Chapter 8: Cats

432 Words
*Dan POV* Napa angkas nalang ako sa motor niyang di naman kagandahan pero maangas siyang tingnan kala ko nga holdaper eh. "Wear this"sabi nito sabay bigay ng helmet walang ganang sinuot ko ito di ko alam kung tama ba yung pagkasuot dahil di ko naman kinahihiligan magmotor oh sumakay ng motor noh hindi sa pag iignorante ayoko sa motor noh mas mabilis kang mamamatay niyan dahil isang salpok mo lang titilapon kana. Tinahak niya yung daan kung saan man ito teka nga shortcut ba ito. Ilang minuto pa teka di nato patungo sa bahay namin ah no way baka nascam ako oh baka nauto ako teka itotorture bako nito. Mahigpit na yung hawak ko sa jacket niya baka ilalaglag ako nito kung saan. Maya maya lng ay huminto ito sa isang shop. "Pet Coffee!?" Pagbigkas ko sa karatulang nakasulat sa taas gumuhit naman yung pagkakuryoso. Bumaba nalang ako at siya na mismo nag tanggal ng helmet. "Tsk." Parang hindi narinig ha dahil siguro sa pagsuot ko kanina ng helmet niya. Pumasok naman ito sa mismong coffee thingy. Syempre ano ako tatanga lng sa labas edi sumunod ako sakaniya tanga niyo rin eh!! "Kuya Denzz!" Isang maliit na lalaki ang lumapit kay wait di ko pa nakikilala yung pangalan nito eh. Gumuhit naman yung ngiti sa lalaki tsaka kinarga ito tumingin naman sakin yung bata kita ko yung pagkagulat niya. "Kuya Jowa niyo po?!" Sabay turo sakin Batang to kung ano anong pinagsasabi. "Hindi Kasama ko lang asan si Tita Ausie?" Salita nito himala mabait naman pala ito. Di nako sumunod sakanila baka kung ano pang kasamaan ang gagawin sakin pero base sa mukha niya kanina mukhang wala namang kasamaan ang balak niya. Umupo ako sa sofa. Ang ganda ng taste of color sa coffee relax ha nagulat naman ako ng may pusa na lumapit sakin. Teka san galing to may sumunod ring isa na kulay itim kaya medjo pinalayo ko ito. "Shoo" malas daw kase yung itim na pusa madapuan pako. Pero yung pusa lapit parin ng lapit sakin. Lumabas naman sa wakas yung lalaki nakatingin ito sakin na walang emosyon. "Tulungan mo naman akotaena" ngunit sa isip ko lng iyon pero mukhang nabasa niya yung utak ko bigla itong lumapit sakin at kinuha ang itim na pusa. Umamo naman ito sakaniya hays buti nalang. "You dont like cats?" Wow english umirap naman ako rito. "Hindi naman masiyado clingy kase" sabi ko nalang. "Namimili sila ng taong mapagkakatiwalaan kaya sila clingy" Ayan parin yung pagpapacute niya sa pusa tumawa naman ako parang tanga lang haha. Tumingin ito sakin at nawala yung ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD