Pamilyar na pamilyar na sa akin ang tunog ng mga yabag sa labas. At nang sa wakas ay marahan itong umikot, ang aking puso ay biglang lumaktaw ng isang pintig.
Pumasok si Doc Caleb. Kasabay ng kaniyang pagpasok ang tila paglipas ng nakalulunod na amoy ng gamot sa silid, napalitan ng kaniyang banayad at malinis na bango. Maayos ang pagkakahit ng kaniyang light brown na buhok, at ang kaniyang puting coat ay walang kahit isang lukot. Ngunit ang unang nakapukaw sa aking pansin ay ang kaniyang kanang kamay na nakapamulsa, may bahagyang umbok na tila may itinatago na naman.
"Good morning, Leya," bati niya sa kaniyang swabe at malinis na Ingles. Ang kaniyang boses ay tila isang mainit na haplos sa malamig kong umaga. "I hope you slept well. You look a bit pale today, though."
Hindi ako sumagot gamit ang tinig, ngunit ang aking mga mata ay awtomatikong bumaba sa kaniyang bulsa. Isang marahang tawa ang kumawala sa kaniyang mga labi, ang kaniyang mga mata ay sumingkit sa katuwaan dahil sa halatang reaksyon ng aking mukha.
"You really are transparent, aren't you?" panunukso niya habang dahan-dahang inilalabas ang kaniyang kamay mula sa bulsa. "I noticed you barely touched the heavy meals yesterday, so I thought I'd bring you an incentive again."
Inilapag niya sa ibabaw ng aking kandungan ang isang maliit, parisukat na kahon. Nang basahin ko ang nakasulat, pakiramdam ko ay biglang nagkaroon ng kulay ang paligid ko. Isang kahon ng gourmet strawberry macarons. Ang kulay rosas at malalambot na tableta ng matamis na pastry ay tila nagpakinang sa aking mga mata. Sa Tondo, nakakakita lang ako niyan sa mga palabas sa telebisyon o sa mga tindahan sa mall na hindi ko man lang magawang pumasok dahil sa kakulangan ng pera.
Gusto ko nang buksan ang kahon, ngunit bago ko pa man magawa iyon, marahan niyang tinapik ang aking mga daliri gamit ang kaniyang dalawang daliri.
"Medical check-up first, Leya," paalala niya, habang may pilyong ngiti sa kaniyang mga labi. "Let's see if that heart of yours is behaving properly today before you flood your system with sugar."
Tumango ako nang dahan-dahan, pilit na itinatago ang aking pagkasabik. Umupo siya sa maliit na upuan sa tabi ng aking kama, inilagay ang medical chart sa kaniyang kandungan, at kinuha ang kaniyang stethoscope na nakasabit sa kaniyang leeg.
"Lean forward a bit," utos niya sa malambot na tinig.
Sumunod ako. Bahagya kong inilapit ang aking katawan sa kaniya. Inilapat niya ang malamig na metal ng stethoscope sa aking dibdib, eksaktong sa tapat ng aking puso. Subalit sa sandaling maramdaman ko ang kaniyang hawak, tila may kakaibang kuryente na dumaloy sa aking buong katawan.
Dahil sa kaniyang posisyon, sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin. Naamoy ko ang kaniyang hininga na may kaunting bakas ng mint at kape. Nakikita ko ang haba ng kaniyang mga pilikmata, ang linis ng kaniyang balat, at ang seryosong pag-aalala sa kaniyang mga mata habang nakikinig sa t***k ng aking puso. Ang kaniyang light brown na buhok ay bahagyang humalipong sa kaniyang noo, dahilan para magmukha siyang mas bata at mas kabigha-bighani.
Biglang nagbago ang ritmo ng aking puso. Hindi ito ang mabilis na t***k dahil sa takot kay Silas. Hindi ito ang mabigat na pintig dahil sa stress ng aking lihim. Ito ay isang ligaw, mabilis, at nagwawalang t***k na tila gustong kumawala sa aking dibdib dahil sa sobrang kalapitan ng lalaking nasa harap ko. Nararamdaman ko ang unt-unting pag-init ng aking mga pisngi, ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha na siguradong nagpumula sa aking inosenteng anyo.
Napakunot ang noo ni Doc Caleb. Bahagya niyang inilayo ang kaniyang mukha upang tingnan ang aking mga mata, habang ang stethoscope ay nananatiling nakalapat sa aking dibdib.
"What's wrong, Leya? Your heart rate just spiked out of nowhere," nagtatakang tanong niya, ang kaniyang boses ay puno ng medikal na pag-aalala. "Are you feeling chest pains? Are you having trouble breathing?"
Mabilis akong umiling, ngunit ang aking puso ay mas lalo lamang nagwala dahil sa kaniyang direktang pagtitig. Hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya. Paano ko sasabihin na ang bilis ng t***k ng puso ko ay dahil sa kaniya mismo? Dahil sa crush na unt-unting sumisibol sa aking damdamin para sa kaniyang kabaitan at kaanyuan?
"It's practical racing right now," bulong niya, lalong inilapit ang kaniyang mukha para suriin ang aking mga mata kung may senyales ba ako ng pagkahilo. "Look at me, Leya. Tell me if something hurts."
Dahil sa tindi ng hiya at dahil natatakot ako na baka mabasa niya ang laman ng aking isipan, mabilis kong iniwas ang aking tingin. Ibinaling ko ang aking mukha sa kabilang direksyon, pilit na itinatago ang aking namumulang pisngi sa likod ng aking mahabang itim na buhok. Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin, ginagawa ang mabilis na sign language para sa "Maayos ako. Walang masakit."
Isang mahabang katahimikan ang naghari sa silid. Narinig ko ang marahang pagtanggal ni Doc Caleb sa stethoscope mula sa kaniyang mga tainga. Nang lakasan ko ang loob kong sumulyap muli sa kaniya, nakita ko ang isang unt-unting pag-usbong ng isang malawak at tila nakatutuksong ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang naintindihan niya kung bakit biglang nagwala ang aking puso.
"I see," dahan-dahan niyang wika, ang kaniyang boses ay may kasamang malambing na tono ng panunukso. "So it's not a medical emergency. That's a relief."
Mas lalo akong nahiya, pilit na hinila ang kumot upang takpan ang kalahati ng aking mukha. Nakarinig ako ng marahang tawa mula sa kaniya. Tumayo siya at binuhat ang kahon ng macarons, ngunit imbes na ibigay ito agad sa akin, ay inilagay niya ito sa kabilang dulo ng silid, sa ibabaw ng isang maliit na cabinet malapit sa banyo.
"Since your heart is working a bit too hard from... external factors, we need to burn off that extra adrenaline," sabi niya, habang may mapaglarong kislap sa kaniyang mga mata. "Let's do our walk. Once we're done, you can have your sweets."
Inalayan niya akong bumaba sa kama. Nang hawakan ng kaniyang malaking palad ang aking siko, naramdam ko na naman ang pamilyar na kuryente. Pinilit kong magpakatatag at humakbang nang dahan-dahan sa malamig na floor.
Habang naglalakad kami paikot sa silid, napansin niya ang aking bahagyang pag-aalangan tuwing titingnan ko ang aking sarili. "You've been staring at your hair, Leya. Is there something bothering you?" tanong niya.
Ikinumpas ko ang aking kamay, ginagawa ang sign language para sa "Gusto ko nang maligo. Mabaho na ako."
Natigilan si Doc Caleb, pagkatapos ay napangiti nang malambot. "You don't smell bad at all, Leya. But I understand. Being stuck in bed for days makes anyone feel uncomfortable." Lumapit siya sa pintuan ng banyo at binuksan ito, tinitingnan kung maayos ang loob. "The water here has a heater. Since Silas is still away, I can give you thirty minutes to refresh yourself. I will wait right here outside to make sure you're safe and don't slip."
Nanlaki ang aking mga mata sa kagalakan. Isang totoong paliguan pagkatapos ng ilang araw na pagtitiis. Mabilis akong tumango, ang aking puso ay napuno ng matinding pasasalamat para sa kaniyang labis na pag-unawa.
"Go ahead," wika niya, dahan-dahang binubuksan ang pinto para sa akin. "Take your time, but not too long. I don't want you catching a cold."
Nang makapasok ako sa banyo, naramdaman ko ang mainit na singaw ng tubig na inihanda niya para sa akin. Sa loob ng tatlumpung minutong iyon, habang nililinis ko ang aking katawan at hinuhugasan ang aking mahabang buhok, pakiramdam ko ay unt-unting nababawasan ang dumi at bigat na dinala ko mula noong araw ng aking pagka-kidnap. Alam kong sa labas ng pintong ito, may isang lalaking handang magbantay at magprotekta sa akin—isang lalaking unt-unting nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng bagong kahulugan ang bawat pintig ng hiram kong puso.
Ang tunog ng bumubuhos na tubig mula sa shower ay tila isang napakagandang musika sa aking mga tainga. Sa loob ng maliit ngunit marangyang banyong iyon, hinayaan kong pumatak ang mainit-init na tubig sa aking ulo, dumaloy sa aking mukha, hanggang sa basain nito ang aking buong katawan. Napapikit ako sa sobrang sarap ng pakiramdam. Ang init na nagmumula sa shower ay unt-unting nagpapakalma sa mga kalamnan kong ilang araw ding binalot ng takot at paninigas dahil sa pagkaka-kadena sa kama.
Kinuha ko ang mamahaling sabon na nakalagay sa gilid. Mabango ito, amoy banilya na may kaunting pahiwatig ng mga sariwang bulaklak. Ipinahid ko ito sa aking balat, sinisiguradong maaalis ang lahat ng dumi, ang malagkit na pakiramdam ng pawis, at ang tila amoy-gamot na dumikit sa akin sa loob ng isang linggong pagkakakulong sa medical wing. Sa bawat kuskos ko sa aking braso at binti, pakiramdam ko ay unt-unting nababawasan ang bigat na nakadagan sa aking pagkatao. Pakiramdam ko, kahit pansamantala, ay nabawi ko ang aking dignidad bilang isang babae.
Hinugasan ko rin ang aking mahaba at bagsak na itim na buhok gamit ang mabangong shampoo na naroroon. Ang bula ay bumalot sa aking ulo, at habang hinahaplos ko ang aking anit, hindi ko mapigilang mapangiti nang malawak. Sobrang saya ko. Napakasimpleng bagay lang ng maligo, ngunit sa sitwasyon ko ngayon, isa itong napakalaking biyaya. Para akong ibon na panandaliang pinalabas sa hawla upang madama ang ambon ng kalayaan. Ang hiram kong puso ay pumintig nang may kakaibang gaan... isang banayad at masayang ritmo na matagal ko nang hindi nararamdaman.
Nang matapos akong magbanlaw, pinatay ko ang shower. Ang silid-paruan ay napuno ng puting singaw mula sa mainit na tubig, na nagbibigay ng tila panaginip na pakiramdam. Kinuha ko ang malaki at makapal na puting tuwalya na nakasabit sa dingding at maingat na ipinatuyo ang aking katawan. Ipinilit ko rin ang isa pang maliit na tuwalya sa aking basang buhok para sipsipin ang tubig niyon.
Subalit nang matapos kong patuyuin ang aking sarili, doon lang ako natigilan. Biglang pumasok ang malamig na hangin ng reyalidad sa aking isipan.
Wala akong dalang damit pamalit.
Napatingin ako sa sahig kung saan nakasalansan ang lumang damit-pasyente na suot ko kanina. Marumi na iyon, may bakas ng pawis at gamot, at basang-basa na rin ang ilang bahagi dahil sa talsik ng tubig mula sa shower. Hindi ko na magagawang isuot muli iyon. Tumingin ako sa paligid ng banyo, nagbabakasakaling may nakasabit na bath robe o kahit anong malaking tela, ngunit wala. Malinis at bakante ang bawat sabitan.
Ang aking buong katawan ay binalot ng matinding kaba. Ang puso ko na kanina lang ay masaya ay biglang bumalik sa mabilis at nag-aalalang t***k. Paano ako lalabas? Paano ako haharap kay Doc Caleb na alam kong naghihintay pa rin sa labas ng pinto? Ang isipin pa lang na makikita niya akong ganito ay sapat na para mag-init ang aking buong mukha sa tindi ng hiya.
