CHAPTER 7. SHE IS THE ART I WANTED TO OWN.

1549 Words
Nagpaalam si Hannah sa'kin na hihiram ng libro sa library. "Kuya, hiram lang ako ng libro sa library," pagpapaalam nito. "Ok, I'll wait for you here," ani ko naman. Pagkaalis ni Hannah ay agad naman akong sumilip sa pintuan ng room nito. Nagbabakasakaling naroon pa ang babaeng regular ko nang sinusulyapan sa tuwing mapapayagan ako rito. Nakailang silip ako mula sa pintuan na di namamalayang nakaharang pala ako sa pinto. "Baka naman nakauwi na ito," bulong ko sa'king isipan na may kasamang panghihinayang. Hindi ko napansing napatagal na ang pagkakaharang ko sa pinto, pagkuway may kumalabit sa'kin mula sa likuran. Dahan dahan akong lumingon at napalunok ng laway nang mabungaran ang babaeng kanina ko pa hinahanap. Nakasuot ito ng uniporme ng eskwelahan, may light make-up, may maamong mukha, at nasa 5'2 ang taas at higit sa lahat ay inosenteng inosente kung titingnan. Nakatingala ito sa'kin dahil sa aming height difference. ilang segundo rin bago ako nakapagsalita. "Oh, I'm sorry nakaharang pala ako, btw I'm looking for Hannah is she here,?" Kunwari kong tanong kahit alam ko naman kung nasa'n ito. Kunot ang noo nito na para bang may inaalalang bagay na di nito makuha sa isipan. "Ah, you're Mr. Lee, Hannah's brother" she said amused when she already remember my familiar face. "Sir, I will look for her, just wait here," pagpapaalam nito sa'kin habang papasok ng room. Umupo naman ako sa waiting area na malapit sa room na pinanggalingan ko kanina. Napagod ako mula sa matagal na pagtayo kanina. Ilang minuto lamang ay nakita kong palinga-linga si Aya at marahil ay hinahanap ako. Bago pa man mapunta sa gawi ko ang paningin niya ay yumuko na ako na para bang may mahalagang tinitigan sa sahig. Agad naman itong lumapit sa'kin nang mabungaran nito kung saan ako naroon. "Excuse me po sir, nasa library lamang po si Hannah babalik rin po ito kapag nakahiram na ng libro," magalang nitong pagpapaliwanag. "Okay, i'll wait for her here," "Wait, Aya right? Tanong ko naman nang sumenyas na ito na papasok sa kanyang room. "Yes sir" tugon naman nito. "Oh, can you please call me Joon na lang, I'm not used in calling sir lalo na ng katu—- di ko na tinuloy ang sasabihin. "Parang masyado na man po atang feeling close ako kapag gano'n, " pag-aalinlangan nito. Nagulat kami parehas nang may sumabat mula sa likuran niya at nakaharap sa'kin. Si Hannah nanunudyo na naman ang batang ito. "Hannah" tawag ko dito nang mariin. Sabay saway sa panunukso nito sa'kin. Nag-beautiful eyes lang ito sa'kin na para bang inaasar ako nito lalo. "Can I call you Aya?, btw may gagawin Ka ba ngayon? I wanna invite you on my gallery Sana today kung wala kang gagawin. Sunod-sunod kung tanong sa kanya kahit na kinakabahan ako ay kinapalan ko na ang aking mukha. "Talaga po, wala po akong gagawin ngayon," eksayted pa nitong tugon. "And can you please remove the "po" nakakatanda Kasi, " pagdadahilan ko naman na natatawa na lamang. "Noted" tugon naman nito. "Smooth" narinig kong sabi ni Hannah. Ito talagang bata na ito binubuko ako. She's so pure, innocent and adorable. I don't know when I started to felt this way. All I know is she captured my heart unaware. The first time I saw her was on a competition wherein I'm the guest judge. At simula noon I can't forget about her smile. I always made sure that I can take a glimpse of her sa tuwing ihahatid at susunduin ko si Hannah. I invited her to go with me on my gallery's first exhibition and I'm happy that she said yes. Pumasok siya sa kanyang klase at nung lumabas ay dala na ang kanyang mga gamit. She smiled at me and her dimples on both cheeks appeared. Nakaramdam ako nang pamumula ng pisngi at pagbilis ng t***k ng puso. Nakailang Segundo ulit akong tila ba ay natulala sa kanyang maamong mukha nang may biglang may pumisil sa aking kamay at doon lamang ako natauhan. Si Hannah iyon, buti na lamang ay hinawakan ako nito. " Kuya Tama ng titig baka matunaw si ma'am," panunukso nito habang di matigil tigil sa pagtawa. sinulyapan ko muli si Aya na natatawa na rin sabay sabi " let's go," pagyaya ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa at naghawak ng kamay habang sumusunod sa'kin papuntang parking lot. hinatid ko muna si Hannah sa bahay dahil nadaraanan naman ang aming bahay papunta sa gallery. Nakarating kami sa gallery ng alas-dos ng hapon. "We're here" saad ko sa kanya THE LEE ART GALLERY "Wow, sa labas pa lang maganda na, lalo na siguro sa loob," saad nito habang namamangha sa disenyo ng gusali na nasa harapan namin ngayon. "Tara," yaya ko rito Malugod naman itong tumango. Pagpasok pa lamang ay binati na ako ng aking mga staff. "Good afternoon po sir," bati ng babae na nasa information section. Tumango tango lamang ako at niyaya si Aya na umakyat sa second floor. Marami ng tao sa exhibition area. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad upang tumungo sa aking mga kakilala. nang lingunin ko sa aking likuran si Aya ay wala na ito. Nilinga linga ko ang paligid hanggang sa mamataan siyang nakatitig sa isang artwork na kung Hindi ako nagkakamali ay gawa niya. Lumapit ako sa tabi nito. " Sir Joon, tingnan mo gawa ko iyan," sabi nito habang paluha luha pa habang nakangiti nang malapad. "I know, and it is exceptionally beautiful," tugon ko rito. tumikhim naman ito at tuluyang tinitigan ang artwork sa kanyang harapan. "Salamat ah, Kasi pangarap ko talagang makita sa isang gallery ang gawa ko, ganito pala 'yong pakiramdam" tugon nito na Habang halos naluluha na. "Welcome," maikli kong saad. "Halika, papakilala mo na kita sa kanila," tugon ko habang tinuturo ang mga tao sa kabilang section ng gallery na tanaw mula sa kinatatayuan namin. Tumango naman ito. Pagkatapos ko itong ipakilala sa iba pang artist rito ay nilibot namin ang lahat ng sulok ng gallery. "Who is your favorite painter or artists" tanong ko naman rito habang tinitigan ang repleka nito sa malawak na salamin . "Sa local si Mr. Juan Luna at Mr. Fernando amorsolo parehas kasi silang magaling. Gusto ko iyong "spolarium" na likha ni Juan Luna may history meaning kasi iyon. Kay Ferdinand amorsolo naman ay 'yong "Filipino women," interesanting pagpapaliwanag naman nito. "Sa banyaga naman ay si Vincent Van Gogh, paborito ko 'yong sunflower, the starry night at cafe terrace at night. Bukod pa sa gawa niya ay gusto ko rin ang istorya nito nakakainspired Kasi na kahit dumanas siya ng ganoon o kahit nasa ganoon siyang sitwasyon ay nakagawa pa rin siya nang magagandang obra. dugtong pa nito na may ningning sa kanyang mga mata. It was fun watching her enjoying the tour and also enjoying our conversation. She's easy to be with. Pagkatapos namin maikot ang buong gallery ay napagpasyahan kong ayain siyang kumain sa labas. "Let's go outside, hanap tayo ng makakainan," tugon ko rito. "Sige, may street food ba dito?" Inosente nitong tanong. "Street foods!?, I don't know maybe we can go in a restaurant," saad ko naman rito. "Ayaw mo ng street foods? Di ka ba kumakain no'n? Ay sorry nalimutan ko di ka nga pala nakain nun," sunod sunod nitong sabi. "We can eat naman pero di ko kasi alam kung saan at di pa ako nakakain noon," pag-amin ko naman na di pa nakakatikim ng street foods. "Ah, pero ok lang na kumain tayo? sa malinis naman Kita dadalhin, pramis.!" patuloy pa nito habang nakataas ang kanang palad bilang pangangako. "Malapit lang ba moa rito?" "Oo, doon na lang ba?" "Oo, libre ko" tugon nito na para bang naeeksayt. Tumango na lamang ako, habang sinasapo ang noo. Pagkarating sa moa ay agad itong lumabas ng kotse, ipinarada ko lamang ang aking sasakyan at sinundan ito. "Halika, rito." Yaya nito sa'kin. "Anong gusto mo? Kwek-kwek? Fishball? Kikiam o barbeque? Sunod sunod nitong pag-alok sa'kin. napakamot na lamang ako sa ulo sabay sabi na "ikaw na bahala". "Sige" Umorder ito ng kwek-kwek, barbeque, fishball, kikiam at pares ata tawag roon. Matama itong nakatitig sa'kin habang sumusubo ng pares. "Isasaw mo rito sa suka para masarap" utos nito na nginunguso ang kwek-kwek na hawak ko. "Oh di ba masarap," tugon nito habang nakatitig pa rin sa mga ginagawa ko. "Masarap" tugon ko naman rito. Di ko namalayang naubos pala namin ng ganoon kabilis ang mga binili naming iyon. "bayad po" sabay abot ng pera nito sa ale. "Ako na! Saway ko naman rito. "Ako na, give and take dapat paliwanag naman nito. Di ko tuloy maiwasang mamula sa sinabi nito, naimagine ko tuloy kong magiging girlfriend ko ito ay magiging masayang masaya ako. Naputol ang imahinasyon ko nang ilapit nito ang mukha nito at sabihing maaga pa para magimagine sir Joon, Tara na. "Joon, nga wala nang sir," saway ko naman rito. "Oo nga pala, Joon. Tara na at maggagabi na" sambit pa nito. I wish na sana di na matapos ang araw na ito. It was may memorable day out of all the days I have in this world. She is really a wife material. Pakiramdam ko ay lalo lamang akong nahulog sa authentic at genuine personality nito. "She is the art I wanted to own."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD