DAEVON Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang dyosa kong asawa dahil wala na akong naririnig na response galing sa kabilang linya. I sighed. Gusto ko na siyang makatabi ulit sa pagtulog. I was wondering if she was hugging my pillow right now. I wish she could have hugged me all night. Damn, I can't help but think of my wife until I fall asleep. "Pwede ka ng ma-discharge ngayon, Mr. Segovia," balita ng doktor ko sa akin. "Oh, ayan na! Lalabas ka na," asik ni Kuya Uno. Naiirita na kasi siya sa akin dahil araw-araw ko na lang tinatanong kay doc kung kailan ako makakalabas ng ospital. Nabuburyo na ako at hindi ko na kayang magtagal dito. I want to go home and cuddle all night with my wife. Good thing, nahuli na ang bumaril sa akin. After one week, sumuko na siya sa pulisya. Na-ide