Huminga ako nang malalim, pilit na pinatitino ang aking nagwawalang isipan. Mahigpit kong ibinalot ang malaking puting tuwalya sa aking katawan, sinisiguradong sapat ang higpit niyon mula sa itaas ng aking dibdib hanggang sa aking mga hita. Inayos ko rin ang pagkakatali ng aking basang buhok. Hawak ang hawakan ng pinto, nanginginig ang aking mga daliri. Wala akong ibang pagpipilian. Hindi ako pwedeng manatili rito sa loob habambuhay.
Dahan-dahan kong pinaliko ang susi at binuksan ang pinto ng banyo.
Isang malakas na hampas ng malamig na hangin mula sa aircon ng kwarto ang agad na sumalubong sa aking basang balat, dahilan para mapayakap ako sa aking sarili at mangatog ang aking mga tuhod. Sa aking pag-hakbang palabas, ang unang tumambad sa akin ay si Doc Caleb. Nakaupo siya sa upuan sa tabi ng kama, pormal pa ring nagbabasa ng kaniyang medical chart, ngunit agad na nag-angat ng tingin nang marinig ang tunog ng pinto.
Nang magtagpo ang aming mga mata, natigilan siya. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata, at nakita ko ang mabilis na pagdaan ng gulat sa kaniyang maamong mukha. Napako ang kaniyang paningin sa akin—sa aking mga balikat na basa pa ng kaunting patak ng tubig, sa aking mahabang leeg, at sa tuwalyang mahigpit na nakabalot sa aking katawan.
Pakiramdam ko ay literal na umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa dulo ng tuwalya sa aking dibdib, pilit na itinago ang aking sarili, at mabilis na iniwas ang aking paningin sa kaniya. Ang hiya ko ay abot-langit.
Isang marahang tawa ang biglang umalingawngaw sa silid. Nang sumulyap ako, nakita ko si Doc Caleb na nakahawak sa kaniyang noo, habang ang kaniyang mga labi ay may nakatagong malambot at nakatutuksong ngiti.
"I spatial forgot to ask Joan to bring you fresh clothes, didn't I?" wika niya sa kaniyang swabe at malambing na Ingles. Lumapit siya nang bahagya, ngunit pinanatili ang kaniyang distansya upang hindi ako mas lalong mahiya. "Don't tell me you plan to stay in that towel all day, Leya?"
Marahan akong tumango habang nakayuko pa rin, hindi magawang tumingin nang diretso sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng aking ibabang labi dahil sa lamig ng kwarto. Ang hangin mula sa aircon ay tila mga karayom na tumutusok sa aking basang balat.
Napansin ni Doc Caleb ang aking panginginig. Agad na napalitan ng pag-aalala ang kaniyang mapaglarong mukha. "You're freezing. Your heart can't take extreme temperature drops right after a warm bath," seryoso niyang saad.
Mabilis siyang naglakad patungo sa malaking cabinet sa gilid ng kwarto, kung saan nakatabi ang mga bagong medikal na kagamitan at mga damit-pasyente na dinala ng mga tauhan ni Silas noong unang araw. Kumuha siya ng isang hanay ng malinis, makapal, at malambot na gray na sweatpants at isang malaking hoodie na kulay puti.
Lumapit siya sa akin at maingat na ipinatong ang mga damit sa ibabaw ng malapit na mesa. "Here. These are clean and thick enough to keep you warm. Go back inside and change quickly. I'll be waiting right here," utos niya, ang kaniyang boses ay puno ng malambot na awtoridad.
Mabilis kong kinuha ang mga damit at pumasok muli sa banyo. Isinara ko ang pinto at sumandal doon habang hinahawakan ang aking dibdib. Dag-dag. Dag-dag. Ang puso ko ay parang gustong lumabas. Ang kaniyang pag-aalala, ang kaniyang malambing na tinig... lahat ng iyon ay nagdudulot ng kakaibang tamis sa aking loob. Mabilis kong isinuot ang mga damit. Ang hoodie ay masyadong malaki para sa aking maliit na katawan, ang mga kamay ko ay halos matakpan ng manggas niyon, ngunit sobrang lambot at init ng tela, sapat para pawiin ang lamig na aking nararamdaman.