Chapter 6

2000 Words
CARMELA "I'm sorry, Daevon. Hindi ko sinasadyang saktan ka," bulong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong saksakin ang asawa ko. Nag-panick kasi ako kanina ng makita kong wala ng malay si Victor na nakahandusay sa lupa. Akala niya ay naglalandian kami ng anak ni Aling Pasing kaya galit niyang sinugod ito at binugbog. Nang bigla siyang lumitaw sa bakuran ng aking tiyahin ay saktong nadatnan niyang nakahawak si Victor sa aking bewang. Kung hindi ako nasalo ng anak ni Aling Pasing ay baka sa lupa ako bumagsak. Maputik ang daanan ngayon dahil umulan ng malakas kagabi. Galing ako ng sementeryo kanina at bago ako umuwi sa mansyon ay dumaan muna ako kina Tita Ofelia. Tumakas lang ako saglit dahil gusto kong makita si Don Arturo bago siya ihatid sa huling hantungan. Hindi ako namukhaan ng ibang tao sa aming barangay dahil may suot akong itim na balabal. "Stop crying. Hindi pa ako patay," malamig niyang usal. "Ikaw naman kasi, e!" Sinapak ko ang dibdib niya kaya mahina siyang napadaing. "Wala kaming relasyon ni Victor kaya anong pinagsasabi mong magtatanan kaming dalawa? Saka saan mo nalaman na umalis ako ng mansyon?" "You really know how to turn the tables. Ako dapat itong nagtatanong at galit," nakanguso nitong sabi. "Tumawag si Nanay Flora at sinabi niyang nawawala ka." Nanliit ang dalawang mata niya na para bang may gagawin akong hindi niya magugustuhan. "Sorry, na-miss ko lang talaga si Tita Ofelia. Magpapaalam sana ako sa 'yo kaso hindi ko naman alam ang cellphone number mo," pagsisinungaling ko. Mas mabuti ng magsinungaling ako kaysa saktan niya ulit ako. Madali lang naman siyang utuhin dahil may gusto siya sa akin. Kailangan kong sabayan ang lahat ng gusto niya para makuha ko ang tiwala niya. Buo na ang loob ko na pagkatapos ng limang buwan ay aalis na ako ng tuluyan sa mansyon niya at magpakalayo-layo. Nabitin sa ere ang kamay ni Daevon dahil biglang bumukas ang pintuan. Tumambad ang nag-aalala na mukha ni Havier at mabilis niyang sinuri ang kapatid nito. "Sinong gumawa nito sa 'yo?" Mahihimigan mo ang galit sa kaniyang boses. "Isang magnanakaw kuya. Hindi ko nakita ang pagmumukha niya dahil may suot itong mask." Hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Daevon kaya napayuko na lang ako. He saved me again. Ayaw niyang mas lalong magalit si Havier sa akin kaya pinagtakpan niya ang kagagawan ko. Hindi ko alam kung bakit parang unti-unting nalulusaw ang harang na ginawa ko para maprotektahan ang puso ko. Mahal ko na ba siya? Ano ba itong pinagsasabi ko. Paano ko siya magugustuhan e hindi naman siya ang ideal man ko. Siguro normal lang itong nararamdaman ko ngayon dahil kinakabahan ako sa kapatid niya. "I see. Nahanap mo na pala ang asawa mo," makahulugan na sabi ni Havier kay Daevon. "Paano ba 'yan, alis na ako at mukhang okay ka naman. Hindi ko babanggitin kay mama ang nangyari sa 'yo ngayon at baka bigla pa siyang sumugod dito. Alam mo naman na kailangan niyang magpahinga at bumawi ng tulog." Nginitian pa ako ni Havier bago siya umalis. Hindi napansin ni Daevon ang pasa sa bandang leeg ko dahil natabunan ito ng suot kong balabal. "Natakot ba kita kanina? I'm sorry, it's just that I don't like seeing you touched by another man. I'm territorial, Carmela. Ang akin ay akin." Hinila niya ako at pinaupo sa kaniyang tabi. "O-oo," pag-amin ko sa kaniya. "Huwag mo na ulit gawin iyon dahil baka makapatay ka pa ng inosenteng tao." Naalerto ako ng tangkain niyang bumangon kaya inalalayan ko siya. "Nagugutom ka ba?" tanong ko. "No, I just want to hug you. Akala ko ay naglayas ka na. Huwag mo akong iwan, Carmela. I need you. You're the only one who can tame me." Nang hawakan niya ang bewang ko ay libo-libong kuryente ang naramdam ko. I gasped. Mukhang mahal ko na nga si Daevon, pero hindi pwedeng mahulog ang loob ko sa kaniya. Dahil ang daming rason kung bakit hindi kami pwedeng dalawa. Napapikit ako ng ipatong ni Daevon ang baba niya sa balikat ko. Naiilang ako sa pwesto naming dalawa pero hindi ko ipinahalata sa kaniya. "I won't leave you," I said. Isang mainit na halik ang iginawad niya sa akin. Mapag-angkin at may halong panunuya nitong sinakop ang labi ko. Siya ang first kiss ko kaya hindi pa ako marunong humalik. "Oh," daing ko. Nakakahiya! Paano ba naman, kinagat niya ang labi ko kaya napaungol ako bigla. Nang mapansin niyang hindi na ako makahinga ay binitawan na niya ang labi ko. "I love you, Carmela. I'm really in love with you. Ikaw lang ang babaeng nagparamdam nito sa akin." Magkadikit na ngayon ang noo namin habang nakatitig kami sa isa't isa. Ang mga mata niya ay puno ng emosyon. Parang ibang Daevon ngayon ang kaharap ko. Pinatakan niya ulit ako ng halik pero sa pagkakataong ito ay may halong pagmamahal. Sunod-sunod na luha ang pumatak galing sa mga mata ko dahil hindi ko akalain na sa gitna ng malagim na pangyayari ay mahahanap ko ang lalaking handang ipaglaban ako at mahalin nang buong-buo. Nakakapanghina kasi sa ganitong paraan niya pa kami pinagtagpo. "Daevon, nasa ospital tayo!" sigaw ko ng tangkain niyang itaas ang damit ko. "Okay. Okay," natatawang sabi niya. "You better prefer it in the next few days because I will punish you in my bed." Napalunok ako dahil mukhang hindi siya nagbibiro. "Hindi pa ako handa sa ganoong bagay, Daevon." "Gusto kong magkaroon tayo ng anak, baby. Masyado ba akong mabilis o sadyang ayaw mo lang sa akin?" malamig niyang tanong. Ayan na naman siya. "Pero sabi mo ay hindi ako matatali habang-buhay sa 'yo. Kung magkakaroon tayo ng anak, ibig sabihin niyan ay wala na akong takas sa 'yo." Sana naman maintindihan niya ang nais kong iparating. Okay lang sa akin na ibigay ko sa kaniya ang virginity ko basta 'wag niya lang akong buntisin. Kung magpupumilit siya sa gusto niya ay baka makabili ako ng pills ng wala sa oras. "Labas muna ako saglit, magpapahangin lang ako." "Daevon naman! Ako na lang ang lalabas kung ayaw mong makita ang pagmumukha ko. Baka bumukas pa ang tahi sa bandang tiyan mo kung maglilikot ka diyan." "Stay," utos niya sa akin. "Fine, hindi na ulit ako lalagpas sa linya. I know that you don't love me, so I'm sorry if I'm insisting that I want a child. Don't worry, after five months you will be back as Carmela Trinidad." "Ang akin lang naman ay hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ng anak. Masyado pang magulo ang buhay nating dalawa, Daevon." Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita. Nang dumating si Nanay Flora ay nagpaalam ako saglit dahil kanina pa nasa labas si Janika. "Hoy, ano itong nalaman ko. Ikaw na babae ka," eskandalosang sabi ng aking kaibigan. "Totoo ba ang usap-usapan sa barangay niyo?" "Oo," pagod kong sagot sa kaniya. "Mag-asawa na kaming dalawa ni Daevon." Hindi alam ni Janika ang totoong estado namin ni Daevon at wala akong balak sabihin ito sa kaniya. Mapagkakatiwalaan naman siya pero baka kasi bigla siyang madulas at malaman ng ibang tao. "Hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal niyo! Pero malaki ba? Ikwento mo naman sa akin kung anong nangyari sa first night niyo. Kahit 'yon na lang," excited nitong sabi. "Masyado kasing atat si Daevon kaya hindi na kami nag-imbita ng ibang tao. Hayaan mo at sa susunod ay iimbitahan na talaga kita." "Sabi mo 'yan, a. Ano, masarap ba ang asawa mo? Marami kayang babaeng taga-Maynila ang nagkakandarapa sa asawa mo," bulong niya. "Balita ko pati ang anak ni governor ay baliw na baliw kay Daevon. Ang swerte mo talaga, Carmela!" Tipid kong nginitian ang aking kaibigan. Swerte, saang banda? Porket asawa ko na si Daevon, akala ng lahat ay maganda na ang buhay ko. Ang tingin ng iba sa akin ay naka-jackpot ako ng lotto dahil isang kilala at mayamang negosyante ang napangasawa ko. "Ano ba ang pinagsasabi mong masarap, Janika? Saka kahit maraming babae ang dumikit sa kaniya ay hindi naman sila papansinin ni Daevon." "Ang taray, kunwari hindi bothered. Alam mo, kunwari ka pa. Ayaw mo lang sabihin sa akin kung ano-anong posisyon ang ginawa n'yo ni Daevon!" Napalakas ang boses niya kaya napatingin sa amin ang mga nurse na napapadaan. Kulay kamatis na ang buong mukha ko dahil sa pinagsasabi ni Janika. Mukhang hindi na naman nakainom ng gamot ang kaibigan ko dahil kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bunganga niya. Dito pa talaga siya nagkakalat , nakakahiya! "Sa susunod na lang ako magkukwento sa 'yo dahil nandiyan na ang sundo mo. Ikaw a, kayo na pala ng crush mo. Parang dati lang ay nagnanakaw ka lang ng tingin sa kaniya tapos ngayon abot kamay mo na. Sana all," biro ko. "Gaga, kalma ako lang 'to. Sa susunod hindi ka na talaga makakatakas sa akin. O, bago ako umalis ay mag-iiwan muna ako ng tips para mabaliw lalo si Daevon sa 'yo. Ikaw ang mag-drive sa ibabaw niya at igiling mo ng todo para hanap-hanapin ka niya. 'Yong tipong kada minuto ikaw ang laman ng isipan niya. Gano'n dapat, Carmela." "Umalis ka na nga, Janika," pagtataboy ko sa kaniya. Pero napaisip ako sa sinabi niya. Maghahanap ba ng ibang babae si Daevon kapag hindi ko siya pinagbigyan? Pero dapat ba talagang may mangyari sa aming dalawa? Kasi hindi naman kami tunay na mag-asawa at wala rin kaming relasyon. Bahala na nga... "Ay, palaka!" Napatalon ako ng may isang kamay na pumulupot sa bewang ko. "Daevon, ba't ka lumabas?" Ganito ba talaga siya? Ang tigas ng ulo niya at malingat lang ako saglit ay hindi na siya mapakali. "Ang tagal mo kasing bumalik. Nasaan na ang kaibigan mo?" "Umuwi na." s**t, naalala ko na naman ang sinabi ni Janika bago siya umalis. Kinuhit ko si Daevon ng makarating kami sa room niya. Kung makatitig siya sa akin ay parang ako ang pinakamagandang babae na nakilala niya. Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang plano ko? Nakakahiya kasi kung ako ang unang mag-o-open ng topic. "What is it, baby?" malambing niyang tanong sa akin. Ewan ko ba kung bakit nagugustuhan ko ang pagtawag niya sa akin ng baby. Umayos ka, Carmela! Baka mamaya mahulog ang loob mo sa kaniya tapos hindi ka pala niya sasaluhin. "P-payag na akong may mangyari sa atin basta iinom ako ng pills." "Come here," he said. "Okay lang sa akin kahit walang mangyaring s****l intercourse sa pagitan nating dalawa. I can wait until your ready, baby. Sapat na sa akin na nasa tabi kita, Carmela." "Pero ready na ako, Daevon." "No, Carmela. Ayokong pagsamantalahan ang kabaitan mo para lang sa pansariling kagustuhan ko." Sa isang salita niya lang ay nawala lahat ng galit ko para sa kaniya at mas lalong tumaas ang respeto ko kay Daevon. Hahalikan ko na sana siya ngunit napaupo kaming dalawa sa sahig dahil may biglang sumabog na tangke galing sa labas. Napuno ng usok ang room na kinaroroonan namin kaya napaubo ako. "Daevon, nasaan ka?" "Bilisan niyo ang paghahanap kay Maximo at ng makaalis na tayo dito," utos ng isang lalaki sa mga kasamahan niya. Mukhang si Daevon ang hinahanap nila. Masama ang kutob ko sa mga lalaking ito. Hindi kaya kalaban niya ito sa negosyo o kaaway niya noon? "Hide yourself, baby. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi, okay?" "No, hindi kita iiwan dito. Please, sumama ka sa akin." Hindi niya ako pinakinggan at hinila niya ako papuntang bathroom para doon ako magtago. "Ayon siya," sabi ng isang lalaking nakakita sa amin. "Just stay here, Carmela. I-lock mo ang pinto para hindi sila makapasok dito," bilin niya sa akin. Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ang noo ko. Pagtalikod niya sa akin ay siyang pagsipa ng isang lalaki sa bandang tiyan niya. Hindi ko pa naisasara ang pintuan kaya nakita ko ito. Nang makita kong babarilin siya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. "Huwag!" sigaw ko at niyakap ko si Daevon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD