CARMELA "Nag-loan ka ng pera?" gulat na tanong ni Inday sa akin. "Oo, sinamahan ako ni Carl kanina." Tumawag kanina si Sir Jerry sa akin at sinabi niya na available pa hanggang ngayon ang stall. Hindi na ako nagdalawang-isip at nag-down na agad ako ng deposit. Nilakad ko rin ang mga requirements na kailangan ko para next week ay pwede na akong magbenta. Nakalabas na ako sa ospital at dalawang libo na lang ang natira sa akin kaya bigla na lang akong napa-loan sa bangko. Pinipilit pa ako ni Caliber na siya ang magbayad sa lahat ng hospital bills ko pero hindi ako pumayag. "Nakahanap ka na ba ng magiging tindera sa pwesto mo tuwing weekdays?" "Wala pa nga. Baka may kakilala kang naghahanap ng trabaho ngayon. Ang gusto ko sana ay 'yong hindi maarte at mapagkakatiwalaan na tao." "Iyon

