Chapter 7

2125 Words
CARMELA Pagmulat ng dalawang mata ko ay mukha agad ni Daevon ang bumungad sa akin. Masakit ang buong katawan ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos. Gusto ko sanang bumangon pero hindi ko kaya. Teka, baka naman patay na ako. Kinurot ko ang aking kamay para kumpirmahin kung buhay pa ba ako o hindi na. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Gusto mo bang kumain o uminom man lang ng tubig?" sunod-sunod na tanong ni Daevon sa akin. "Okay lang ako," usal ko. "Ilang oras ba akong tulog?" Bakas sa mukha niya ang pagiging puyat at mukhang hindi talaga siya umalis sa aking tabi. "Tatlong araw kang walang malay, Carmela. Don't do that again. Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na 'wag kang lumabas pero ano itong ginawa mo? Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo," sermon nito sa akin. "Mamamatay ako ng maaga ng dahil sa 'yo!" Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at nagtawag siya ng doktor. Hindi nauubusan ng tanong si Daevon habang inoobserbahan ako ni Dr. Paul. Ultimo pagdaing ko ay inirereklamo niya sa matandang lalaki. Masyado namang overreacting ang isang 'to. Ang sarap niyang upakan. "Sigurado ka ba talaga doc na maayos na ang kalagayan ng asawa ko?" tanong niya ulit kay Dr. Paul bago ito umalis. "Yes, Mr. Segovia. Your wife is now okay," he said. "Babalik ulit ako mamaya para i-check ang sugat niya." Pag-alis ng doktor ay siyang pagdating ni Elias, ang pinsan ni Daevon na palagi niyang kasama. "Gising ka na pala, Carmela. Kumain na ba kayo? Nagdala pala ako ng mga pagkain," wika ni Elias. "Maraming salamat, Elias. Nag-abala ka pa," mahina kong sabi. Isang matalim na tingin ang ginawad ni Daevon sa kaniyang pinsan kaya mahina kong kinurot ang braso nito. Ang seloso niya masyado! Nagmamagandang loob na nga si Elias tapos sinusungitan niya pa. "Chill, Daevon! Hindi ko naman aagawin ang asawa mo," natatawang usal ng pinsan niya. "Bakit ba nandito ka? Ang dami mo atang oras para maglakwatsa imbis na asikasuhin ang pinapatrabaho ko sa 'yo." Mauulinigan mo ang pagiging istrikto sa boses ni Daevon. "Gago, hindi ako robot 'no! At saka ang pagpunta ko dito ay parte ng trabaho ko," giit ni Elias. May inabot siyang kulay puting folder sa aking asawa kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kasalukuyang si Elias muna ang namamahala sa Segovia Holdings habang abala si Daevon sa akin. "Just delay the contract signing, Elias." Wala akong ideya kung ano ang tinutukoy ni Daevon kaya hindi na ulit ako nakinig sa kanilang usapan. Biglang sumagi sa aking isipan kung kamusta na ba si papa. Kumakain ba siya ng maayos? Hindi ba siya inaatake ng rayuma niya? Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil kahit kriminal ang ama ko ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya. Gano'n naman diba? Kahit gaano kasama ang ama mo ay mahal mo pa rin siya. Hindi ka mapakali sa tuwing hindi mo siya nakikita, tulad ko. Lumaki akong si papa lang ang nakagisnan ko kaya masakit para sa akin ang ginawa niyang pagpatay kay Don Arturo. Hindi ko matanggap! Sa ngayon, isa lang ang tanging hiling ko. Ang mahanap nila si papa at harapin niya ang kasalanang ginawa niya. Lihim kong pinunasan ang basang mukha ko. Ayokong makita ni Daevon na umiiyak ako ng dahil kay papa. Sa aming dalawa, siya ang nawalan kaya hindi ko deserve ang mag-emote ngayon na parang pasan ko na lahat ng problema. "Malungkot ka," komento ni Daevon ng bumaling siya sa akin. "Hindi kaya," pagsisinungaling ko. "Tapos na pala kayong mag-usap ni Elias. Halika, samahan mo akong kumain." "You're not a good actress, baby. Namumula ang mga mata mo, ibig sabihin niyan ay kakatapos mo lang umiyak. At saka wala kang takas sa akin. Sa tuwing nagsisinungaling ka ay napapakagat ka sa labi mo." Sa isang linggo naming magkasama, hindi ko akalain na kabisado na pala ni Daevon ang mannerism ko. Napaka-observant niya namang lalaki. "Naalala ko lang si papa kaya malungkot ako ngayon. Siya nga pala, sa bahay ka na lang matulog mamayang gabi at ng makapagpahinga ka nang maayos." "Ayos lang naman ako dito. I'm comfortable here, Carmela. Hindi kita iiwan mag-isa dito