Nangangatog ang buong katawan ko habang nakatitig sa kisame. Ang puting bumbilya sa itaas ay tila nagiging dambuhalang mata na mapanghusgang nakatingin sa akin. Hawak ko ang manipis na kumot, pilit na ibinabaon ang aking mga kuko sa tela para lang pigilan ang labis na panginginig ng aking mga kamay, ngunit walang silbi.
Ang lamig na nananalaytay sa aking mga ugat ay hindi nagmumula sa aircon ng marangyang medical wing na ito. Nagmumula ito sa takot. Sa tindi ng takot.
Alam niya.
Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umuukit sa aking isipan, bawat titik ay tila may kasamang matalas na patalim. Nalaman ni Doc Caleb ang lihim ko. Nalaman niyang hindi ako pipi. Nalaman niyang ang bawat pagtango, bawat pag-iyak, at bawat paggamit ko ng sign language nitong mga nakaraang araw ay isang malaking pagpapanggap lamang.
Sa bawat segundong lumilipas, mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Ramdam ko ang mariing pag-atake ng stress sa aking dibdib. Ang pusong ito na hindi naman sa akin, ang pusong ninakaw ng aking kuya Cyrus mula sa yumaong asawa ni Silas na si Lia, ay tila gustong kumawala sa aking tadyang. Ang bawat pintig ay may kasamang kirot na nagpapahinto sa aking paghinga.
"Leya, huminga ka nang malalim. Huwag mong pilitin ang sarili mo."
Naalala ko ang mahinahon ngunit seryosong tinig ni Doc Caleb kanina bago siya lumabas ng silid.
Paano ako hihinga nang malalim kung ang kaniyang pagkakatuklas sa lihim ko ang mismong sumasakal sa akin ngayon? Paano kung sabihin niya kay Silas? Paano kung sa oras na malaman ng malupit na bilyunaryong iyon ang ginawa kong pagpapakasangkapan sa kasinungalingan, ay tuluyan na niyang ipahamak si Kuya?
Pumikit ako nang mariin, hinahayaang pumatak ang mainit na luha sa aking unan. Ang katahimikan ng gabi ay binasag ng marahan ngunit mabigat na pagbukas ng pinto. Agad akong napaigtad, ang aking mga mata ay awtomatikong bumaling sa may pasukan.
Pumasok si Joan bitbit ang isang tray ng pagkain. Subalit sa pagkakataong ito, wala ang kaniyang malawak at masayahing ngiti. Wala ang kaniyang nakatutuwang mga kumpas ng kamay na palaging nagpapagaan sa mabigat kong nararamdaman. Ang kaniyang mukha ay seryoso, malamig, at halatang may bakas ng galit.
Ibinaba niya ang tray sa maliit na lamesa sa tabi ng aking kama nang walang lumilikha ng ingay. Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin.
Gusto kong magsalita. Gustong-gusto kong buksan ang aking bibig para humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong ipaliwanag na hindi ko sinasadyang pagmukhain siyang tanga sa harap ng mga nakakatawang sign language na ginagawa niya para lang aliwin ako.
Pero nanatiling nakasusi ang aking mga labi. Ang takot na baka may nakikinig pa ring mikropono sa kwartong ito ang pumipigil sa akin.
"Kumain ka na," malamig na utos ni Joan. Hindi siya tumitingin sa akin habang inaayos ang swero ko.
Galit siya.
Nararamdaman ko ang bigat ng kaniyang bawat galaw. Kahit galit siya dahil nalaman niyang niloko ko sila, narito pa rin siya para asikasuhin ang aking mga medikal na pangangailangan dahil iyon ang utos ng kaniyang amo.
Kumuha siya ng baso ng tubig at inilagay iyon sa malapit sa aking kamay. Nang magtagpo ang aming mga mata, nakita ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang ibabang labi.
Naalala ko kung paano siya naiyak sa takot nang magpaputok ng baril si Silas malapit sa kaniyang mga paa sa pasilyo noong sinubukan kong tumakas. Napakaraming panganib ang hinarap niya para sa isang tulad kong sinungaling lang pala.
