Chapter 5. OPPORTUNITY

1205 Words
Maaga akong nagising upang masilayan ang pagsikat ng araw mula sa mahamog na paligid dito sa kabundukan ng Cebu. Huling araw na namin rito pero para bang ayoko pang umuwi. 'di ko akalaing magkakatotoo ang pagsisinungaling ko kay Tita Esme na magiging busy ako. nagpapasalamat talaga ako na maagap ang best friend kong si Alex dahil nakuhaan niya ako ng slot para nakasama sa trip na ito. sobrang sarap sa pakiramdam at higit sa lahat ay nakakawala ng problema. Mabuti na lamang ay may mabait na sponsor ang eskwelahan na pinagtatrabahuan ko.mukhang deserve ko naman na makasali rito dahil sa kapatid naman ni Hannah na estudyante ko ang nag-sponsor nito. walang iba kundi si Mr. Seo Joon Lee. isa siyang half Korean at half Filipino, pero mas angat ang genes ng pagiging koreano nito. Isa rin sa dahilan kung bakit ako maagang nagising ay upang tapusin ang aking huling piece na papamagatan kong "The Sunrise" oh di ba walang kaabog-abog ang title literal na sunrise lang talaga. isa rin sa goal ko bilang isang aspiring painter ay ang mailagay sa isang gallery ang mga ipininta ko, tapos matutupad pa ito dahil kay Mr. Green flag. Mr. Green flag? oo, green flag talaga siya bukod sa itsura niya ay mayroon rin itong kaaya-ayang personalidad. kaya Mr. Green flag ang tawag ko sa kanya. bibihira kasi sa isang lalaki ang ganoon o dahil sa may red flag lang talaga ako may gusto. Ito pa lahat raw ng mga ipininta namin ay ilalagay sa bagong pinatayo na art gallery sa Pasay ni Mr. Lee. tapos ang nakakamangha pa ay may porsyento raw kami sa kikitain ng aming mga pieces. "ayan natapos ko na rin, makabalik na nga sa tent at makapagkape" naiwika ko habang tumatayo mula sa matagal na pagkakaupo sa damuhan. bumalik na ako sa tent ng mga kasama ko. tatlo nga pala ang kasama ko sa tent na ito. si Cyril, Samantha, at Ed. isa rin silang mga guro sa Asian Academy pero di nga lang kami madalas magkita-kita dahil sa magkakaiba kami ng building at may kanya kanya ring pinagkakaabalahan sa buhay. "almusal tayo Aya" Alok sa'kin ni Cyril habang kumakain ng niluto niyang sinangag at sardinas. "ang sarap naman niyan Cy!" tugon ko naman habang natatakam sa pagkain niya. "kuha kana ng plato mo doon" anyaya nito habang nginunguso ang lagayan ng mga plato. "sige, timpla lang ako ng kape" pagtugon ko naman sa sinabi niya. "natapos mo na ba ang last piece mo? tanong nito sa'kin Habang sumusubo ng kanin. "oo, tapos na, sila Samantha at Ed pala nasaan? balik tanong ko naman sa kanya. "ah, naghahanap ng inspirasyon para sa last piece nila, alam mo naman last day na." seryoso nitong sagot. sinaluhan ko na si Cyril sa pagkain ng almusal pagkatapos namin ay magliligpit na kami ng aming mga gamit para ready to go na lang mamaya kapag paalis na. Nakarating kami sa Maynila ng alas-nuwebe ng gabi. kanina pa ako rito palinga-linga sa paligid ngunit wala ni anino ni Alex sa paligid. mukhang wala pa nga ang mukong na 'yon, kanina pa ako tumatawag at nagmemessage sa kanya ngunit wala man lang itong reply. Ilang oras pa ang hinintay ko bago dumating si Alex nakaubos na ako ng tatlong bote ng kopiko black na nabili ko dito sa may seven eleven.kahit kailan talaga hindi maasahan itong best friend ko. bago pa sumayad at malalag ang ulo mula sa sinasandalang maleta nang may kumalabit sa braso ko at hahangos hangos pa ito sa harapan ko. "bakit ngayon ka lang ? pasinghal kong sabi sa kanya dahilan para mapatingin sa'min ang iba pang tao sa paligid. "pasensya na di ko namalayang tumawag ka, at tsaka nakalimutan kong pauwi ka pala ngayon. pagdadahilan pa nito. "napakabait mo talagang kaibigan, buti na lang talaga pagod ako ngayon kundi kanina pa kita sinabunutan dyan." pagmamaktol ko naman. "ay sino ka dyan girl? panunukso nito habang tawa tawa sa sinabi ko. "alam mo buti na lang talaga at ikaw ang dahilan bakit ako nakasama sa trip pa cebu kung hindi F.O na tayo. nanggagalaiti kong pasaring sa kanya. "sinong nagsabing ako? hindi ako, si Hannah iyong estudyante mo" giit nito. "ha? akala ko ikaw? edi pwede na pala kitang sakalin ngayon" pagbabanta ko sa kanya na akmang ihahampas ang hawak kong maleta. "gusto mo unahin kita" anito habang nakataas pa ang isang kilay. "oh siya, uwi na tayo inaantok na ako" responde ko naman at baka hindi Kami matapos sa diskusyon at matulog kami sa labas ng airport. habang nakasakay sa kotse ni Alex ay di napigilang mag-isip na kung bakit naman ako pipiliin ni Hannah na makasama sa trip na iyon.marahil ay mabait lamang itong bata katulad ng kuya niya. "nandito na tayo" pukaw nito sa atensyon ko habang nakatulala lang sa kawalan. "salamat, ingat ka sa pag-uwi" paalala ko kay alex habang tinutulungan ako nitong ibaba ang mga dala ko. "sige, pumasok ka na muna at siguradong nakalock ang pinto mo, alis na ako." "babye" kaway ko naman mula sa bintana ng aking kwarto. "makapaghilamos na nga para makatulog na " Hindi pa man ako nakakapasok ng banyo ay biglang tumunog ang aking cellphone na nasa desk lamp. sino naman kaya ito? tatawag ng ganitong oras? naibulalas ko na lamang sa aking sarili na di inaasahang makakatanggap ng tawag nang ganoong oras. di ko tuloy nasagot ang tawag sa tagal kong mag-emote tiningnan ko muna kung sino ang tumawag at bumangad sakin ang 200 times na calls na nanggaling kay Paulo!? kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para malinawan sa nakikita pero di nagbago ang nakikita ko sa screen. "ano kayang nakain nito at tumatawag" aaminin kung nakalimutan ko siya nitong mga nagdaang araw. bukod sa busy ako sa tanawin at pagpipinta, wala rin naman kasing internet sa lugar at pinapaiwan rin sa'min ang aming telepono kapag gagawa ng mga activities. ayan at tumawag ulit ang red flag.!!! "hello! bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko!? anang sa kabilang linya na para bang siya pa ang galit. "ah, eh nasa banyo kasi ako" at least white lies 'yon papasok naman na talaga ako sa banyo kanina e. "alam na ba nila mama na nakauwi kana? baka naman gusto mo kaming i-update sa buhay mo! mariin nitong sabi. "na update ko na sila kanina pagkababa ko ng eroplano" sagot ko. "teka ka nga, bakit ba parang galit ka? minsan ka na nga lang tumawag e." panunudyo ko naman. "Hindi ako galit, nag-aalala lang ako dahil sabi ni mama ay baka walang sumundo sa'yo at out of reach ka" pagpapaliwanag pa nito na nasa malumanay na tinig na. "nag-alala ka sa'kin" nangingiti kong sabi habang pinapakinggan siyang nagmamaktol. "hindi sayo kila mama ako nag-aalala baka di makatulog kakaisip sayo" pagmamaang-maangan pa nito. "sige na matulog kana, malapit na pala akong umuwi magpakabait ka riyan " pagpapaalala pa nito na anino nanlalambing. "opo, Mr. Santebañes" kinikilig kong tugon habang ibinababa ang aking telepono. totoo ba na ganito makipag-usap sa kanya ang binata. nagtatalon-talon ito at ibinagsak ang katawan sa malambot nitong higaan. "I LOVE NA TALAGA MR. SANTEBAÑES" teka bakit bumalik pagkamarupok ko.may expiration pala ang pag-asta ko bilang strong independent woman. "makatulog na nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD