CARMELA "Ngumiti ka naman ng hindi pilit, Carmela." Paano ako ngingiti kung ang paghawak niya pa lang sa kamay ko ay nakakasuka na. Nandidiri ako sa kaniya. Kung wala lang sana akong batang dala, baka kanina pa ako tumakbo. "Mamaya na, kapag nakarating na tayo doon." Papunta na kami ngayon sa mansyon ng mga Nartatez. Bawat probinsya ata ay may kakilala siya. Kung alam lang nila ang totoong ugali ni Havier ay baka hindi na nila ito kaibiganin. Subalit dahil isa siyang bilyonaryo, marami talagang lalapit sa kaniya. Alam niyo naman kapag maraming pera ang isang tao, kaibigan ka ng lahat. Hindi lang 'yon, sasabihin pa ng iba na kamag-anak mo sila kahit hindi naman. "Sana sabayan mo lahat ng sasabihin ko. Ayokong biguin ang mag-asawang Nartatez," sambit ni Havier sa akin. Napasimangot

