Chapter 3

1344 Words
DAEVON "Dude, what happened?" tanong ni Elias. "Hey, your hurting yourself. Bakit mo ba inuuntog ang ulo mo sa pader?" Dito na natulog si Elias at nagising lang siya nang marinig niyang nagwawala ako sa guestroom. Galing kami sa family house namin at bumalik kami dito sa mansyon ko kaninang alas dose ng hating-gabi. Siguro kung natulog ako kanina ay baka paggising ko wala na si Carmela sa aking silid. Damn it, ang tigas ng ulo niya. Mapapanatag lang ang loob ko kapag nasa tabi ko siya. "Nasaktan ko siya, Elias. Gusto ko lang naman na masigurong ligtas siya habang hindi pa nahahanap ang kan'yang ama." Nagsisi ako sa ginawa ko kay Carmela. Hindi ko sinasadyang pagbuhatan siya ng kamay. Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kan'ya kanina subalit hindi niya ako pinansin. Matagal ko na siyang kilala dahil palagi siyang kinukwento noon ni Uncle Solomon. Sa totoo lang, hindi ko matanggap ang ginawa niya kay papa dahil itinuring ko na rin siyang pangalawang ama ko at isang matalik na kaibigan. Nang pumasok si Nanay Flora ay nagpaalam na si Elias sa akin. Siguro ay gusto niya kaming bigyan ng privacy para makapag-usap nang maayos. "Anak, ano ba ang ginawa mo kay Carmela at bakit ang daming pasa sa braso niya?" I was mad. Napantig ang tenga ko nang marinig kong pursigido siyang umalis kaya nagdilim ang paningin ko at nasaktan ko siya. Alam kong na-disappoint siya ng sobra pero hindi niya lang ito pinahalata sa akin. Ang tanga ko. Masyado akong nagpadala sa aking emosyon. "Kamusta po siya? Hanggang ngayon po ba ay umiiyak pa rin siya?" Napasabunot ako sa aking buhok dahil hindi deserve ni Carmela ang ganoong treatment. Masyado akong naging malupit sa kan'ya at nakalimutan kong babae siya. "Nakatulugan niya ang pag-iyak," malamig na sabi ni Nanay Flora. "Anak, 'wag mo namang itrato na parang isang punching bag si Carmela." "I'm sorry. I'm such a jerk for treating her like that. Sampalin mo ako, 'nay!" Umiling siya at tinapik niya lang ang balikat ko. "Sa kan'ya ka dapat mag-sorry, hindi sa akin. Maiwan muna kita dito at lilinisin ko pa ang mga kalat mo. Ikaw talagang bata ka, ang problema kasi sa 'yo ay hindi mo kayang kontrolin ang emosyon mo." Kinaumagahan, nagpasya akong kausapin si Carmela. Napasinghap ako ng mapansin kong nanginginig ang kamay niya. Lalapitan ko na sana siya subalit agad siyang umatras at siniksik niya ang kan'yang sarili sa headboard ng kama. "Carmela, look at me. Natakot ba kita kaninang madaling araw? I'm sorry for hurting you and for yelling at you earlier." Come on, baby. I wanna see your innocent eyes. Napalunok ako ng masilayan ko ang labi nito. Close your lips, Carmela, at baka mahalikan pa kita ng wala sa oras. Yes, I like her. Matagal na. "You, manipulative beast! I really hate you! Ano, ikukulong mo ako dito ng ilang araw at hindi papakainin?" Matalim niya akong tinignan at parang gusto niya akong patayin. "Hindi kita ikukulong at saan mo nakuha ang ideyang hindi kita papakainin? I won't do that to you." "Hindi mo gagawin pero ang saktan ako ay nagawa mo. Mas masahol pa ang ugali mo kaysa sa kuya mo. Mas nakakatakot ka kaysa kay Havier. You're a beast." Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ko siyang nilapitan. Hinaplos ko ang kanan niyang braso na puno ng mga pasa. Napasinghap ako ng iwinaksi niya ang kamay ko kaya hindi na ulit ako nagtangkang hawakan siya. "I'm sorry, Carmela. Please forgive me, baby." Nagulat siya sa sinabi ko. Siguro ay hindi niya inaasahan ang pagtawag ko sa kan'ya ng baby. "Umalis ka na. Ayokong makita ang pagmumukha mo ngayon." "Alright," I said. "Ipapahatid ko na lang ang agahan mo dito kung ayaw mong bumaba. Alis na ako," paalam ko. Nadatnan kong prenteng nakaupo si Kuya Uno sa couch na nasa loob ng aking opisina. Sa kanilang dalawa ni Kuya Havier, siya ang mas close ko. Siya kasi 'yong tipong kapatid na maunawain at kalmado. "Nasabi ni Havier na tinatago mo daw dito sa mansyon mo ang anak ni Solomon." "Hindi ko siya tinatago, kuya. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Mamaya ay babalik din ako sa family house namin para asikasuhin ang mga taong nakiramay sa pagkawala ni papa. "Gusto ko lang kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ni Havier. Gusto mo ba ang babaeng iyon?" tanong niya ulit sa akin. Napakagat ako sa aking labi. Masyado bang obvious na gusto ko si Carmela? Alam kong hindi matatanggap ni mama kapag nalaman niya ang bagay na ito. "Hindi," pagsisinungaling ko. "Ayoko lang madungisan ang pangalan ni Kuya Havier dahil desidido siyang patayin ang anak ni Solomon." "Talaga? Wala kang gusto sa kan'ya? Paano kung ligawan ni Elias si Carmela, susuportahan mo ba ang pinsan natin?" I gritted my teeth. Baka mapatay ko pa si Elias kapag nalaman kong pinopormahan niya si Carmela. "O, bakit bigla na lang nagdilim ang mukha mo? Sa dami ng babaeng magugustuhan mo, bakit siya pa? Alam mo naman na anak siya ng taong pumatay sa ating ama. Hindi ka ba nakaramdam ng galit para sa babaeng iyon?" "Kuya, hindi pa nga ako umaamin sa kan'ya pero humahadlang na kayo. Kung kasalanan man ang mahalin siya ay siguro matagal na akong nahatulan sa korte. Please, don't hurt her. Ako na lang ang saktan n'yo. Handa akong saluhin lahat ng galit ninyong dalawa ni Kuya Havier." "You're crazy in love with that woman. I can't believe it." I am. I will protect her even if it cost my life. "Gagawin ko ang lahat para mapabilis ang paghahanap ko kay Solomon. Basta 'wag n'yo lang galawin si Carmela." "Sa tingin mo mamahalin ka niya pabalik kapag nalaman niyang ikaw ang dahilan kung bakit nahuli ang papa niya? Stop this one-sided love, Daevon. It's not worth it to fight for it. Just seek revenge instead of being nice to her. " "I'm sorry kuya, I'm not like you. I don't do revenge. I will seek justice instead of revenge. Please leave, I want to rest. I'm so exhausted. Babalik rin ako mamaya sa bahay." Wala na akong maisip na solusyon kun'di pakasalan si Carmela para hindi siya galawin ni Kuya Havier at Kuya Uno. Ipinaalam ko kay Elias ang plano ko at sinuportahan niya naman ako. Alam niya na hindi titigil ang dalawang kapatid ko hangga't hindi nila nakikitang nagdudusa ang anak ng taong pumatay kay papa. I know them very well. Ang puso nila ay nababalot ng galit at kasamaan. Abala ang lahat ng mga kasambahay sa paghahanda ng pagkain at paglilinis sa bawat sulok ng aking mansyon. Pinag-isipan kong mabuti ang pagpapakasal ko kay Carmela. It's a win-win situation for the both of us. Hindi lang ako ang magbe-benefit sa kasal na ito. Though, it's a bit surprising. Ikakasal kami ngayon habang ang pamilya ko ay nagluluksa sa pagkawala ni papa. Ano kaya ang naghihintay sa aming dalawa ni Carmela sa hinaharap? "Daevon, ano itong nalaman ko. Totoo ba na pakakasalan mo ako? Nahihibang ka na ba?" I smiled weakly at her. "Marry me, Carmela. This is the last straw for your freedom. I'm doing this for your sake." "Ayoko, hindi ako magpapakasal sa 'yo. Wala akong pagtingin sa 'yo at hindi kita kilala ng lubusan. How can I entrust my life to a man like you? Baka nga ikaw pa mismo ang pumatay sa akin at hindi ang mga kuya mo." Para akong sinaksak ng paulit-ulit pagkatapos kong marinig na wala siyang tiwala sa akin. Sabagay, totoo naman ang sinabi niya at base sa inasta ko kaninang madaling araw ay tiyak kong iisipin niyang kayang-kaya ko siyang patayin. "Sa ayaw at sa gusto mo, magpapakasal tayong dalawa mamaya. You will obey me or you will die in front of me." Kailangan ko siyang takutin upang mapasunod ko siya sa plano ko. Kung ang pagiging malupit ko sa kan'ya ang siyang daan para pumayag siya sa gusto ko ay hindi ako magdadalawang-isip na ipakita ang worst side ko. Hindi baleng kamuhian niya ako basta ang importante ay ligtas siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD