CARMELA "Cami, sigurado ka ba talagang tutupad 'yon sa usapan? Alam mo naman na halang ang kaluluwa ng lalaking iyon." Wala na kami sa Esperanza ngayon. Si Havier ang tumulong sa amin ni Carl para makatakas. Siya rin ang nagligtas sa amin. "Hindi rin ako sigurado, Carl. Pasensya na kung pati ikaw ay nadamay," hinging paumanhin ko sa kaniya. "Gaga, anong pasensya ang pinagsasabi mo diyan. Mabuti nga at kasama mo ako ngayon. Hindi naman ako papayag na iwan kita mag-isa. Pero paano 'yan, hindi na tayo muling makakatapak sa Esperanza." "Ako lang ang hindi pwede, Carl. Ikaw, pwede kang bumalik doon." May kasunduan kaming dalawa ni Havier. Kapalit ng pagtulong niya sa amin ay hindi na ako muling babalik sa Esperanza at Laoag City. He even blackmailed me. Inutusan niya akong gumawa ng li

