CHAPTER 6. MR.GREEN FLAG

1208 Words
Maaga itong bumangon upang asikasuhin ang gamit sa pagpasok. Nakapag-almusal pa nga ito ng kanin at tinapa na nabili nito sa palengke. Inspirado pa rin ito dahil sa natanggap na tawag mula sa binata kagabi. Pasipol sipol pa ito habang nakikinig ng kanyang paboritong kanta na "leaves" kanta iyon ng Ben and Ben isa sa mga sikat na banda sa pilipinas. Masigla itong bumati sa kanyang estudyante na halos isang buwan niya ring hindi nakita dahil sa bakasyon. namumutawi ang ngiti nito at tila ay maaabot nito ang langit sa lapad nito. "Kamusta naman ang bakasyon ninyo?, ika nito sa mga estudyante habang seryosong nakatingin sa mga ito. " Masaya po ma'am" tugon ng halos karamihan sa kanila. "Mabuti naman kung gano'n " "simulan na natin ang klase", pagpoproklama nito, tuluyan nang humarap sa black board at nagsimulang magsulat. Matapos mag-lesson ay napagpasyahan niyang mag-paactivity sa mga ito. makaraan ang ilang sandali ay lumapit sa kanya si Hannah para ipakita ang natapos nitong obra. "Teacher Aya, ito po ang sa'kin," anito habang inaabot sa kanya ang isang canvass. Napasulyap naman siya rito na tila ba namamangha sa mukha nito dahil sa pilipinong pilipino ang itsura nito kabaliktaran naman ng sa kapatid nitong lalaki na kahit half ay di makikita ang features ng pagiging pilipino nito. "Ang ganda naman nito Hannah, oh ayan perfect score ka ulit," anito habang sensirong sinasabi ang pag-pupuri rito. "Thank you po, teacher Aya, ang galing galing nyo rin po kasing teacher" tugon naman nito na may pagmamalaki. "Salamat, Hannah," ramdam nito ang saya nang may nakakaapreciate sa kanya. "Teacher, Aya," tawag ulit nito sa kanya sa malumanay na boses. "Wala pa po kayong boyfriend di ba po?," seryoso nitong tanong. Kahit na nabigla sa narinig sa estudyante ay agad naman niya itong binalingan at patanong rin ang isinagot rito. "bakit mo naman naitanong," "Kasi po mukhang type po kayo ng kuya ko," walang pag-aalinlangan nitong sabi. Ha?, ano raw!? "sa'n mo naman nakuha ang ideyang iyan bata ka", habang natatawa itong nakabaling pa rin sa kanya. Mukhang di gumagana ang translation ng isip niya sa mga sinasabi ng bata sa tabi niya. Translation: type raw siya ng kuya ni Hannah/ nirereto ako na ako ni Hannah? (◔‿◔) Jusmiyo na lang ang nasambit niya sa isip." Ah baka naman nagandahan siya sa mga painting ko," ayon siguro tugon naman niya rito. "E bakit po siya nagbablush kapag nakikita nya kayo, tapos tuwing babanggitin ko kayo?, Ganun po kasi sa kdramang napanood ko. Tuloy tuloy nitong pagdadahilan na tila sigurado sa mga sinasabi nito. Translation: kinain na si Hannah ng kdrama uwu. Di na nito alam ang isasagot sa bata buti na lamang at sumakit ang tiyan nito dahilan para magmadali siyang sumugod sa comfort room. " Hannah, magbabawas muna ng sama ng loob ang teacher mo, mamaya na lamang tayo mag-usap" Translation: natatae ako/taeng tae na ako. "Masyado naman po kayong bulgar teach", pagbibiro pa nito na halatang nakuha ang ibig niyang sabihin.tumalikod ito at tuluyan ng bumalik sa kanyang upuan. Natagalan ako sa banyo. Mukhang napasama ang pagkain ko nang marami kanina. Pabalik na ako sa aking room nang makitang naglalabasan na ang ibang estudyante ko. Alas-dose na pala at uwian na nga. Papasok na sana ito sa pinto nang Makita niyang may nakaharang rito. Isang lalaking may matipuno na pangangatawan. Nasa 6'9 ang taas nito. makinis ang balat, may magandang tindig, kung titingnan ito ay parang businessman. at higit sa lahat maging ang likuran nito ay nakakaakit. Translation: sa madaling sabi POGI tingnan kahit