CARMELA Hindi pinalampas ni Daevon ang nangyaring paglusob ng mga kalaban ni Havier. Labis ang galit niya sa kapatid nito. Halos barilin na niya ang nakakatandang kapatid niya. "Nang dahil sa illegal business mo, pati pamilya ko ay nadamay!" bulyaw ni Daevon kay Havier. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na kayo pala ang target ni Recto. Para hindi na maulit ang nangyari ngayon, dodoblehin ko ang seguridad ninyo." Pagak na natawa ang aking asawa. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Havier. Nilapitan niya ang kapatid nito at malakas na sinuntok. "Daevon," pigil ko sa kaniya. "Sa labas kayo mag-away, 'wag dito sa harapan namin ng anak mo." Agad siyang natauhan sa sinabi ko. Natakot talaga siya ng sobra kanina. Kung hindi tumulong si Janika ay baka natalo na sila. Mabuti na lang

