SERGE I received calls from one of my teammates. Nasa silid si Miss Reece at siguradong natutulog na naman ang kuting na iyon, kaya pwede kong sagutin ang tawag ng kasamahan ko. Tinungo ko ang kusina para sagutin ang tawag ni Geomy, kasamahan ko sa trabaho. Kanina ay nagpadala ang boss namin sa email ko ng ipapatrabaho niya sa akin. Tiyak na makikibalita lang si Geomy sa akin kaya siya tumatawag ngayon. “Kumusta, pare?” “I'm fine. Kayo, kumusta?” “Huwag mo kaming alalahanin. Okay lang kami. Oo nga pala, hanggang kailan ka ba sa trabahong iyan? Mahirap ang ginagawa mo, bro.” Nag-aalala siya na baka hindi ko magawa ng maayos ang tungkulin ko dahil may isa pa akong trabaho na dapat kong gampanan ng maayos. Tapos, makulit na kuting pa ang binabantayan ko. “Kasisimula ko pa lang bilan

