CARMELA Panibagong araw, panibagong pagtitiis na naman ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob dahil wala akong mapapala kung magiging talunan ako. Ilalaban ko ang kalayaan ko. Ilalaban ko hangga't makawala ako sa impyernong ito. "Carmela, wala ka bang ginagawa ngayon? Pwede bang ikaw na lang ang maglinis dito sa kusina? Nasa grocery store pa kasi si Cynthia," wika ni Nanay Flora. "Sige po, wala naman akong ginagawa at nakatunganga lang ako dito." Habang naglilinis ako ay napansin kong bawat sulok ng mansyon ay may nakakabit ng CCTV. Nadagdagan rin ang mga bodyguard ni Daevon. Kahit pa magdagdag siya ng panibagong sampung tauhan niya ay itutuloy ko pa rin ang plano kong tumakas. Sa ngayon, magpapakabait muna ako at magiging sunod-sunuran. Aba, gusto ata ni Nanay Flora

