CARMELA Iyak ako nang iyak dahil kahit anong sabihin ko kay Daevon ay hindi niya ako pinapakinggan. Nagmamakaawa ako sa kaniya na 'wag niyang tanggalan ng trabaho si Raul dahil kailangan niya ng pera, subalit buo na ang desisyon niya. "Daevon, 'wag mo naman akong ikulong dito. Please, hindi naman kita niloloko." Kanina ko pa kinakalampag ang pintuan dahil gusto kong makalabas sa silid na ito. Natatakot ako para kay Raul at baka kung ano ang gawin sa kaniya ng asawa ko. Mahirap paamuhin si Daevon dahil sarado ang utak niya at natabunan na ng galit ang puso niya. Akala ko pa naman ay nagbago na siya. Pero sa isang iglap bumalik ulit ang demonyo nitong ugali. Diyos ko, ano ba ang ginawa mo sa kaniya? Nakakatakot siya kanina. Akala ko ay bubugbugin niya ako pero mabuti na lang at isang sam

