CHAPTER 6
Ilang minuto na ang nakalipas mula nang hilahin ako pabalik sa loob ng kwartong iyon, pero ang tunog ng putok ng baril ay tila paulit-ulit pa ring umaalingawngaw sa pandinig ko. I sat on the edge of the bed, my body trembling, my hands clutching the white sheets until my knuckles turned white.
Wala na ang tali sa paa ko. Hindi na ako kailangang gapusin ni Silas dahil alam niyang ang takot ay mas mabigat pa sa kahit anong kadena.
Nasa tapat ko si Joan, nakaupo sa sahig habang nililinis ang sahig. She was sobbing silently, her shoulders shaking with every breath. Bawat hikbi niya ay parang saksak sa dibdib ko. This is all my fault.
Dahan-dahan akong kumilos, kahit ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang. I knelt on the floor beside her, trying to reach for her hand. Sinubukan kong kuhanin ang atensyon niya, ang mga daliri ko ay dahan-dahang gumalaw para sa isang sign language na sana ay maintindihan niya.
Sorry... Sorry, Joan. Hindi ko sinasadya.
Tumulo ang luha ko nang makita kong hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Patuloy lang siya sa pagpupunas ng sahig, ang kaniyang mga mata ay namumula at puno ng takot na hindi ko pa nakita noon.
"Nang dahil sa 'yo... nang dahil sa 'yo kaya sumama nang ganyan si Sir Silas," gumaralgal ang boses niya, puno ng pait. "Kaya niya akong patayin... dahil sa 'yo? Isang pagkakamali lang, buhay ko agad ang kapalit? Dapat hindi na ako lumapit sa 'yo. Dapat hinayaan na lang kitang magutom noon."
Para akong sinampal sa bawat salitang binitawan niya. I wanted to scream, to tell her that I never wanted any of this. I wanted to explain that I was just desperate to save my brother. Pero nanatiling pipi ang bibig ko. My silence, which used to be my shield to protect my family, was now a weapon that was hurting the only person who showed me kindness in this hellhole.
I reached out again, my hands shaking. Patawad. Please...
Pero tumayo siya, iniwasan ang hawak ko. Bitbit ang basahan, naglakad siya patungo sa pinto. Ang bawat hakbang niya palayo sa akin ay tila pagguho ng huling pag-asang may kakampi ako rito.
"Dapat naging masunurin ka na lang, be. Hindi mo kilala si Sir Silas. Wala na siyang kaya pang gawin, dahil wala na sa kaniya ang taong pinakainiingat-ingatan niya," dagdag pa niya bago siya huminto sa tapat ng pinto.
Nanatili akong nakaluhod sa sahig, nakatingin lang sa likod niya habang lumalabo ang paningin ko dahil sa luha. I felt so small. So helpless. Ang pusong tumitibok sa dibdib ko... ang pusong pagmamay-ari ng asawa ni Silas... tila bumibigat, tila nagrerebelde sa sobrang emosyon na nararamdaman ko. I could feel the faint thumping, a steady reminder of a life that was stolen.
Akala ko ay tuluyan na siyang lalabas, pero huminto si Joan. Saglit na katahimikan ang namayani, tanging ang tunog lang ng aircon at ang mabilis na paghinga ko ang naririnig.
Dahan-dahan siyang lumingon. Huminga siya nang malalim at lumapit muli sa akin. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at dahan-dahang pinunasan ang luha sa mga pisngi ko gamit ang kaniyang nanginginig na mga daliri.
"Nakakainis," bulong niya, ang galit sa boses niya ay napalitan ng matinding pagod. "Bakit hindi ko magawang magalit sa 'yo nang tuluyan? Alam ko namang biktima ka lang din... pero natatakot ako, be. Natatakot akong mamatay."
I grasped her hand, squeezing it tight. My tears wouldn't stop falling. I looked into her eyes, pleading for forgiveness, for understanding.
"Huwag ka na tatakas muli, ha?" pakiusap niya, ang boses ay halos pabulong na lang. "Para hindi tayo mamatay dalawa. Magpakabait ka na lang dito. Sundin mo na lang si Sir. Baka... baka sakaling lumambot ang puso niya kung makikita niyang hindi ka naman kalaban."
Umiling ako nang bahagya sa isip ko. Silas’ heart is made of stone, forged in the fires of grief and vengeance. Walang lambot doon. Pero tumango ako kay Joan. Para sa kaniya. Para hindi na siya muling malagay sa panganib dahil sa mga maling desisyon ko.
Inayos niya ang buhok ko, isang simpleng galaw na nagparamdam sa akin na kahit papaano, hindi pa rin ako mag-isa. "Sige na, magpahinga ka na. Kailangan mong lumakas. Sabi ni Doc Caleb, masyado pang mahina ang katawan mo para sa ganitong stress."
Panoorin ko siyang lumabas at i-lock ang pinto mula sa labas. I was left alone in the vast, white room once again.
Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. I placed my hand over my heart. Lia... I whispered in my mind. Is this what your husband has become? A man who points guns at innocent people just to keep a grip on your memory?
Every beat of my heart felt like a heavy footstep of Silas, approaching my soul. I am his prisoner, his vessel, and his greatest reminder of what he lost. At sa gabing ito, habang yakap ko ang sarili ko sa dilim, alam kong ang tanging paraan para mabuhay kami ni Joan ay ang tanggapin ang katotohanang pagmamay-ari na ako ng demonyong nagngangalang Silas.
I closed my eyes, praying for a dreamless sleep, because the reality of my life was far more terrifying than any nightmare I could ever imagine.
Dumaan ang mga araw na tila ba bumagal ang ikot ng mundo sa loob ng kwartong iyon. Sa kabila ng takot at ng malalaking pader na nakapaligid sa akin, unti-unting gumaan ang loob ko kay Joan. Siya lang ang tanging koneksyon ko sa pagiging tao sa gitna ng pagtrato sa akin ni Silas bilang isang gamit o kargamento.
Isang hapon, habang tinutulungan niya akong ayusin ang mga bulaklak sa plorera na ipinalagay ni Doc Caleb, nagawa niyang magpatawa tungkol sa isang nakaraang karanasan niya sa kusina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko ang sarili kong bahagyang tumatawa... isang maliit at tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
Natigilan si Joan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at dahan-dahang napahawak sa kaniyang dibdib.
"Ngumiti ka," bulong niya, tila ba nakakita siya ng isang milagro. "Ngumiti ka, Calleya... Ang ganda mo pala kapag ginagawa mo 'yan. Sana laging ganyan."
Tipid akong tumango at muling yumuko para itago ang pamumula ng pisngi ko. It was the first time in a long while that I felt a spark of light inside this gloomy mansion. Pero ang sandaling iyon ay agad ding naputol nang bumukas ang pinto.
Pumasok si Doc Caleb. Dala niya ang kaniyang stethoscope at ang pamilyar niyang kalmado pero seryosong awra.
"Joan, can you give us a minute? I need to perform a routine check-up on her," malumanay na utos ni Caleb.
Tumango si Joan at mabilis na nag-ayos ng gamit. "Sige po, Doc. Labas muna ako, Calleya, ha? Balik ako mamaya para sa meryenda mo."
Pinanood ko ang pagsara ng pinto. Nang masiguro ni Caleb na wala na si Joan sa pandinig at kaming dalawa na lang ang naroon, hindi siya agad lumapit para sa check-up. Sa halip, sumandal siya sa gilid ng mesa at pinagkrus ang kaniyang mga braso habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata.
The silence between us was different this time. It wasn't the heavy, suffocating silence I shared with Silas... it was a silence filled with curiosity and a hidden truth.
"Alam mo, Calleya... I've been a doctor for a long time. I've handled hundreds of patients with various conditions," panimula niya, ang boses niya ay mababa pero seryoso.
Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakaupo sa kama, ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa kumot. I tried to maintain my blank expression, my 'mute' facade that I’ve mastered for so long.
Lumapit siya nang bahagya, sapat na para maramdaman ko ang bigat ng kaniyang titig.
"The way your throat muscles react when you're startled, the way you breathe when you're trying to suppress an emotion... everything about you tells me a different story," Caleb said, his eyes narrowing as if he were reading a complicated chart.
Huminga siya nang malalim at diretsong tumingin sa akin.
"You're not really mute, are you?"
Naramdaman ko ang biglang paglukso ng puso ko. Lia’s heart... it hammered against my ribs like a trapped bird. Pilit kong pinigilan ang panginginig ng mga labi ko. I stared at him, my eyes wide, trying to play the part of the helpless kid who couldn't understand or speak.
"Don't worry, Silas isn't here," Caleb added, his voice dropping into a whisper. "I'm not your enemy, Calleya. But I need to know the truth. You're pretending to be mute to protect someone, aren't you? Is it your brother?"
Nanatili akong tikom. My throat felt dry, and for a second, I almost wanted to let it all out... to scream for help, to tell him everything. But the image of Silas and his gun flashed in my mind.
"Your silence won't hide the truth forever, kid. And trust me, if I can see through it, it's only a matter of time before Silas does, too. And when he finds out you've been lying to him..." He trailed off, the warning hanging heavy in the air.
I squeezed my eyes shut, my heart rate monitor giving away the panic I was trying so hard to hide. Caleb sighed, reaching out to check my pulse, his touch surprisingly gentle.
"I won't tell him," he whispered, almost to himself. "But you can't keep this up forever. Your body is already under so much stress... and keeping a secret this big might be the thing that finally breaks that heart you're carrying."
He looked at me one last time, a mixture of pity and admiration in his eyes, before he started the actual check-up, leaving me in a whirlwind of fear and the terrifying realization that my secret was no longer just mine.