di pa humaharap. Naghihintay ito sa pinto na para bang may hinihintay na lumabas. Lumunok muna ako ng lawak bago magsalita. " Hmmm, excuse me po sir, habang kinakalabit ang likuran nito. humarap naman ito kanya at ilang segundo bago nakapagsalita. "Oh, I'm sorry, I'm looking for Hannah is she here? anito na parang di sigurado sa sinasabi. Napatagal naman ang pagtingin niya sa mukha ng lalaki na tila iniisip kong saan niya ito nakita. "Ah, you're Mr. Lee, Hannah's brother? " nasambit nito nang makilala ang lalaki. I will look for her, just wait here sir. tugon ko nang napagtanto na kapatid pala ni Hannah ang lalaking nasa harapan. ang nag-sponsor ng trip namin papuntang cebu. "Thanks." Maiksi nitong tugon. Pumasok naman ako upang hanapin si Hannah. Nakita ko si hazel ang palaging kasama ni Hannah. " Hazel nakita mo ba si Hannah?" "May hiniram lang po na libro sa library balik rin po 'yon agad," agad namang sagot nito sa tanong ko. "Salamat" "Uwi na po ako ma'am, nariyan na po kasi ang sundo ko. Pasabi na lamang po Kay Hannah na umuwi na po ako." paalam nito habang nagbibilin. "Sige, ingat ka ha." tugon ko. "Opo" sagot naman nito. Kumaway ako rito bilang pagpapaalam. Napasulyap naman ako sa pinto at nakitang wala na rito ang binata. Iginala ko ang paningin upang sipatin kung saan ito nagtungo. di naman ako nabigo dahil namataan ko itong nakaupo sa waiting area na nakayuko. Nang makalapit ako sa kinaroroonan nito ay matama naman akong nagsalita. " excuse me po sir, nasa library lang po si Hannah balik rin po ito agad pagkatapos nitong makahiram ng libro." pagpapaliwanag ko naman sa lalaking para bang balisa at di makatingin ng direkta sa'kin. " Okay, I'll wait for her here" tugon nito habang ako naman ay sumisenyas na babalik na sa room. "Wait, Aya right,?" Pagkuway habol nito. "Yes sir" tugon ko na parang sumasaludo. "Oh, can you please call me Joon nalang," I'm not used in calling sir by some one like….di nito tinuloy ang sasabihin. "Ah, okay po sir Joon, ah,eh Joon pala pag-aalinlangan ko. "Parang masyado naman po ata akong feeling close niyan kapag gano'n lang ang tawag ko sa inyo." Nangingimi ko namang sabi na para bang nagpoprotesta. Nagulat naman ako nang may sumabat mula sa likuran ko. "Okay lang daw po 'yon ma'am. basta kayo lang daw po ang pwedeng tumawag sa kanya noon." bulalas pa nito na may panunukso sa taong nakaupo sa harap niya. "Hannah" pasigaw ngunit mariin ang tono nito. Nag-beautiful eyes naman si Hannah sa kanya na para bang di pa tapos sa panunukso nito. Natigilan naman ako nang nagsalita ito sa tabi ko. " Can I call you Aya" seryoso nitong sabi. Tumango-tango naman ako bilang pag-sang ayon. "Btw, may gagawin ka ba ngayon? I wanna invite you on my art gallery launch. there's an exhibition happening and you will see your work there. Pero kung wala ka lang gagawin today para Makita mo." I smiled in amusement sa mga sinabi niya. " Talaga po, wala po akong gagawin today" excited ko namang sabi rito. "And can you please remove the "po" also nakakatanda kasi," sabi pa nito na labas na ang biloy sa pisngi. "Noted" mabilis ko namang tugon. "Smooth" narinig kong sabi ni Hannah kahit mahina lamang ang pagkakasabi niya nito. Nakangiti akong bumalik sa aking klase para kunin ang mga gamit. Di makapaniwalang naimbitahan ng isang prominenting tao sa isang gallery. sa wakas ay makakakita ulit ako ng mga obra na magiging inspirasyon para ipagpatuloy pa ang pagpipinta. Nakakasabik. nakakamangha ang mga nangyayari sa kanya. Art is in my soul. I can't live without art.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD