarto niya, sabi niya ay may gagawin lang daw siya roon sandali. Puntahan mo na lang doon, hijo!” ang sagot ng mama ni Lito. Dali-dali akong pumasok ng bahay at umakyat patungo sa kuwarto niya. Noong binuksan ko ito, nandoon nga si Lito, malungkot ang mukha, nag-inum na mag-isa at ang tingin ay tila napako sa kawalan. Ramdam ko ang biglang pagkalampag ng aking dibdib, hindi maintindihan kung ibunyag ko na ba sa kanya ang lihim ko o hintayin pa ang kinabukasan. Dali-dali kong inilock ang kwarto, tinumbok ang refrigerator at kumuha ng beer, binuksan ko ito at tinungga. “Congratulations Tol!” sabay halik sa mga labi niya. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD