CARMELA Parang biglang tumigil ang orasan ng marinig ko ang pangalan ni Daevon. Lahat kami ay hindi alam ang gagawin. Ang harapin ba siya o magpanggap na walang tao ngayon dito sa bahay. Ang lakas talaga ng pang-amoy ng lalaking ito. "Inday, dalhin mo ang asawa ni Uno at anak niya sa bahay nila Manong Berting. Sa likod kayo dumaan," utos ni Caliber sa aking kaibigan. Pinuntahan ko si Cecilia at ginising siya. Kinuha ko ang isa kong balabal at pinasuot ito sa kaniya. Sinenyasan ko siyang 'wag gumawa ng ingay at baka marinig ito ni Daevon. "Carmela, anong nangyayari?" naguguluhan na tanong ni Cecilia sa akin. "Nasa labas ngayon si Daevon, Cecilia. Sumama ka muna kay Inday at dadalhin niya kayo kina Manong Berting. Huwag kang mag-alala, hindi kayo makikita ng mga tauhan nang asawa mo

