CARMELA Tulala at hindi ako makausap ng maayos ni Daevon. Walang ibang nakakaalam sa ginawa ko kagabi kun'di kaming dalawa lamang. Gusto kong tanungin kung patay na ba talaga ang lalaking iyon pero natatakot akong malaman ang katotohanan. Isa akong mamamatay tao katulad ni papa. Wala rin akong pinagkaiba sa kaniya. "Carmela," pukaw ni Nanay Flora sa aking atensyon. "H-huwag kayong lumapit sa akin," nanginginig kong sabi sa kaniya. Napaatras ako ng subukan nitong abutin ang kamay ko. Ayokong mahawakan niya ako dahil pakiramdam ko ay masasaktan ko lang siya. Namamaga na rin ang kamay ko dahil kanina ko pa ito kinukuskos sa sabon. Sa tuwing ipipikit ko naman ang aking dalawang mata ay imahe agad ng lalaking iyon ang nakikita ko. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, hija? Okay ka pa naman

