CARMELA "Cami, ayaw mo ba talagang kausapin si Caliber?" Nang malaman ni Inday na nag-away kami ni Caliber ay mabilis niya akong pinuntahan dito sa bahay. Nakauwi na ako galing Cagayan. Hindi pa kami nag-usap ni Caliber ng maayos dahil nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang absent niya. Hindi na rin siya nag-te-text sa akin. Kung tungkol naman sa trabaho ay sa email lang kami nagpapalitan ng mensahe. "Gusto pero mukhang iniiwasan niya ako. Gusto ko rin kasi na humingi ng tawad sa kaniya dahil nasampal ko siya nang gabing iyon." "Siguro bigyan mo muna siya ng space. Baka kasi nahihiya iyon sa 'yo lalo na't gano'n ginawa niya. Nag-iipon pa siguro nang lakas ng loob." Iyon din ang naisip kong dahilan kung bakit siya absent ng ilang araw. Kung hihingi si Caliber ng tawad sa akin

