Chapter 1
REECE
Kanina pa ako pabalik-balik dito sa loob ng unit ko, habang hindi inaalis ang mata sa dalawang tasa ng kape na nakapatong sa ibabaw ng center table sa sala.
Nilagyan ko ng pampatulog ang kape at balak kong ibigay ito sa dalawang bodyguard ko, pero nagdadalawang-isip ako dahil matalino ang mga bantay na ibinigay sa akin ni Kuya Ravi. Iisipin nila na may nilagay ako sa kape para lang matakasan ko silang dalawa.
Frustrated na napahilamos ako sa aking mukha. Kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko sa bar.
“You are so istrikto, Kuya Ravi,” inis na sabi ko.
Ilang segundo pa akong nag-isip bago kinuha ang tray na may lamang tasa ng kape. Baka lumamig na ito, kaya ibibigay ko na sa kanila. Wala namang masama kung susubukan ko.
Sana effective ang gagawin ko. Sabagay, marami na akong ginawa para lang matakasan ang mga naging bodyguard ko. Kaya nga ngayon ay dalawa na ang kinuha ni Kuya Ravi para lang masigurong hindi ko na tatakasan.
Nagbuga ako ng hangin bago lumabas ng unit ko. Kaagad naman akong tinapunan ng tingin ni Jaaron, isa sa mga bodyguard ko. Nakatayo siya sa gilid ng pintuan. Mamaya pa ito papasok sa unit na inuokupa nila ni Brady na katabi lang ng unit ko, kapag siguradong hindi na talaga ako lalabas.
“Good evening, Jaaron. I made coffee for you and Brady. It's your favorite blend, so I hope you enjoy it!” nakangiting sabi ko. Tiningnan niya ang kape at parang nagdududa na binalik ang tingin sa akin. I rolled my eyes because I knew what he was thinking. Kahit ano'ng mangyari, hindi ako aamin na nilagyan ko ng pampatulog ang kape nila. “Oh come on, Jaaron. Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” Nagkunwaring nagtatampo ako. Ilang beses na ba ako nagdrama para lang takasan ko ang mga bantay ko? Kaya sigurado ako na epektibo itong ginagawa ko.
Bumuntong-hininga siya bago kinuha ang kape sa tray. Matagumpay akong ngumiti nang pumasok siya sa loob ng unit nila ni Brady. Gusto kong masiguro na iinumin nila, kaya sumunod ako sa kanya.
Hindi pa umeepekto ang pampatulog, pero parang gusto ko ng magdiwang. Hinintay ko talaga na maubos nila ang kape. Makalipas ang ilang sandali ay kinuha ko na ang dalawang tasa.
“Thank you, Miss Reece,” sabay na sabi ng dalawa.
“You are welcome.”
Paglabas ko ay kaagad akong pumasok sa unit ko at mabilis na hinubad ang suot na pajama. Pinatong ko lang ito sa skirt na suot ko para hindi nila mahalata na nakabihis ako ng pang-alis. Pagkatapos ay sinuot ko ang puting sneakers ko, bago dinampot ang maliit na bag at cardigan blazer na nakapatong sa sofa.
Palabas na sana ako ng maalala kong iwan ang phone ko. Sigurado akong may tracking device ito. Alam kong hindi malalaman ng dalawa na umalis ako dahil tulog sila, pero sigurado akong nakabantay naman si Kuya Ravi sa tracker.
Iniwan ko ang phone ko bago lumabas ng unit. Wala pa si Jaaron sa labas, kaya sigurado akong mahimbing na natutulog ang dalawa.
Eksaktong paglabas ko ng gusali ay may taxi na nakaabang. Habang nasa biyahe, nag-ayos na ako sa sarili. Hinubad ko na rin ang suot kong sweater at pinatong ang kulay peach na cardigan blazer sa suot kong kulay puting tube.
“Manong, sa ‘yo na po itong sweater ko. Don't worry, it's original. It was made in Turkey,” buong pagmamalaki na sabi ko. Ngiti lamang ang tinugon ni manong sa akin.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng bar. Pagkatapos ko magbayad ay excited akong lumabas ng sasakyan. Nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na tunog mula sa loob ng bar.
Pagpasok ko ay kaagad na hinanap ng mata ko ang dalawang kaibigan ko. Nang makita sila ay kaagad ko silang nilapitan.
“Hi, girls!” Bahagya kong nilakasan ang boses ko para marinig nila ako. Nag-angat sila ng mukha, at nang makita ako ay sabay na tumili ang dalawa sa sobrang tuwa.
“Why aren't you answering your phone? I've been trying to reach you for a couple of minutes!” tanong ni Anne.
“Iniwan ko kasi ang phone ko sa unit ko.”
“But why?”
Kibit-balikat lamang ang tinugon ko. Hindi nila alam kung sino talaga ako. Kapag sinabi ko na nilagyan ng kapatid ko ng tracking device ang cellphone ko, tiyak na magtatanong sila.
Dimple handed me a glass filled with alcohol, the ice clinking against the side. “It's a mojito,” she said, a smile playing on her lips. “Your favorite.”
“Thank you.” Kaagad kong nilagok ang laman ng baso, hanggang sa naging sunod-sunod ang pag-inom ko.
Makalipas ang ilang oras, naramdaman ko na ang hilo. Tinamaan na rin ang dalawa kong kasama, kaya sumasayaw na sa pwesto namin.
Hindi ako nakatiis ay hinila ko na sila sa gitna ng dance floor. Para kaming mga ibon na nakawala sa hawla. I mean, ako lang pala. Masyado kasing istrikto si Kuya Ravi pagdating sa akin. Kulang na lang ay itali ako para hindi ko siya matakasan.
Mayamaya lang ay may lumapit na lalaki at nakisayaw sa aming tatlo. Sa totoo lang ay ayaw kong may nakikisayaw sa amin, lalo na lalaki, kaya hinila ko na ang dalawa para bumalik sa pwesto namin. Pero napahinto ako nang may humawak sa braso ko. Nang sulyapan ko ay ang lalaking nakisayaw sa amin ang pumigil sa akin.
“Let's not spoil the fun, Miss. Come on. Let's dance,” sabi nito, sabay hila sa akin pabalik sa gitna.
Kaagad kong piniksi ang kamay ko, kaya nabitawan niya ako. “I'm not comfortable dancing with strangers,” mataray na sagot ko at tinalikuran na ang lalaki. “Girls, let's go. Umuwi na tayo.”
Walang nagawa ang dalawa kong kaibigan nang hinila ko na sila para lumabas sa bar. Kailangan na rin naming umuwi dahil may pasok pa kami bukas. May dalang sasakyan si Dimple, kaya siya ang maghahatid sa amin ni Anne.
Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan nang may humaklit sa braso ko. At nang makita ko kung sino ito, awtomatikong tinaasan ko ito ng kilay.
“Hindi ko gusto na pinahiya mo ako kanina, Miss. Dapat ka pa nga magpasalamat dahil ikaw ang gusto kong makasayaw,” aroganteng sabi nito.
“May karapatan akong tumanggi, lalo na kung ayaw kong makipagsayaw sa hindi ko kilala,” mataray na sagot ko.
“Alam mo, kanina ka pa, e. Pumapatol ako sa babae, baka hindi mo alam?” banta nito sa akin.
“Huwag mo nang patulan, girl. Lasing na ‘yan.”
Hinila ako ni Anne palayo sa lalaki. Binuksan na niya ang pinto, pero muli akong hinawakan ng lalaki. Hindi na ako nakapagtimpi, kaya pinadapo ko na ang palad ko sa pisngi nito. Napatili naman si Anne sa ginawa ko.
Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ng lalaki. “You b***h!” Awtomatikong umigkas ang kamay nito palapit sa mukha ko. Wala akong nagawa kundi pumikit at hintayin na dumapo ang palad niya sa pisngi ko.
“I wouldn't do that if I were you.”
Unti-unti kong minulat ang mata ko at nag-angat ng mukha para sulyapan ang nagmamay-ari ng baritonong boses. Isang matangkad na lalaki ang tumambad sa harap ko.
“Huwag ka ngang makialam dito. Sino ka ba?”
“Huwag mo ng alamin.” Tinulak niya ang lalaki. “Hindi ka dapat pumapatol sa babae. Halata tuloy na babae lang ang kaya mo.”
“Gusto mo akong subukan?” nanghahamon na sabi ng lalaki.
Napaatras kami ni Anne nang sumugod ang lalaki sa bagong dating para undayan ito ng suntok, ngunit mabilis siyang nakaiwas, kaya muntik nang sumubsob sa daan ang lalaki. Hindi pa nadala ang lalaki, kaya muli niyang sinugod ang estranghero na tumulong sa akin. Pero malas niya dahil kamao na nito ang sumalubong sa mukha niya. Kaagad na pumuwesto ang estranghero sa likuran ng lalaki at pinilipit ang dalawang braso nito.
“Next time, kung iinom ka, huwag mong ilagay sa ulo.” Muli niyang tinulak ang lalaki at inambahan, pero kaagad na kumaripas ito ng takbo. “f*****g coward,” mahinang sabi ng estranghero.
Pumihit siya paharap sa amin. Kaagad namang humarang sa harap ko si Anne. “Thank you,” nagpapa-cute na sabi niya.
“You are welcome.” Seryoso ang mukha na pinasadahan niya kami ng tingin. “Huwag na lang siguro kayong lalabas na ganyan ang mga suot ninyo. Mababastos talaga kayo,” seryoso ang mukha na payo niya sa amin bago kami tinalikuran.
Hindi ko tuloy maiwasang pasadahan ang sarili ko. Maayos pa nga itong suot ko kaysa kay Anne at Dimple na halos lumuwa na ang dibdib.
“Anong gusto niya, balot na balot tayo sa bar?” sarkastikong sabi ko.
“Hindi ka na nga nagpasalamat, nagreklamo ka pa,” sermon sa akin ni Anne. “Sayang, hindi ko nagawang itanong ang pangalan. Ang pogi pa naman.”
I couldn't help but roll my eyes at her comment.
Hinatid na nila ako sa condo ko. Pagdating ay hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil kaagad akong nakatulog. Paggising ko ay naligo na kagaad ako para pumasok sa school.
Parang walang nangyari na hinatid ako ng dalawa kong bodyguard sa D'Amico University. Wala silang kaalam-alam na tinakasan ko sila ng nagdaang gabi. Pero nagtaka ako nang hindi sila ang sumundo sa akin kundi isa sa tauhan ni Kuya Ravi.
“Where are they?” tukoy ko sa dalawa kong bodyguard.
“Pinatalsik na ni boss,” mabilis na sagot nito.
Natigilan ako sa sinabi nito. Kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagpapatalsik sa dalawa, lihim akong nagdiwang. Sa wakas, wala nang bubuntot sa akin.
Nagtaka ako ng pumasok kami sa parking area ng kumpanya ng pamilya namin.
“Why are we here?” takang tanong ko.
“Utos ni Boss Ravi, Miss Reece,” sagot nito.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pinuntahan namin ang opisina ni Kuya Ravi. Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang abala na nakatuon ang atensyon sa laptop niya.
“What's up, Kuya? Bakit mo ako pinasundo?” Naglakad ako palapit sa couch at prenteng umupo dito.
Seryoso niya akong tinitigan. Awtomatikong tinaasan niya ako ng kilay. “You think I'm unaware of what you did last night?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko, sabay nag-iwas ng tingin. “Minsan lang naman, Kuya, e,” katwiran ko.
“Okay lang na minsan, pero sinuway mo ako. Lumabas ka na hindi kasama ang dalawa.”
“Kaya ba tinanggal mo na sila?” matamlay na sabi ko, pero sa loob ko, lihim akong nagdiriwang. Baka sumusuko na ang kapatid kong bigyan ako ng bodyguard dahil lagi ko namang tinatakasan.
“Yes. I've been warning them about you from the start. But they didn't do their job properly. I can't believe you managed to fool those two,” he said, shaking his head.
I flashed a big smile at my brother. Kapag may gustong gawin, maraming paraan.
“You're not going to give me a bodyguard anymore, are you?" I asked, confirming.
Malalim siyang bumuntong-hininga at sinandal ang likod sa backrest ng swivel chair niya.
“Yeah,” naglalaro ang ngiti sa labi na sabi niya.
Pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko. Mukhang magpa-party ako mamaya sa unit ko sa sobrang tuwa.
Pinindot ni Kuya Ravi ang intercom. “Let him in,” utos niya sa kanyang sekretarya.
Kumunot ang noo ko. May bisita siya?
Mayamaya lang ay bumukas ang pintuan ng opisina niya. Nagsalubong ang kilay ko nang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Parang nakita ko na siya. Saan ko nga ba siya nakita?
Inapuhap ko sa aking isipan kung saan ko nakita ang lalaking ito.
“This is Serge Kezsler…” Nilipat ko ang tingin kay Kuya Ravi. “Your new bodyguard.”
Hindi ako nakahuma sa sinabi ng kapatid ko.
No!