CHAPTER 1

1020 Words
CHAPTER 1 NAMULAT ang mata ko nang makaramdam ako bigla ng hilo. Sa pagdilat ng aking mata ay ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Bumalot nanaman sa akin ang kaba. Si Mama! "You're awake." Mabilis akong napalingon sa gilid. Madilim ang silid at tanging ilaw lamang ng takip ng lampara ang siyang nagbibigay ligawag. Nanlaki ang mata ko. Alam ko ang boses na iyon. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Aalis na ako nang maramdaman ko ang metal na nakagapos sa aking paa. Paano ako makakaalis dito? Nasaan ba ako? Hindi ko magawang magsalita. Alam ko kung ano ang mangyayari kapag ginawa ko. "You can't talk, huh?" Tanong nito sa akin nang mapalunok ako. Napagtanto ko kung gaano siya kagwapo. Ang mga mata niya pala... kulay abo. Ang tangos ng ilong at makinis ang mukha. Tumibok ang puso ko sa hindi malaman na dahilan. Ano ba ang nasa isip ko? Napaiwas ako ng tingin. Namuo nanaman muli ang kaba sa aking dibdib nang naisip ko si mama. Umikot ang pangingin ko sa loob ng silid at doon ko sinimulan na kalasin ang metal sa paa ko. Natawa lang naman ang lalaki sa gilid ko. Hindi ko siya kilala at wala naman akong balak kilalanin. Masama siya... "When I see you breathing, I can't help but wonder how they managed to rip that heart out of my wife and give it to you," ani niya. "Right now... all I want is to kill you..." sunod niya pa. Bumuka ang bibig ko, nguniy walang lumabas na kahit anong salita. Mabilis ko naman iyong tinikom... umiwas na lang din muli ng tingin. Ano ba ang gagawin ko? "Do you really think you can escape?" Bumaling ang mata ko sa kaniya. Paano naman ako makakatakas dito kung nakakadena ang paa ko? Halos isigaw ko na iyon sa isip ko. "You're not getting out of here... not alive." Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at para akong tanga na inaalog ang kadena para lang maalis ito sa paa ko, kahit hindi naman naalis. Please lang! Gusto ko na makatakas dito! "Don't worry... I'm not killing you yet. I want to do it right in front of him." Napatigil ako sa pag-alog n'yon. Namumuo ang mga luha kong tignan ang mga mata niyang walang buhay. Him? Sinong him? "Your brother, Caleb... stubborn bastard. Still refuses to show himself." Tumulo lalo ang luha ko nang marinig ko ang pangalan ni kuya. Umiyak lamang ako at mabilis na umiling nang imiling. Gusto kong isigaw kung bakit? Bakit kailangan niya pa ako patayin sa harap ni kuya? Napakabait ng kuya ko! Hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang ng lalaking ito! "I'll tear your chest open while he watches... rip out the heart he stole. I want your brother to see it... to feel exactly what it's like," sambit pa niya. Mas lalong tumulo ang luha ko. Maawa na kayo... Diyos na makapangyarihan, bigyan niyo ako ng daan para makaalis sa lalaking ito. "Go on... keep begging your God for help." Hindi ko alam kung paano niya nababasa ang nasa isip ko. Gayoong wala naman nalabas na salita sa bibig ko. "He's not listening. Your God won't do a damn thing... except watch and laugh while I kill you and your brother." Hindi ka niya talaga pakikinggan gayoong napakasama ng ugali mo! Lumabas siya ng pintuan at ngayon ay naiwan na ako sa kwarto. Pagkakataon ko na itong makatakas! Tinignan ko kung ano ang pwedeng gawin para maalis ang bakal ngunit tanging lampara lang ang naroon. Halos magdugo na ang paa ko sa kakapilit na alisin iyon. Napapikit ako sa sakit ng aking naramdaman. Parang nabali ang buto ko sa paa. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak. Mama, hindi ko na ata kaya pang mabuhay dito. Alam ko naman na mamatay na rin naman na ako. Nang dahil sa akin, nadamay pa ang mama at kuya ko. Nakita ko ang imahe nila nang pumikit ako. Tanging ngiti na lamang na may bahid ng lungkot ang nagawa ko. Wala na akong mailalabas pa na kakayahan para makatakas pa rito. Lumiwag nang bumukas ang pinto. Kinukuha na ba ako ni Lord? Sandali lamang nang may dalawang babae na pumasok. Nakapangtulong ang kanilang mga kasuotan at dali-dali na lumapit sa akin. "May sugat ang paa niya," ani ng isang babae. Pinagmasdan niya ang mukha ko nang huminga siya ng malalim. "Huwag mo siyang tignan, Joan." Ang babaeng isa sa gilid ko. Tila may inaayos siya sa gilid ng kama at doon ko napagtanto ang mga ilang telang pang kasuotan. Magsasalita na sana ako nang maalala kong hindi ko pwede gawin iyon. Ang hirap ng walang boses. Ang hirap humingi ng tulong... Ang matandang babae na may dalang damit ay siyang may pinuntahan pa sa isang pintuan mula sa silid na ito. Sa paghikbi ko ay nagulat ako nang magsalita ang nag-aayos ng bakal sa aking paa. "Siguro iniisip mo na masama si Sir Silas. Pero mabait siya. Simula noong dinukot ang asawa niya ay naging ganiyan siya," bigkas niya na ikinatingin ko naman sa kaniya. "Joan..." banggit niya. Pinagmasdan ko lamang siya nang may luha sa mga mata ko. "Joan ang pangalan ko," sunod niya. "Mabait si Sir Silas at mahal na mahal niya ang asawa niya. Totoo nga ang sabi nila na kapag ang bayani ang nawalan ng minamahal... madali siyang gawing kontrabida." Hindi niya inalis ang bakal sa paa ko. Pinagmasdan lang niya ang bukol doon at tumingin naman sa akin. "Nasa iyo ang puso ni Ma'am Lia. Nasa iyo ang pusong pinakainiingat-ingatan ni Sir Silas," sunod niya pang muli. Totoo nga? Namatay ang asawa niya? At ang puso ay nasa akin? Pero wala siyang patunay! Ang sabi sa ospital ay may nag-donate! Hindi gagawa ang kapatid ko nang karumal-dumal. "Ang masaklap pa nga roon ay buntis si Ma'am Lia bago siya na-kidnapped ng kapatid mo at ng ama mo. Kitang-kita sa CCTV..." marami pa siyang sinabi, ngunit walang pumapasok sa isip ko. Si Papa? Kasabwat siya? At may patunay na sila ang kumuha sa asawa nang sinasabi ni Joan na si Silas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD