CARMELA Kabuwanan ko na ngayon kaya hindi ako maiwan-iwan ni Daevon. Abala kami sa pag-aayos ng dadalhin na gamit sa ospital ng malaman naming nawawala si Fedirich. Noong una ay akala ko nagbibiro lang si mama. Pero ng umiyak na siya ay doon na ako kinabahan. Hindi lumalabas ng mansyon ang anak ko kaya paanong nawawala siya? Unless may dumukot sa kaniya. "T-tita, hindi ba't kasama mo siya?" nanginginig sa takot na tanong ni Elias. "Yes, he's with me. Pero iniwan ko siya saglit para kumuha ng tubig dahil nauuhaw siya. Pagbalik ko sa labas, wala na ang apo ko." Hindi ko na kayang ituloy ang ginagawa ko at paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan ng anak ko. Tinignan nila ang CCTV footage at totoo ngang may dumukot kay Fedirich. Sa ngayon ay ni-lo-locate nila ang sasakyan na ginamit n

