CARMELA Nanginginig ako habang naglalakad sa gitna ng hallway. Bawat room na nalampasan ko ay may umiiyak. Sa labas pa lang ng ospital kanina ay iba na ang pakiramdam ko. Na para bang may matatanggap akong bad news ngayon. I really hate going to this kind of place. Because every time I am here, I feel empty. I feel lost. "Carmela!" Napatayo si Havier ng makita niya ako. Halos mawalan ako ng hininga ng makita kong nasa ICU room ang aking asawa. Kritikal ang lagay niya at hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. "My brother is strong," Havier said. "Hindi kayo iiwan ni Daevon." Sana nga. Mapapanatag lang ang loob ko kapag nagkaroon na siya ng malay. Successful ang operasyon niya subalit bakit ako nababahala? Ang weird kasi ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ma-explain. Nang lu

