By Michael Juha
----------------------
Dumating ang mga paramedics at itinuloy nila ang CPR. Maya-maya lang, isinakay nila si Lito sa stretcher at dinala sa ambulansya nila kung saan may itinurok sila sa kanyang katawan at may mga equipment din silang pampa-revive ng paghinga.
Pinasakay din nila ako sa ambulansya atsaka humarurot ito patungo ng ospital.
Agad-agad kong tinawagan ang mga magulang ni Lito na sa pagkakataong iyon ay pauwi na rin galing sa kasal kong naudlot. Napag-alaman ko sa kanilang dinala rin pala sa ospital si Sarah, dahil dinugo gawa ng pagkaudlot ng aming kasal at sa tindi ng hiyang nadama ay nagkaroon ng miscarriage.
Nang nasa ospital na kami, idiniretso na si Lito sa emergency room at pagkatapos ay sa ICU.
“Delikado ang lagay niya…” Ang sabi ng duktor matapos niyang suriin si Lito. “Ito ang mga posibilidad na maaring mangyari sa kanya. Una, ano mang oras maaaring tuluyang bawian siya ng buhay. Pangalawa, kung malampasan man niya ito hanggang 24 oras, magiging comatose na lang siya, hindi natin alam kung hanggang kailan. Pangatlo, kung sakalaing maswerte siya at manumbalik ang malay, malaki ang tsansang magkakaroon ng pinsala ang kanyang utak. At maaapektuhan nito ang kanyang pananalita, pagkilos at galaw. After 24 hours, let’s hope for the best…” ang sabi ng doktor.
Nang dumating ang mga magulang ni Lito, walang humpay ang kanilang pag-iiyak. Hindi naman nila ako sinisi. Alam nila na ginawa ko ang lahat para sa anak nila; na pinilit kong ibigay sa kanya ang lahat ng suporta at makakaya ko. At lubos nilang naintindihan ang aking kalagayan.
Niyakap ako ng mama ni Lito, “Warren! Ano ba ang nangyari? Bakit nagkakaganito ang anak ko?” ang tanong niya sa akin habang humahagulgol.
“Nasa loob ng water tank na po siya noong maabutan ko, ma… pasensya na po, hindi ko kaagad siya naagapan.”
“Huwag mong pabayaan ang anak ko Warren.” Ang tugon ng mama niya sa akin.
Habang binantayan namin si Lito, hindi kami mapakali at hindi namin alam kung ano ang gagawin upang matulungan siya sa kanyang kalagayan. Pumasok na lang sa isip namin ang magpunta sa kapilya ng ospital at doon ay nanalangin.
Naghanap ako ng pwesto sa loob ng kapilya at isang gilid ay lumuhod. Buong pagpakumbaba akong nanalangin. Iyon bang feeling na sobrang helpless mo na at wala ka nang ibang patutunguhan kundi ang ipaubaya ang lahat; na tila wala nang halaga ang iba pang bagay kundi ang bagay na ninanais mong ibigay niya sa iyo sa pagkakataong iyon.
“Panginoon… alam ko, marami akong kasalanan, marami akong pagkukulang. Sana ay mapatawad mo ako sa mga pagkukulang ko, sa mga nagawa ko. Nagsisisi po ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang po ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at lungkot para sa isang tao. Ngayon lang din po ako humingi ng isang bagay. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Sana po ay pagbigyan ninyo ang hiling ko. Sana po ay iligtas ninyo siya. Bigyan po ninyo siya ng isa pang pagkakataon...” At hindi ko na napigilan ang aking sariling huwag humagulgol.
Nang nakalabas na ako ng kapilya, napag-alaman kong doon din pala naka-confine si Sarah na ligtas na ang kalagayan bagamat hindi na naisalaba ang bata. Binisita ko siya at nanghingi ng patawad.
“Masakit sa kalooban ko. sobrang sakit. Ngunit wala naman yata akong magagawa, di ba? Dapat ay matanggap ko ito. Mahirap ngunit kaya ko naman siguro. Noong una pa man ay may hinala na ako sa inyo ni Lito. Kasi ba naman, kahit ako ang kasama mo, palaging si Lito ang lumalabas sa iyong bibig. Tapos walang oras na hindi ka nagti-text sa kanya… o kaya ay siya ay tumatawag. At least ngayon, na-confirm ko na ang lahat ng hinala ko. Mahirap pumasok sa isang relasyon kung isang side lang ang nagmamahal, di ba? Kaya huwag kang mag-alala, turuan ko ang sarili kong mag move on at kalimutan ka…” ang sambit ni Sarah.
“N-nagsisisi ako Sarah. Mahal kita. Totoo iyan. Ngunit mahal ko rin si Lito. Natutunan ko siyang mahalin dahil sa aming pinagsamahan at dahil sa kanyang kabaitan. At ngayon ay mas kailangan niya ako…”
Binitiwan niya an gisang pilit na ngiti. “N-naintindihan ko… At ngayong wala na ang baby natin, wala nang dahilan pa upang habulin kita. Malaya ka, Warren, kung saan ka man lumigaya, hindi kita guguluhin. Napag-alaman ko rin na kritikal ang kalagayan ni Lito. Puntahan mo siya. Mas kailangan ka niya sa kalagayan niya ngayon. Basta, isipin mo lang palagi na nandito lang ako, kung sakali mang kailangan mo ng tulong o karamay…” Ang sabi ni Sarah.
Niyakap ko siya, at sa huling pagkakataon, hinalikan ko ang mga labi niya. Pinasalamatan ko rin siya sa kabaitang ipinamalas niya; sa lawak ng kanyang pang-unawa. Bagamat dumaloy ang mga luha niya sa pisngi, ramdam kong mas naiintindihan niya ang kalagayan namin ni Lito.
Doon nagtapos ang relasyon namin ni Sarah. Masakit ngunit pilit na tinanggap ng aming kalooban ang desisyon na aming ginawa para sa isa’t-isa.
Bumalik ako sa ward ni Lito. Habang pinagmasdan ko siya sa kanyang kalagayan, matinding pagkahabag ang bumalot sa aking buong pagkatao. May kung anu-anong mga tubong nakakabit sa katawan niya, sa ilong, sa bibig, sa kanyang pulso, sa dibdib.
Lumipas ang walong oras, siyam na oras, sampu, labing-isa, labing-dalawa… nakakasindak ang bawat patak ng oras, sumagi sa aking isip na ano mang sandali ay maari pa ring bumigay ang katawan ni Lito. Hindi ako mapakali at kung anu-anong nakakatakot na eksena ang pumapasok sa aking isip. Ngunit kahit papaano, may dala rin itong kaunting dulot na konsuwelo na kahit tila napakabagal ng oras nand’yan pa rin siya, lumalaban at hindi bumitiw.
Eksaktong 24 oras ang lumipas, nanatiling lumalaban pa rin si Lito, bagamat nanatiling wala siyang malay at hindi gumagalaw. Kaya’t ang sabi ng duktor na kung magiging steady ang takbo ng kanyang sistema ay may tsansa pa raw na manumbalik ang malay nito.
Syempre, may dulot itong saya sa akin at sa mga magulang niya. At lalo pa akong nanalangin na sana ay malampasan niya ang lahat.
Nalampasan nga ni Lito ang sinasabing 24 critical hours. Pagkatapos noon, araw naman ang aming binibilang. Dalawang araw, tatlo, apat…
Limang araw na ang lumipas nang hindi ko na nakayanan pa ang pagkainip. Ang ginawa ko nang ako lang mag-isa ang nagbantay, kinausap ko si Lito, kahit alam kong hindi niya ako narinig at hindi niya ako maaaring sagutin. “’Tol… naiinip na ako, gustong-gusto ko nang makausap ka eh… Gusto ko nang makita kang ngumiti, tumawa, makabiruan. Miss na miss na kita, ‘tol. Lakasan mo ang loob mo. Lumaban ka, huwag kang bumitiw. Sabi mo doon sa sulat mo na kung sinabi ko lang sa iyo na mahal kita ay ipaglaban mo ang relasyon natin. Ngayon, sasabihin ko sa iyo, ‘Tol… mahal kita. Mahal na mahal kita! Kaya lumaban ka. Ipaglaban mo ang pagmamahalan natin kahit pa kay kamatayan. Huwag kang padadaig… huwag kang mawalan ng lakas. Ipaglaban mo ako ‘tol… dahil nandito lang ako palagi sa tabi mo, hindi kita iiwan at hihintayin kita hanggang sa pagbalik ng iyong malay.” At hinalikan ko siya sa pisngi.
Naupo uli ako sa silya at pinagmasdan ang anyo niya. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata. Bagamat nanumbalik at unti-unti nang lumitaw ang normal na katangian at anyo ng kanyang mukha, pakiramdam ko ay nakikipag-usap pa rin ako sa isang taong walang buhay.
Kinapa ko ang cellphone ko at pinatugtog ang paborito niyang kanta. Inilatag ko iyon sa higaan, malapit sa kanyang tainga nagbakasakaling marinig niya ang kanyang kanta at makakatulong sa paglakas ng kanyang loob.
Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
Bumalik uli ako sa kinauupuan, pinakinggan ang bawat kataga ng kantang paborito niya. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Naglalaro sa aking isip ang mga pagdurusa niya sa kanyang pagmamahal sa akin. Nakatutok lang ang aking mga mata sa kanyang mukha. “Hindi ko na papayagang magdusa ka pa ‘tol. Hindi ko na papayagang mawalay pa ako sa piling mo…” ang sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla akong napatitig sa mukha ni Lito. Na-curious kasi ako sa tila butil ng tubig na namuo sa gilid ng kanyang mga nakapikit mata. Nilapitan ko siya habang napako ang paningin ko sa kanyang mga mata. Nang nasa gilid na ako ng kanyang kama, laking gulat ko nang dumaloy ang mga namuong tubig mula sa kanyang mga mata at bumagsak ang mga ito sa kanyang unan.
“Umiyak si Lito!!!” ang sigaw ng isip ko. Napabalikwas ako sa magkahalong gulat at tuwa, hindi magkamayaw sa pagtatatalon. “’Tooolll! Tangina, narinig mo pala ako, ‘tolll! Kanina pa ako nagsasalita nakikinig ka pala sa akin ha?” Ang sigaw kong biro ko sa kanya. Sobrang saya ko kasi na parang may kumalampag na excitement sa puso ko. At pakiramdam ko talaga ay narinig niya ang lahat ng mga sinasabi ko. “Yeheeyyy!” Sabay yakap ko sa katawan niya at hinalik-halikan ko pa ang kanyang pisngi.
Pinahid ng kamay ko ang mga luhang iyon na dumaloy sa kanyang mukha atsaka seryosong kinakausap siya. “Kahit anong mangyari ‘tol… hindi kita iiwan, pangako ko iyan sa iyo. Kaya lumaban ka, pareho nating labanan ang buhay, ‘tol. Narinig mo ba ako, ‘tol? Huwag na huwag kang bumitiw! Magpakatatag ka ‘tol para sa akin! Ipaglaban mo ako. Iparamdam mo sa akin na mahal mo ako, ‘tol!”
Ngunit ganoon pa rin siya. Boses ko lang ang umaalingawngaw sa buong kwarto na iyon.
“Bigyan mo ako ng isa pang palatandaan tol na narinig mo nga ako. Isa pa ‘tol! Pleaseeee.” ang paghikayat ko sa kanya.
Tahimik.
“Ok, tol… igalaw mo ang katawan mo. Kahit anong parte, kahit mata mo lang ‘tol!”
Tahimik uli. Wala pa rin akong napansing gumalaw sa kanyang katawan.
Ngunit hindi ako sumuko. Ipinadama ko sa kanya na hindi ko siya igigive-up at kaya dapat ay hindi rin siya gigive-up para sa akin.
Habang inutusan ko siyang muli na piliting igalaw ang ano mang parte ng kanyang katawan, nakita ko ang biglang pagbaltak ng kaliwang hintuturong daliri niya. Halos hindi ko nga napansin ito ngunit kitang-kita ng mga mata ko ang paggalaw na parang isang mabilisang hindi-kusang galaw ng kanyang kalamnan.
“Tol… ginawa mo iyon? Iginalaw mo ang iyong daliri” Ang excited kong tanong sa kanya. “Kung ginawa mo iyon, ‘tol, gawin mo uli! Gawin mo uli, ‘tol!” ang utos ko.
Pinagmasdan kong muli ang hintuturo niyang iyon. At nakita ko na binaltak na naman niya ito.
“Tolllll. Shittt! Naririnig mo na talaga ako! Yiheeeyyyyy!” at muli kong siyang niyakap at hinalikan. “Ngayon ay puwede na tayong mag-usap ‘tol!” ang sigaw ko habang nagtatalon sa nadaramang kagalakan.
Hinaltak niya uli ang daliri niya na para bang ipinadama niya na natuwa din siya na may contact na kami. Iyong daliring iyon lang ang kaya niyang igalaw.
“Narinig mo ang tugtog ng paborito mong kanta, tol?”
Hinaltak uli niya ang kamay niya.
“Gusto mong ipatugtug ko uli?”
Sagot uli siya.
At iyon na ang simula ng pagkakaroon namin ng contact ni Lito. Kapag “Oo” ang sagot niya, hinahaltak niya ang daliri. At kapag “Hindi” o “Ayaw” naman, hindi niya ginagalaw ang daliri. Minsan binibiro ko siya kagaya ng, ”Sige ka, kapag di mo pilitin ang sariling gumalaw, hindi na titigas iyang ari mo” sabay tawa. Hahaltakin naman niya ng sunod-sunod ang daliri na tila tumatawa o sinasabing “Tado ka!”
Ikinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari sa amin ni Sarah; na hindi natuloy ang kasal namin dahil iniwanan ko siya para sa kanya; na nalaglag ang bata, at nagkausap na kami at napagdesiyonan naming tapusin na ang aming relasyon.
Isang lingo pa ang lumipas at tuluyan nang iminulat ni Lito ang kanyang mga mata. Nang nangyari ito, ang pinakaunang nakita niya ay ang malaking streamer na ginawa ko na isinabit sa dingding ng kuwarot niya paharap sa kanya. Pinaikutan pa ito ng maraming pulang balloons na hugis puso at ang nakasulat sa malaking streamer at mga ballons ay, “TOL… I LOVE YOU! Welcome back!”
Kitang-kita ko ang kagalakan sa kanyang mga mata nang mabasa niya ang mga iyon. Tiningnan niya ako at binitiwan ang isang nakabibighaning ngiti. Iyon na ang pinakamaganda at pinakamasayang ngiti na nakita ko sa kanya. At ang una niyang nasambit na mga kataga sa akin? “Tol… I Love You!”
Niyakap ko siya at hinalikan, hindi alintana ang mga nakatingin na mga magulang niya, kapamilya at mga kaibigan namin na narooon.
Pagkatapos ay ipinakita ko rin sa kanya ang kabibeng binuo ko uli, at ang mga sapatos naming itinapon sa tangke ng tubig.
Sa paglipas pa ng ilang linggo ay naigagalaw na rin ni Lito ang kanyang paa at mga kamay. ang sabi ng duktor ay mistula raw isang himala ang kanyang recovery. Ngunit ipinaliwanag rin ng duktor na ang kaso ni Lito ay possibleng mangyari dahil sa ipinamalas na lakas ng loob niya, at dahil na rin sa suporta mula sa mga mahal niya sa buhay. Kumbaga, may matinding motivation na nakakapagbigay sa kanya ng matinding encouragement na lumaban. At ang biro pa ng doktor habang nakatingin sa akin, “Love conquers all…”
Napangiti na lang ako.
Dalawang buwan pa ang lumipas at tuluyan nang gumaling si Lito. Bagamat may mga motor functions pang kailangang ibalik, nakukuha naman daw ito sa regular na physiotherapy sessions. Syempre, sobrang tuwa at saya ang nadarama ng lahat, lalo na ang mga magulang ni Lito. Nakita nila kung gaano ko inalaggan si Lito sa ospital na halos hindi na ako natutulog, hindi kumakain, hindi nagpapahinga, hindi umuuwi ng bahay. At malaking pasasalamat nila sa ipinakita kong suporta at pagmamahal sa anak nila.
Dahil nakita nila na sa akin din humuhugot ng lakas at inspirasyon si Lito, naintindihan nila ang lahat-lahat sa amin. Syempre, pati na ang kakaibang relasyon namin. Binigyang-laya nila ang aming naramdaman at ang payo pa nila sa akin ay, “…ngayong alam na namin kung gaano mo kamahal si Lito, ipaubaya na namin siya sa iyo. Ano man ang gusto ninyong gawin o ano man ang mga plano ninyo sa buhay, susuportahan namin kayo.”
Nasa US na kami ngayon ni Lito; sa isang estado kung saan legal ang pagpapakasal ng mga kagaya namin. Kasal na kami, at nagsasama na sa isang bahay na binili ng mga magulang niya para sa amin.
Sa bagong lugar na ito, sisimulan naming buuhin ang aming buhay, ang aming mga panagarap, at pagtibayin pa namin ang aming pagmamahalan. Hindi man namin kuntrolado ang takbo ng aming magiging bukas ngunit sapat na para sa amin na nagmahalan kami ng tapat at nangakong hinding-hindi kami bibitiw sa aming pagmamahalan.
Wakas.
Acknowledgment:
Lucky. “Tol… I Love You!” theme song.
By Jason Mraz