CARMELA "Daevon, ibaba mo nga ako! Ang bigat ko kaya," sita ko sa kaniya. Rest day lahat ng mga tauhan niya kaya kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa mansyon. Malaya kaming naghaharutan dahil walang ibang taong nakatingin sa amin. May pagkapilyo pala ang lalaking ito. Nasanay na kasi akong lagi siyang seryoso at hindi ngumingiti. Hindi na rin ulit nanggulo at nagpakita si Havier kaya peaceful ngayon ang buhay namin. "Mas maganda pala kapag wala tayong ibang kasama. Nasosolo at nahahawakan kita kung kailan ko gusto." Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa habang siya ay nakatingin sa iba't ibang bulaklak sa aming harapan. "Pwede mo naman akong hawakan kahit nand'yan sila Nanay Flora. Daevon, gusto mo bang mamasyal tayo ngayon sa Casa Consuelo?" Maganda ang panahon ngayon kaya

