REECE Kahit masama ang balita na bumungad sa akin, pinilit ko pa rin tapusin ang trabaho ko. Ilang beses ko rin tinangka na tawagan ulit si Serge, pero katulad kanina ay bigo pa rin akong ma-contact siya. Nawawalan na ako ng pag-asa na baka tuluyan na nga niya akong iniwan. Baka kasama talaga sa plano niya ang paibigin lang ako at basta na lang iwan. Pagkatapos ng office hours, parang wala sa sarili na tinungo ko ang elevator. Para akong magkakasakit na hindi ko mawari. Umaasa pa rin ako na makikita ko siya sa parking area katulad ng nakagawian niya tuwing bababa ako. Paglabas ko sa elevator, kaagad na gumala ang mata ko. Ngunit gayon na lang ang panlulumo ko nang makita ko na si Lee ang sumalubong sa akin. “Si Serge?” tanong ko kahit may ideya na ako kung bakit hindi ko siya nakita