lalo na't nalaman ng kalaban ko sa negosyo na may asawa na ako. Baka kasi ikaw ang puntiryahin nila," galit nitong sabi. "Marami namang bodyguard ang nakabantay sa akin sa labas pero sige, kung 'yan ang gusto mo ay hindi na kita pipiliting umuwi. Hindi naman ako ang mangangalay diyan sa sofa mamaya," pananakot ko sa kaniya. Humalakhak siya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Ewan ko ba, simula ng maging malambing siya sa akin ay hindi na ako natatakot sa kaniya. Pero sana totoo lahat ang ipinapakita niyang kabutihan sa akin. Baka kasi mamaya ay isa lang pala itong patibong para saktan ako dahil anak ako ng taong pumatay sa ama niya. "I won't leave my wife here alone. Kung uuwi ako, iisipin lang kita buong magdamag kaya hindi rin ako makakatulog ng maayos. Mas okay ng mangalay ako mamaya kaysa mag-overthink sa kwarto ko." At ayan na naman, dinadaan na naman niya ako sa mga matatamis niyang salita. Ang Carmela niyo, paniwalang-paniwala. Kinikilig! Ang landi. "Ang dami mo na sigurong nalokong babae, 'no?" "Ikaw lang naman ang babaeng gusto kong pikutin, Carmela." "Che! Hindi ako magpapaloko sa 'yo," sumbat ko. Talaga ba, Carmela? Ngayon lang sumagi sa aking isipan na nasaksak ko pala siya noong pumunta ako sa bahay nila Tita Ofelia. Teka, okay na ba siya? Ba't parang ang bilis naman. Nagulat siya ng walang paalam kong itinaas ang damit niya. Hinawakan ko ang parteng may tahi kaya napadaing siya. "Namamaga ang sugat mo," pagalit kong sabi. "At bakit na-discharge ka na? Para sa akin ay hindi ka pa okay!" "I'm okay now, baby. Mamaya, lilinisin ko rin ang sugat ko kaya 'wag ka ng mag-alala diyan. Malayo ito sa bituka," pagbibiro niya pa. "I'm sorry. Nang dahil sa akin nagkaroon ka pa ng peklat." "Souvenir ko 'to sa pagiging seloso ko, Carmela. Kaya okay lang," sambit ni Daevon na parang hindi ito big deal sa kaniya. "Souvenir ka diyan!" Habang tumatagal ay mas lalong nakilala ko si Daevon. Mas nagiging open siya sa akin. Posible pala 'no, na ma-inlove ka sa kidnapper mo. Kasi dinukot niya ako at kinulong sa mansyon niya tapos ang malala pa diyan ay naging asawa niya ako. Nasira lang ang magandang usapan naming dalawa ng biglang pumasok ang isang sopistikada na babae. Mukhang kaedaran lang ito ni Daevon at sobrang ganda niya. Mas lalong nanliit ang tingin ko sa aking sarili dahil walang panama ang makurbang katawan niya sa akin. Sino kaya ang babaeng ito? "So totoo nga ang sabi ni Tita Alisha, Daevon. Ano na ang nangyari sa taste mo sa mga babae? She doesn't even meet your standards!" Kung kanina ay kalmado lang ang babaeng ito, ngayon naman ay para siyang tigre na nag-aalboroto sa galit. "Why are you here, Nathalia?" walang emosyon na tanong ni Daevon. "Yes, she doesn't meet my standards because she's overqualified. You don't have the right to insult my wife in front of me! " "How dare you treat me like I am nobody, Daevon Maximo Segovia. I am your best friend and your future wife." Future wife? Nalilitong napatingin ako kay Daevon, subalit hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Ipinagkasundo ba siya ng pamilya niya sa babaeng ito? Kung kanina ay pinupuri ko pa siya ngayon naman ay pinapatay ko na siya sa aking isipan. May pa-doesn't meet his standard pa siyang nalalaman e patay na patay nga sa akin si Daevon. Ang sarap supalpalin ng babaeng ito! Gusto niya ata ng gulo. Pasalamat siya masakit ang katawan ko ngayon. "I'm already married, Nathalia. Wala akong balak pakasalan ka at tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa 'yo." "You, w-what?" gulat niyang tanong. Ipinakita ni Daevon ang daliri niyang may suot na singsing at hinalikan niya pa ang noo ko sa harapan ni Nathalia. I saw pain, jealousy, betrayal, and hatred in her eyes. "Magiging akin ka rin, Daevon. She's nothing compared to me. Hahanap-hanapin mo rin ako," confident na sabi ni Nathalia bago siya umalis sa aming harapan. Sige, agawin mo kung kaya mo. Kung sasama sa kaniya si Daevon, willing naman akong ihatid siya sa impaktang babae niya. Anong tingin niya sa akin, weak? Bata pa naman ako at makakahanap pa ako ng ibang lalaki. Nasira tuloy ang mood ko ng dahil kay Nathalia. "She likes you so much, Daevon. It seems that you two were playmates in bed before." "What? Baby, it's not what you think. Wala pang nangyayari sa amin ni Nathalia at virgin pa ako 'no," nahihiyang sabi niya. Hindi na siya makatingin sa akin kaya pinatakan ko siya ng isang matamis na halik. "Talaga? Wala ka pang experience? Hindi ako naniniwala." "Oo nga!" Namumula na ang dalawang tenga niya at hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin. Ang sarap niyang asarin. Akala ko talaga babaero si Daevon kasi ayon kay Janika ay lapitin siya ng babae. Kaya nag-expect akong papalit-palit siya ng babae. Ang judgemental ko naman kasi masyado. Pero kung sa unang tingin talaga, mapapasabi kang marami na siyang naikamang babae. Siguro dahil masyado siyang abala sa negosyo kaya wala siyang time makipaglandian sa iba. Daevon Maximo Segovia is a registered civil engineer and he is an architect too. Mapapanganga ka na lang talaga sa background niya. He is a Segovia and a Tallano at the same time. The two oldest rich families in our province. "What are you thinking?" he asked. "Wala," mabilis kong sabi. "Kung ako ang nakauna sa 'yo, gagalingan ko talaga para hindi mo ako makalimutan." Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kahihiyan. Seriously, Carmela? You look like you want s*x right now. Ano ba, nagmumukha akong pokpok sa harapan niya ngayon. "You never cease to amaze me, and I like your devilish thoughts. Gagalingan ko rin para hindi ka maghanap ng iba. Mahirap na, baka ipagpalit mo ako sa mas magaling sa kama." "Hindi ako ganiyang klase ng babae, Daevon. Saka ba't kita ipagpapalit e wala na nga akong takas sa 'yo." "Ako lang dapat ang lalaki mo, Carmela." "Ikaw lang naman." Konting-konti na lang, mababaliw na ako sa 'yo, Daevon. Napansin kong kanina pa siya nakatingin sa labi ko kaya mas lalo kong kinagat ito. Ako rin ba ang first kiss niya o may nakauna ng babaeng nakatikim sa pag-aari ko? Diyos ko, kung maririnig niya lang ang pagiging territorial ko ay baka isipin niyang clingy at selosa akong babae. Pero totoo naman. "Don't bite your lips, baby. Naaakit ako," paos nitong sabi. "May gusto ka bang gawin kapag magaling na ang sugat mo? Gusto mo bang mamasyal tayong dalawa?" Bigla akong na-excite sa tanong niya pero naalala kong baka mas lalong pag-initan siya ng kaniyang dalawang kapatid kapag nalaman nilang sinasayang lang ni Daevon ang oras niya sa akin. Hindi man niya sabihin ay alam kong prini-pressure siya ni Havier tungkol sa paghahanap kay papa. Gustuhin ko man na magkaroon kami ng quality time pero ayoko namang maging selfish. Sobra-sobra na ang pag-aabala ko kay Daevon at pati ang sarili niyang kumpanya ay hindi na niya maasikaso dahil mas inuuna niya ang kapakanan ko. "Wala, hindi naman ako nababagot sa mansyon mo. Pero kung wala na akong magawa ay baka mapadalaw ako bigla sa Segovia Holdings. Okay lang ba na dalawin kita minsan at magdadala na rin ako ng pagkain para sulit ang pagpunta ko." Ang totoo niyan ay gusto ko talagang magtrabaho sa Segovia Holdings, pero hindi naman makapal ang mukha ko para hilingin sa kaniya na bigyan ako ng posisyon doon. Siguro habang wala akong ginagawa sa mansyon ay ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng trabaho. Ang hirap kaya kapag umaasa ka lang sa iba at walang pera. "You're always welcome in my company. Pero gusto ko 'yong luto mo ang kakainin ko," pagpaparinig niya sa akin. "Sige ba, marunong naman akong magluto. May allergy ka ba?" "Yeah, allergic ako sa hipon. Ikaw?" "Wala, kaya hindi ka magkakaroon ng problema sa akin kasi hindi naman ako maarte at high maintenance woman." Saka kung high maintenance man ako ay hindi ko iaasa sa ibang lalaki ang pangangailangan ko. Like 'yong needs ko ay dapat afford ko. Kumbaga umasta ka sa umaayon sa bulsa mo. Balang araw, mapapantayan rin kita, Daevon. Magiging successful din ako tulad mo. Pero ngayon, magtitiis muna ako sa panlalait nila sa akin. Hindi naman siguro habang buhay ay lugmok ako. For now, I will cherish the moment of being the wife of a business tycoon. Kahit saglit lang ay hahayaan ko munang lasapin ang mala-fairytale kong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD