simula (paano bang limutin ka?)

1933 Words
Isang linggo na mula nung lumipad si Paulo papuntang thailand di man nga lang ito nagpaalam. Heto mugto pa rin ang mga mata ko, hindi ako makapagtrabaho nang maayos, parati ko na lamang siyang naiisip Minsan nga nakatulala na pala ako at nagugulat na tinatawag na pala ako ng mga estudyante ko. Nakailang tawag na rin ako upang kamustahin siya, kahit nga mismong nanay niya na si tita Esme ay di rin siya makumbinsing kausapin man lang ako. Gusto ko lang naman marinig 'yung boses niya kahit na wala siyang pakialam sakin. Ang hirap magmahal mag-isa' yung tipong ikaw lang bigay nang bigay pero wala kang natatanggap pabalik. He is my first love, mula pagkabata gusto ko na siya hanggang ngayon na dapat nagboboyfriend na ako kaso hinihintay ko pa rin siya. Nagbabakasakaling tamaan siya ng pana ni kupido at sa wakas mahalin niya rin ako.. Minsan naaawa na rin ako sa sarili ko, di ko alam kung bakit wala akong ibang magustuhan bukod sa kanya. Ano bang meron sa kanya, isa lang naman siyang cold-blooded, seryoso, matalino at bukod sa lahat hindi romantiko. "Hay, uwian na pala, makauwi na nga" "Ligaya" sigaw nung taong nasa likod ko. O, ikaw pala Alex, bakit maaga Ka atang uuwi ngayon? Tanong ko. Nakalimutan mo na? Kaarawan ni mama ngayon di ba sabi ko sayo sabay tayong pupunta ng bahay. Hala! pasensya na nakalimutan ko, wala akong nabiling regalo. "Ayos lang yan, halika na " "Nakakahiya Kay tita na wala man lang akong dala" "ano Ka ba! kailan ka ba nagkaroon ng hiya?'' saad nito habang tumatawa. Grabe ka naman! Minsan talaga itong si Alex mahilig ding mamersonal hahaha. Masaya ang naging salu-salo namin sa kaarawan ni tita Gemma. Nakakamiss rin talagang magkaroon ng ina. Kamusta na kaya si mama sa langit? Pero kahit na gano'n, alam ko namang ginagabayan niya ko. Gabi na naman, matutulog na naman akong walang balita tungkol sa kanya. Di man lang Kasi mahilig mag-f******k o ** man lang si Paulo. Alam niya naman dakilang stalker ako hahaha. Hay naku, puso kailan ka ba titigil at susuko? Dalawang dekada mo na siyang hinihintay, kahit alam mo namang wala Kang mapapala. Bakit ba ganito? sana paggising ko wala na kong nararamdaman para sa kanya. Nakakapagod din kasing mabalewala. Ayan na naman, tumutulo na naman pesteng luha na Ito. Saglit nga lang subukan kong tawagan baka sagutin niya. ring! ring! "Hello" saad ko. "Sino Ito?" saad nung nasa kabilang linya. Di ko alam kong maiihi ako o ano, sinagot niya ang tawag koooo Kaya lang di niya pala kilala kung sino ako. "Ah, ako Ito si ligaya, kamusta kana pau? " "Wala ako sa mood makipag-usap" ibababa ko na. "Tekaaaa lang" at naputol na nga ang linya. "Ayaw niya talaga akong kausap, di ba sabi ko naman sayo ang kulit mo kasi" saway ko sa sarili ko. Gano'n na ba ako kamartir para maghabol sa taong ayaw naman sakin? Imbes na masaya akong matutulog, umiiyak ako ngayon. "tama na! Makakalimutan mo rin siya " pagkumbinsi ko sa aking sarili. Di ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak. Paniguradong mugto na naman ang mata ko bukas. "Bahala na" na lamang ang nasabi ko habang nagbubuntong hininga. Kinabukasan Ang sakit ng ulo ko, di kasi ako gaanong nakatulog nang maayos kagabi. Alas syete na pala, naku mahuhuli na naman buti na lang kaibigan ko ang principal na si Alex hay Kung hindi magkakamemo talaga ako nito. Agad naman akong nagmadaling maligo at nagbihis kaagad. Hindi na muna ako kumain ng almusal mamaya na lamang kapag nag-kaoras ako. Patakbo akong lumabas ng bahay at agad sumakay sa nakaparadang tricycle. Manong sa eskwelahan po tayo. Buti na lamang at kuwarenta minutos lang ang gugugulin upang makarating sa eskwelahan Kung saan ako nagtuturo. "Manong, Ito po ang bayad. Maraming salamat po" sabi ko habang nagaabot ng bayad. "Walang anuman po ma'am" Agad akong kumaripas ng Takbo papunta sa gate. Buti nalang wala pang alas nuwebe ako nakarating may oras pa ako para maghanda bago magsimula ang klase. Nakakatuwa itong mga estudyante ko, nag-effort pa talagang gumawa ng papel na bulaklak. Di man pagiging guro ang talagang pangarap ko pero nakakataba pa rin ng puso maranasang magturo. Di man ako isang tanyag na pintor ngayon kagaya nang pinangarap ko. Di pa rin naman ako nalalayo sa sining dahil isa akong art teacher ngayon. May mga bahay lang talagang hindi umaayon pero pasasaan ba at mag-uugnay din ang lahat. ano na naman bang pinagsasabi ko. Valentine's Day ngayon kaya marami na naman akong makikitang magkasintahan sa pag-uwi ko mamaya. Ngayon taon lang ako hindi marupok. wala naman kasi akong pagbibigyan. Nasa Thailand si Paulo. Naalala ko tuloy na wala akong pinapalipas na valentine's noon lagi akong may regalo sa kanya samantalang siya galing kay tita Esme ang binibigay niya sakin. Never naman talaga siyang nag-effort at di ko rin alam kung ginagamit niya nga mga binibigay ko. Dati nung nakatira pa ako sa bahay nila, nakita ko na nakaimbak lang 'yong mga regalo na binibigay ko sa kanya kada taon. Siguro di niya talaga nagustuhan ang mga iyon. Dati nga pala akong nakatira sa bahay nila simula noong namatay si mama. Naalala ko pa labing-walo palang ako nun. Pero lagi na kaming bumibisita noon sa Kanila kasi nga matalik na kaibigan ni mama si tita Esme ang nanay ni Paulo. Kaya simula pagkabata crush ko na siya. Yun nga lang tumagal hanggang ngayon na 25 years old na 'ko. Ilang taon rin akong tumira sa kanila at ngayong taon lang din ako lumipat sa apartment na tinitirahan ko. Dahil nga kailangan kong lumipat sa mas malapit na lugar na malapit sa pinagtatrabahuan ko. Kaya rin di ko alam na umalis siya ng bansa. ang akala ko kasi ay makakadalaw pa 'ko roon at balak ko sana na ako ang maghahatid sa kanya sa airport. kaso nga lang wala talaga siyang balak Makita ang pagmumukha ko Kaya gano'n ang nangyari. Nakaalis siya nang di ko alam. Napatigil ako sa pagmumuni-muni noong tumunog na ang bell. Uwian na pala, nagpaalam na sakin ang aking mga estudyante. Ako naman niligpit ko lahat ng mga bulaklak na binigay nila para dalhin pag-uwi. Nag-aayos ako ng gamit noong may kumalabit sa aking braso mula sa likuran at may inabot na bouquet ng bulaklak. Agad naman akong napatigil at tinitigan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Si Alex pala, inaabot sakin ang bouquet. Oh para sakin? nalilito kong tanong sa kanya. "Ay hindi" sabay tawa nito. san ka naman nakakuha ng pambili niyan? Pangungutya ko. Anong tingin mo sa'kin walang pera, nakakunot nitong pagpapaliwanag. "charot lang! Ito naman oh, di mabiro " di talaga nakakalimutan bigyan ako ng bulaklak kahit noong mga bata pa kami. "Loyal naman ng best friend ko" panunudya ko. Sino nga pala date mo ngayon lex? Tanong ko sa kanya. "Wala" "Bakit wala!?" "Wag mong sabihing tutulad Ka sakin na single poreber" panloloko ko pa sa kanya. "'yong nagustuhan ko Kasi ayaw sa'kin." Nanlulumo nitong sabi. "Ah, gaya-gaya ka talaga sa'kin, siguro idol mo 'ko. Bakit Kasi nagkakagusto sa ayaw sa'yo." Sabi ko naman "e. ikaw bakit di mo siya makalimutan di ba't wala naman siyang gusto sayo." ay di lang pala di gusto, wala ring pakialam sayo. madiin nitong sabi. Oo, na wala nga, okay kana? "Kumain na lang tayo, baka sikmuraan kita diyan e."naiinis kong sabi at tuluyang lumabas sa room at tuloy-tuloy na naglakad palabas. "Pikon!" "Di ako pikon, manahimik kana." habang tinitirikan siya ng mata. "Oo na " malambing nitong usal. Sa'n pala tayo aya? Tanong ni Alex sakin. Sa siomayan nalang para tipid. sagot ko naman. "Kay manang Tina na lang para makakain din tayo ng pares." "Sige" pagtango ko. Nakaupo na kami sa isang maliit na kantina habang hinihintay namin ang aking order na siomai, pares at inihaw na isaw. "Alex " tawag ko sa kanya habang busy ito sa pagkalkal sa bag niya. Oh, ano yon? sagot nito. Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko sa kanya ang tungkol sa dati niyang kasintahan na si Monica. Matagal ko na kasi siyang gustong tanungin ukol rito. dahil nabalitaan ko nalang na hiwalay na sila pero di naman Ito nagsasabi sa kanya tungkol sa totoong nangyari sa kanila. "Ah, kamusta na kayo ni Monica?" Nag-aalinlangan kong tanong. "matagal na kaming wala, di ba alam mo na." matamlay nitong sagot "Pero di mo naman sinabi sakin ano dahilan." "Di na daw niya ko Mahal e. Anong magagawa ko kung gano'n di ba?" Sino ba naman ako para pigilan siyang makipaghiwalay?, Wala e. malayo kami sa isat-isa. May mga bagay siya na gustong abutin nang wala ako at wala na 'kong magagawa tungkol do'n. Pagpapaliwanag pa nito na halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Bakit ngayon mo lang sinabi? " "Kasi di ko pa kaya mag-open noon e." Ngayon parang okay naman na 'ko. Dalawang taon na ang nakalipas, kailangan ko nang bumitaw sa nakaraan para makausad ako. di ko alam ang mararamdaman nang mga sandaling iyon, akala ko ako lang ang bigo sa pag-ibig pati rin pala ang best friend ko. Hinawakan ko ito sa kamay habang tinatapik ang kanyang balikat. "Pasensya na, naitanong ko pa." "Sorry lex, " "Ayos lang, naguilty rin naman ako na di ko sinasabi sayo ang dahilan tuwing nagtatanong ka." "O' ayan na pala order natin" saad nito habang kinukuha ang mga pagkain na inorder namin. Kain na tayo, yaya nito. "Ikaw kamusta naman ang paghahabol mo do'n sa diyablo" tanong nito habang kumakain ng pares. "Ah, wala siya ngayon. nasa ibang bansa, di ko rin alam kailan babalik" malungkot kong tugon. "edi mas maganda, may time kana para magmove-on" pangungumbinsi nito. "Tingin mo, tingin mo ba gano'n kadali 'yon." Pagtalima ko sa sinasabi niya. "Di mo malalaman kong di mo gagawin, tsaka sinasayang mo lang ang oras mo sa lalaking yan" "Gusto mo ba may papakilala ko sayo" habang nakangisi. "Ayoko nga" di ko pagsang-ayon sa pinaplano niya. "Edi wag, ikaw rin" pag-iling-iling nito. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming maghiwalay at umuwi. Habang naglakad ako pasakay ng tricycle. Di ko maiwasang mapatingin sa mga magkasintahan napapadaan. Nangungunot ang noo ko sa di ko maipaliwanag na dahilan. "Nagiging bitter ba ako?"bigla ko tuloy naitanong sa'king sarili. "Hay naku, makauwi na nga." "Manong pasakay po" Pagkauwi sa bahay ay agad ko namang inayos ang mga bulaklak na binigay ng aking mga estudyante. Nagpapahinga na ako at handa na sanang matulog nang may tumawag na pamilyar na numero sa akin. Si Paulo?! Agad ko naman itong sinagot dala ng tuwa. Nang masagot ko na ang tawag ay wala namang sumasagot sakin hanggang sa marinig ko ang boses ng isang babae na Tinatawag si Paulo sa malambing na tinig at tila may pinag-uusapan itong kasiya-siya. "You know what, I like you" pamilyar ang tinig ng lalaking nagsasalita. Hindi ako pwedeng magkamali si Paulo ito at sinasabi niya ito sa babaeng kasama niya ngayon. biglang bumilis ang t***k ng puso ni ligaya at agad na pinatay ang tawag kahit di pa ito tapos. Di niya alam ang mararamdaman sa narinig. Di niya tuloy maiwasang maisip kung bakit tinawagan siya nito. Tinawagan ba siya nito upang ipaalam na may nagugustuhan na ito. napakasama niya naman kung gano'n. Naluluha ito habang hinahaplos ang dibdib. Napakasakit nito para sa kanya, nagmukhang siyang tanga. Si Paulo na matagal na niyang minamahal ay marahil ay may gusto sa iba at hindi siya iyon. what a Valentine's Day, he really knows how to ruin the special day. naisaad na lamang ni Aya habang nagpupunas ng luha sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD