By Michael Juha
----------------------
Dumating ang mga paramedic at itinuloy nila ang CPR. Maya-maya, dinala nila si Lito sa ambulansya nila kung saan ay may equipment silang pampa-revive ng puso at paghinga. Iyong parang plantsa na idikit sa dibdib at magba-bounce. Ngunit pati ito ay wala na ring silbi. Hanggang sa ang isa sa mga paramedics ay nagsalita. “Hindi na kaya… We are sorry.”
Mistulang pinutukan ako ng bomba sa narinig, hindi makapaniwalang wala na ang kaibigan. Sumigaw ako hanggang sa tuktok ng aking boses. “ARRGGGGHHHHHHH!!! TOLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL!!!” Ngunit hanggang sa pagsigaw na lang ang kaya kong gawin...
Hindi ko alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Puno ng pagsisisi, galit sa sarili, at awa sa kaibigan. Pakiramdam ko ay gusto ko na ring magpakamatay upang samahan si Lito kung saan man siya naroroon. Ang nakahadlang lang nito ay ang paniniwala ko na isang pagkakamali kung gagawin ko ito dahil ito ay isang malaking kasalanan.
Ibinurol si Lito sa bahay nila ng siyam na araw. Sa panahon ding iyon, doon ako pinatulog ng mga magulang niya sa kwarto mismo ni Lito. Ibinigay nila sa akin ang karapatan kung ano man ang gusto kong gawin sa mga personal na gamit ni Lito. Noon daw kasing panahon na malungkot na malungkot si Lito dahil sa hindi ko pagpapatawad sa kanya, may nabitiwan itong salita sa kanila na kung ano man ang mangyayari sa kanya ay huwag nila akong sisihin at ipaubaya sa akin ang mga personal na gamit niya.
Nang manghalungkat ako sa mga personal na gamit ni Lito, nakita ko ang mga litrato namin sa panahong napakasaya pa naming nagsama bilang magkaibigan. May isa ring litrato kung saan may nakaukit sa likod na, “My Best Friend, Warren… Mahal na Mahal Ko Iyan!”. Nakita ko rin ang isang tuyong bulaklak kung saan natandaan kong ibinigay ko sa kanya isang beses na biniro ko siyang bakla. Naroon din ang isa kong shorts na hiningi niya sa akin matapos kaming maligo sa beach.
Habang isa-isa kong hinalungkat ang mga gamit niya, isa-isa ring nanumbalik sa isip ko ang mga ala-ala na nakaukit sa mga bagay na iyon. Hindi ko maiwasang hindi mapahagulgol.
Iniligay ko ang lahat ng iyon sa isang karton, kasama na syempre ang pinakamahalagang mga bagay para sa amin: ang pares ng sapatos na itinapon namin sa tangke na pinagbuo ko na, ang kabibe na may mga sulat-kamay naming na binuo kong muli at tinalian upang magdugtong, gumawa rin ako ng sulat para sa kanya –
“Dear ‘tol… salamat sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Salamat at kahit sa maikling panahon ay may isang katulad mo na dumating sa buhay ko. Salamat sa lahat ng tulong. Salamat sa lahat ng payo. Salamat sa pagiging tapat na kaibigan. Salamat sa kaligayahang ibinigay mo sa akin. Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal. Pasensya ka na, na ako ang naging dahilan sa maaga mong pagpanaw. Kung alam mo lang kung gaano katindi ang pagsisisi ko… Hindi ako mapakali. Nahirapan akong tanggapin ito. Kung alam ko lang na ito pala ang kahahantungan ng lahat, sana, hindi ko na hinayaan ang sariling malayo pa sa piling mo. Hindi ko mapatawad ang aking sarili ‘tol. Sana ay naghintay ka. Sana ay hiniling mo sa akin na huwag akong magpakasal. Hinintay ko lang naman na sabihin mo iyon sa akin e… Ngunit wala na akong magagawa pa. Kung saan ka man naroon ngayon, sana ay masaya ka, mapayapa, d’yan sa mundo na kung saan sinabi mo sa kanta na ‘lucky’ ka dahil mahal mo ang best friend mo at minahal ka rin niya. Huli man ang lahat, ngayon ko lang sasabihin sa iyo ito Tol… I Love You!”
Isiniksik koo ang sulat na iyon sa loob ng ipinagdikit kong kabibe. Tinalian ko pa ito upang siguradong hindi na muling maghiwalay pa.
Sa libingan ni Lito ay inilibing ko rin ang lahat ng mga alaala namin. Nakihatid ang lahat ng mga kaibigan, kaklase, mga buddies. Ako nag pinakahuling umalis sa huling himlayan niya.
Habang nag-iisa, parang isang baliw akong nakikipag-usap sa kanya. Walang humpay ang pag-agos ng aking luha. At bago ako umalis, binitiwan ko uli ang mga katagang matagal na niyang inaasam-asam na marinig sa mga bibig ko.
Alam ko huli na ang lahat… ngunit sasabihin ko pa rin ito sa iyo. Totoo ito at hindi ako nagkukunwari. Ngayon ko lang narealize tol… na mahal kita. Ikaw ang tunay na mahal ko.
Mahigit alas 8 na ng gabi nang maisipan kong umuwi. Sa taxi kong napara, umupo ako sa harapan sa tabi ng driver. Disoriented, pagod ang katawan at sobrang bigat ng kalooban. Pakiwari ko ay himinto ang takbo ng mundo, naglaho ang mga kulay at sigla sa paligid.
Inilabas ko ang USB na baon-baon ko. Hiniling ko sa driver na isalang ito sa USB slot niya -
Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
Walang patid ang pagdaloy ng aking mga luha. Sa bawat bigkas ng mga kataga ng kanta, naiimagine ko ang tindi ng kalungkutang nadarama ni Lito sa kabiguan ng pagmamahal niya para sa akin, at sa kanyang pagtitiis. At ang naibulong ko na lang sa sarili ay, “Sana natupad na ang mga katagang sinasabi ng kantang iyan, kagaya ng palagi mong sinasabi sa akin kapag pinatugtog mo iyan; na sa kantang iyan mo lang nabibigyang-buhay ang ‘pagmamahalan’ natin dahil sa totoong buhay, ang nagmamahal mo ay one-sided, hindi sinusuklian. Ngunit nagkamali ka ‘tol… Sa panahong iyon ay may nararamdaman na ako sa iyo. Hindi lang ako sigurado at hindi ko rin masabi-sabi dahil nahirapan akong tanggapin ito sa aking sarili, na nagmahal ako ng kapwa lalaki. Ngayon ay napatunayan ko na ikaw talaga ang tunay kong mahal. Hintayin mo ako d’yan. Isang araw ay magsama rin tayo at mabigyang-katuparan ang ang ating pagmamahalan. Palagi mong tatandaan, tol… I love you!”
Wakas.