Ikinumpas ko ang aking kamay, pilit na ginagawa ang sign language para sa "Salamat at Patawad."
Tiningnan lang iyon ni Joan bago nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga.
Yumuko ako, tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa pinto nang hindi na muling lumilingon. Ang tunog ng pagsasara ng pinto ay muling nag-iwan sa akin sa nakabibinging katahimikan ng silid.
Apat na araw na ang lumipas mula nang gabing iyon. Apat na mahabang araw na walang paramdam si Silas Malik Vescovi.
Sa loob ng apat na araw na iyon, ang buhay ko ay umikot lamang sa apat na sulok ng puting kwartong ito. Para akong isang estatwa na naghihintay ng kaniyang hatol. Bawat kaluskos sa labas ng pasilyo, bawat yabag ng mga sapatos na papalapit sa aking pinto, ay nagdudulot sa akin ng matinding nerbyos. Ang aking mga mata ay laging nakapako sa hawakan ng pinto, kinakabahan at natatakot na sa susunod na pag-ikot niyon, ang mukha ng demonyong si Silas ang bubungad sa akin.
Nasaan siya? Bakit bigla siyang nawala matapos ang insidente sa pasilyo? Iniisip ko kung tuluyan na ba niyang nahanap si Kuya Cyrus. O baka naman gumagawa siya ng mas matinding paraan para pahirapan ako. Ang kawalan ng kasiguraduhan ay mas lalong pumapatay sa aking sistema. Mas mabuti pang harapin ko ang kaniyang galit kaysa ang ganitong paghihintay na unti-unting sumisira sa aking katinuan.
Tuwing umaga at gabi, si Doc Caleb ang palaging dumarating. Sa kabila ng pagkakaalam niya sa aking sekreto, nanatili siyang propesyonal at mabait.
"Kumusta ang pakiramdam mo ngayon, Leya?" tanong niya habang inilalagay ang stethoscope sa aking dibdib para pakinggan ang aking heartbeat.
Nanatili akong tahimik, ngunit ang aking mga mata ay nagsusumamo sa kaniya. Tumingin si Doc Caleb sa akin, ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-unawa at lungkot.
"Mabilis pa rin ang t***k ng puso mo. Masyado kang naii-stress, at alam mo kung gaano kadelikado 'yan para sa kalagayan mo," wika niya habang isinusulat ang kaniyang mga obserbasyon sa isang chart. Lumapit siya nang bahagya at ibinaba ang kaniyang boses. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko sinabi kay Silas ang nalaman ko. Alam kong may malalim kang dahilan kung bakit mo ito ginagawa."
Nakahinga ako nang maluwag sa kaniyang sinabi, ngunit ang takot ay hindi tuluyang nawala. "S-Salamat..." sa unang pagkakataon, pilit kong pinalabas ang mahina at paos kong tinig sa harap niya.
Ngumiti nang bahagya si Doc Caleb, isang ngiting nagpadama sa akin ng kaunting ligtas na pakiramdam sa gitna ng impyernong ito. "Ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo ang pusong 'yan. Dahil kung hindi, ako mismo ang magsusumbong sa kaniya para lang mapilitan kang mag-ingat."
Habang tinitingnan ko si Doc Caleb na tila isang anghel na nagpoprotekta sa akin, hindi ko namamalayan na ang bawat mabubuting kilos niya ay unti-unting nagiging mitsa ng isang mas malaking sunog.
Dahil sa labas ng kwartong ito, ang katahimikan ng mga nagdaang araw ay hindi kapayapaan... kundi ang simula ng isang mas madilim na bagyo.
Ang katahimikan sa loob ng marangyang medical wing na ito ay tila isang mabigat na kumot na unti-unting sumasakal sa akin. Araw-araw, ang tanging naririnig ko lang ay ang paulit-ulit na tunog ng heart monitor sa tabi ng aking kama. Bip. Bip. Bip. Bawat tunog ay paalala kung paano ako dinala sa lugar na ito—isang presong pinaliligiran ng mamahaling makina, ngunit bilanggo pa rin ng sarili kong takot.
Limang araw na. Limang mahabang araw na walang paramdam si Silas Malik Vescovi.
Sa bawat segundong lumilipas, mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam. Ang kawalan niya sa mansyon ay hindi nagpapagaan sa aking loob... sa halip, mas lalo lamang nitong pinatitindi ang kaba sa aking dibdib. Sa tuwing maririnig ko ang marahang kaluskos o ang yabag ng mga sapatos sa labas ng pasilyo, awtomatikong napapabaling ang aking tingin sa pintuan. Napapakapit ako nang mariin sa manipis na kumot, pinupuno ng takot ang aking sistema, iniisip na baka sa susunod na pag-ikot ng hawakan ng pinto ay ang galit at madilim na mukha na ni Silas ang bubungad sa akin.
Nasaan siya? Nahanap na ba niya si Kuya Cyrus? O baka naman hinahayaan niya lang akong mabaliw dito sa loob habang naghihintay ng kaniyang hatol? Ang ganitong uri ng paghihintay ay tila mas matinding parusa kaysa sa kaniyang mga pisikal na pagbabanta.
Isang malalim na buntong-hininga ang nagpalingon sa akin sa gilid ng kama. Nandoon si Doc Caleb, maayos ang pagkakahit ng kaniyang light brown na buhok habang seryosong nakatitig sa medical chart na hawak niya. Katatapos niya lang pakinggan ang aking heartbeat, at tulad ng mga nakaraang araw, hindi maganda ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Ibinaba niya ang chart at tumingin nang direkta sa aking mga mata. "Your heart rate is still too high, Leya. You are constantly on edge, and that is not good for your recovery," malamig ngunit may pag-aalala niyang saad.
Yumuko ako at tumango na lamang. Wala akong kakayahang sumagot. Kahit alam na niya ang lihim ko—na hindi talaga ako pipi—nanatili pa rin ang aking katahimikan. Hindi ko alam kung sino ang nakikinig, at hindi ko kayang ipagsapalaran ang buhay ni Kuya Cyrus.
Humarap si Doc Caleb kay Joan na tahimik na nag-aayos ng mga gamot sa counter. "Joan, kindly get the keys for the ankle restraints," utos ng doktor sa mababang tinig.
Napatingin ako sa kaniya, bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Maging si Joan ay natigilan sa kaniyang ginagawa. "P-Po, Doc? Pero bilin po ni Sir Silas na huwag tatanggalin ang kadena nang wala ang pahintulot niya..."
"I am her physician, Joan. My priority is her health," seryosong giit ni Doc Caleb, ang kaniyang boses ay walang bakas ng pag-aalinlangan. "She needs physical movement. Prolonged bed rest and extreme stress are a dangerous combination for a transplant patient. Remove the chains."
Hindi na nakipagtalo si Joan. Bagamat may takot sa kaniyang mga mata dahil sa maaaring gawin ni Silas, lumapit siya sa dulo ng aking kama bitbit ang susi. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng bakal. Klang. Nang tuluyang matanggal ang malamig na kadena sa aking paa, tila may kaunting bigat na nawala sa aking dibdib. Malaya ko nang naigalaw ang aking mga binti, ngunit ang panginginig ng aking katawan ay hindi pa rin tuluyang nawawala.
"Sit up slowly," wika ni Doc Caleb habang inaalayan akong umupo sa gilid ng kama.
Nang tumama ang aking mga paa sa malamig na sahig, nakaramdam ako ng kaunting hilo. Ilang araw akong nakahiga lang at nakakadena. Hinawakan ni Doc Caleb ang aking siko para alalayan ako sa aking unang pagtayo. Bahagyang nanghina ang aking mga tuhod, ngunit pinilit kong magpakatatag.
Nagsimula kaming maglakad nang dahan-dahan sa loob ng malawak na kwarto. Ang swero ko ay maingat na itinutulak ni Joan habang sumusunod sa aming likuran, bagamat ramdam ko pa rin ang kaniyang panlalamig at galit sa akin dahil sa ginawa kong pagmumu-mutihan.
"You need to exercise your body, Leya. But more than that, you need to exercise your mind," panimula ni Doc Caleb habang dahan-dahan kaming naglalakad patungo sa malaking bintana na nakaharap sa hardin ng mansyon.
Tiningnan ko siya, nagtatanong ang aking mga mata.
Doc Caleb sighed, looking out at the vast estate before turning his gaze back to me. "I know why you're doing this. I understand that you are trying to protect your family. But you have to realize who you are dealing with. Silas is not a man you can easily fool," seryoso at direkta niyang sinabi sa kaniyang matatas na Ingles.
Bahagya akong napayuko. Ang kaniyang mga salita ay tila bawat patak ng ulan na unt-unting nagpapabigat sa aking puso.
"Listen to me carefully," patuloy niya, mas lalong ibinaba ang kaniyang boses upang kami lang dalawa ang makarinig. "If you want to survive this, and if you want your family to stay alive, you need to learn how to play along. You need to cooperate with him. Right now, your silence and your resistance are only fueling his anger. He sees you as the symbol of his grief, but if you show him that you are willing to obey, you might actually buy your brother more time."
Napahinto ako sa aking paghakbang. Napatingin ako sa kaniya nang may halong takot at pagkalito.
Makisama? Kay Silas?
Paano ko makakasundo ang lalaking kumuha sa akin mula sa pamilya ko? Paano ko pakikitunguhan nang maayos ang demonyong gustong pumatay sa kapatid ko dahil lang sa pusong tumitibok ngayon sa loob ng dibdib ko? Ang isipin pa lang na kailangan kong sundin ang bawat nais niya ay nagdudulot na sa akin ng matinding pagkasuklam at pangamba. Subalit sa kabilang banda, alam kong may punto si Doc Caleb. Kung patuloy kong lalabanan si Silas, baka mas lalo lang siyang mamilosopo at tuluyang ubusin ang pamilya ko.
"Silas is blinded by Lia's death," dagdag pa ni Doc Caleb habang muli kaming naglalakad nang dahan-dahan paikot sa silid. "He thinks he is doing this for justice, but it's just pure pain. If you keep pushing him away, he will break you. But if you comply, if you show him that you are not his enemy, you might survive long enough to find a way out of this mess. Think about your mother. Think about your brother. Your survival is their survival."
Ang bawat salitang binitawan niya ay tila dambuhalang bato na bumagsak sa aking isipan. Your survival is their survival. Tama siya. Kung mamatay ako rito dahil sa labis na stress at sa mahinang pusong ito, mawawalan ng saysay ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Kuya Cyrus para sa akin. Ang krimen na ginawa niya, ang pagpapakasangkapan niya sa syndicate, ay para lang mabuhay ako. Kung susuko ako ngayon, ako mismo ang papatay sa pangarap ng pamilya kong makita akong malusog at ligtas.
Ipinagpatuloy namin ang paglalakad nang paikot-ikot sa marangyang kwarto. Bawat hakbang ko ay tila may kasamang malalim na pag-iisip. Ang marangyang paligid—ang mamahaling kurtina, ang magagandang kasangkapan—ay tila nagbago sa aking paningin. Hindi na ito basta kwarto lang ng paghihiganti. Ito ay isang larangan kung saan kailangan kong matutong makipaglaro kung gusto kong mabuhay.
Habang naglalakad kami, tahimik kong binuo ang aking desisyon. Kakayanin ko. Titiisin ko ang bawat malamig na tingin ni Silas. Tatanggapin ko ang kaniyang mga masasakit na salita. Kung ang pagpapakumbaba at pagsunod ang tanging paraan para maprotektahan si Kuya at si Nanay, gagawin ko.
Matapos ang ilang minutong pag-eehersisyo, maingat akong inalalayan ni Doc Caleb pabalik sa aking higaan. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan, ngunit ang aking isipan ay mas lalong naging gising.
"Get some rest now, Leya," malambot na wika ni Doc Caleb habang inaayos ang aking swero. "We will do this again tomorrow. Just remember what I told you."
Tumango ako nang dahan-dahan, ibinabaon ang aking sarili sa malambot na unan. Habang pinalilipas ko ang natitirang oras ng araw na iyon, nanatili ang aking paningin sa pintuan. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba, ngunit sa pagkakataong ito, may kasama na itong determinasyon.