*Dan POV*
Teka nga napaka seryoso talaga nito pero gusto ko talagang malaman yung lahat sakaniya eh.
Hoy wag kayong assuming syempre bodyguard ko daw siya Aghh.
"Sandali nga lang totoo bang body guard kita at di ko pa alam yung pangalan mo eh tsaka sang lugar ba eto bat andaming pusa tapos sino yung bata kanina?Tapo...
Di ko na natapos ng lumabas yung babae na sapalagay ko ay nasa 35 years old. kasama yung bata.
"Oy may bisita pala tayo Denz Bigyan mo yan ng Pinakamasarap nating coffee Kamusta kanaman ijo?" Kita ko yung tuwa sa mukha niya yung bata naman ay naglalaro sa pusa umupo ito sa katabing sofa.
"A-ah okay lng naman ho maam" Shy pako niyan ha syempre ako lng to noh. Tumawa naman ito at tinampal ako.
"Nako Wag kanang mag maam sakin Ate nalang total di panaman ako mukhang matanda mukha ba akkng matanda?" Sabay Posing nito.
Napatawa naman ako konti nakakatuwa to bet ko siya maging friend.
"Hahaha Hindi naman po" sabi ko nalang yung Denz naman lumapit na samin ng may dalang drinks ice coffee yung dala niya.
"Nako masarap yan alam mo bang maraming dumadayo rito dahil relaxing tong coffee shop ko " Ani nito tumango naman ako at umihip na.
Oo nga naman masarap.
"Masarap ho marami pong salamat" sabi ko nalang.
Maraming kwentuhan ang ganap yung si Denz di ko pa kilala yung name bahala nasiya kung gusto niyang magpakilala oh hindi.
Mabait yung tita niya puro tawa lng at chikahan.
Napagdesisyonan ko nang umuwi dahil mag 4 pm na.
"Marami po talagang salamat Ate" bigkas ko habang hinahatid niya kami palabas.
"Nako Pang ilang sabi mo nayan basta ha pag may time ka bisita ka rito welcome ka rito tsaka Denz Igala mo ulit siya rito ha haha" sabi nito.
Tumango naman ito tsaka sinuot sakin yung helmet.
Tumingin naman ako kay Ate Ausie.
"Nako Ha May something sainyo pero Basta Welcome ka rito O sige na See you" Bigkas nito.
Nakarating kami ng bahay at buti nalang wala si dad si mom naman mga 7pm pa yung uwi.
"Hoy Di pa ako tapos akala mo ha porket guard na pinahire sa daddy ko dinala dala moko kung saan saan isusumbong talaga kita" ani ko at tumalikod.
"Okay Tell him the whole truth" Napatigil ako sa paglalakad nahuli niyako run ah.
"I hate you ! Sana palitan ka ng dad ko!" Sigaw ko rito at pinakita yung middle finger sakaniya.
I Hate him Tang-ina first day pa niya ginagago naniya ako.