CHAPTER 2

1075 Words
CHAPTER 2 MADILIM na ang paligid at alam ko na rin na magiging masama ang lagay ko. Nararamdaman ko na magkakasakit na ako. Alam ko na rin naman kung bakit. Hindi pa rin kasi ako nakain hanggang ngayon. Ilang araw na akong narito sa loob ng silid na ito. Ni-hindi ko magawang tumakas gayoong nakatali pa rin ang paa ko. Iyon at iyon pa rin ang huling kita ko sa lalaking kumuha sa akin. Ang lalaking kikitil sa buhay ko… maging sa kapatid ko. Maaring siya na rin ang kumitil sa tatay ko, pero mas uunahin ko muna iligtas ang ina ko at ang kapatid ko. “Miss, kumain ka na muna. Ang laki na nang pinayat mo.” si Joan, nang dalhan niya ako muli ng pagkain. Hindi ko rin alam kung anong oras na. “Palagay ko’y hindi ka niya maiintindihan at siya’y pipi, Joan.” Ang matanda na kasama ni Joan na siyang nag-ayos ng mga damit na isinusuot ko. Lahat nang iyon ay mga damit na hindi magaganda, gaya ng suot ko. Palagay ko pa nga ay damit na ito nila na napaglumaan. Ang iba ay butas-butas pa. “Ay! Oo nga ano? Kaya pala hindi siya kumakain.” nakatilikod pa rin ako sa kanila at nakahiga sa kama. Hindi ko sila pinapansin… nag-iisip lamang nang kung anu-ano. Sandali lamang nang may kumalabit sa aking balikat. Batid ko mang sila iyon ay nilingon ko na sila. Nakita ko ang mukha ni Joan at sabay niyang nginitian ako. Nag-inarte siya na kakain na… hindi man iyon ang sign language ng kakain na, pero ginawa niya iyon sa paraang literal. Animo’y para siyang nagtatambol habang nakabuka ang kaniyang bibig. Ngumuya pa siya kahit wala naman siyang kinain. Pinagmasdan ko ang dala niyang tray. Naamoy ko ang manok doon… ganoon pa man ay naramdaman ko na ang pagkulo ng t’yan ko. Nagugutom na nga ako. “Kain ka na, Miss…” sunod niya pang sabi sa akin. Umupo ako sa kama at doon kinuha ang manok. Drumstick iyon at saka ko kinagat. Napapikit na lamang ako sa sarap n’yon. Palagay ko ay ngayon lang ako nakakain nito, kahit sawang-sawa na ako sa manok. Sa ilang araw kong hindi pagkain ay nagawa kong kainin ang lahat ng mayroon sa tray. Maging saging at ilang gulay. Sumunod ang juice. “Aba, effective ang sign language mo, Joan. ikaw na ang bahala sa kaniya. Ikaw lang naman ang nagpipilit na pakainin ‘yan, gayoong kahit si Sir Silas ay wala namang sinabi na pakainin ‘yan.” Ang babae na isa, hindi ko pa malaman ang pangalan niya. “Ate Josie, tao pa rin ‘yan. Bata lang ‘yan, hindi ko magawang hindi pakainin ‘yan gayoong ang puso niya’y natibok at pagmamay-ari iyan ni Ma’am Lia.” Nang sabihin iyon ni Joan ay natahimik ako muli. Saka ko naalala muli ang lahat. Kung ano ang pinagmulan kung bakit ako narito. “Umalis na tayo rito, kumain na rin naman na ‘yang alaga mo.” Si Josie. Mas matanda siya kaysa kay Joan, pero mas mabusilak naman ang puso ni Joan kaysa rito. “Mauna ka na, Ate Josie.” “Bahala ka r’yan.” Umalis si Josie at naiwan naman si Joan doon na nakatingin lamang sa akin. Tila para siyang nag-iisip kung ano ba ang gagawin niya sa harapan ko. Sandali lamang ay nag-thumbs up siya at nakangiti pa sa akin. “Ayos ka lang?” tanong niya pa habang ina-action niya iyon. Napahinga na lamang ako ng maluwag at saka umiling. Nakagapos ako at kahit malamig naman rito sa loob ng kwarto na ito ay hindi ko pa rin lubusan kayang gawin ang gusto ko. Mabilis akong nag-sign language nang naiihi na ako, pero mukhang hindi naman niya iyon maintindihan. “Ano ang gusto mo? Pasensiya ka na, hindi naman kita pwede patakasin, baka ako naman ang patayin ni Sir Silas,” sambit niya nang makagat ko naman ang dila ko. Mabilis akong umiling at sandali lamang nang itinuro ko sa kaniya ang ibabang parte ko. “Ay! Wala kang panty?” napapikit pa akong muli. Hindi ko alam kung paano ba niya ako maiintindihan. Inilabas niya pa ang kaniyang panty nang ibaba niya ang kaniyang pants. Napahinga na lamang ako at tinanggap na mamatay lang din naman na ako, bakit hindi pa ako magkasakit sa bato, ano? “Ay! Iihi ka? Naiihi ka? Swiss-swiss?” ginaya pa niya ang action ng mga lalaking naihi. Mabilis akong napangiti at agad na tumango-tango! Salamat naman sa D’yos at kahit sa maliit na kahilingan ko ay nadinggin ako! “Hindi kita madadala sa banyo, e! Wala kasi ‘yung susi sa amin. Wait! Kunin ko ‘yung timba.” umalis naman siya at pumunta sa banyo. Pinagmasdan ko naman ang aking paa na nakagapos. Ang dami kong hindi pwede gawin, hindi makapagsalita, hindi magawang mabuhay ng maayos. Dahil sa akin kaya nahihirapan ang pamilya ko at nagkaroon pa ng ganito. Nagawa pa nilang gumawa ng malaking kasalanan, para lang iyon sa akin. “Ito! Ito! Dito ka na umihi!” saka niya inilapag ang timba sa harapan ko. “Nilagyan ko ‘yan ng zonrox, para hindi mangamoy ang ihi mo. iiwanan ko ‘yan d’yan, ha? Para kahit wala ako pwede ka umihi.” Tumalikod naman siya nang iihi na ako. Nang mahubad ko na ang pajama at panty ko ay saktong bumukas ang pinto. Hindi pa man ako nakakaihi ay mabilis tumambad sa akin ang mukha ni Silas. Maging siya ay kumunot ang noo at nang makita niya ang hindi dapat makita’y umiwas ito tingin. Ang likod ng kaniyang palad ay itinama niya sa kaniyang ilong. “Ay! Sir! Ay! Ang keepay mo! Itago mo ‘yan!” nang lumingon naman sa akin si Joan at mabilis ako na hinarangan. Narinig ko na lamang na nagsara ang pintuan ng kwarto, batid kong umalis na roon si Silas at naiwan na lang kaming dalawa ni Joan. “Hoy! Ang keepay mo, be! Nilantad naman, oy! Nagtulala lang siya, hindi inangat ang panty! Alam ko naman na nakakalaglag ang panty ni Sir Silas, pero kakamatay lang ng asawa ba! Hindi pa handa ang pututuy no’n magsabak-sabak.” Umurong tuloy ang pag-ihi ko. Umupo na lamang ako sa kama at nakatulala. Sabagay, makikita rin naman niya ito kapag hiniwa na niya ang dibdib ko. Mamatay na rin naman na ako, ano pa ang ikahihiya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD