chapter 2 "Siya pa rin"

1143 Words
nasa bahay nila tita Esme ako ngayong sabado tinawagan niya akong puntahan siya dahil mag-isa lamang siya sa bahay at si Tito Manuel at Kuya Harold naman ay sumunod kay Paulo sa Thailand dahil may mahalaga pag-uusapan. Ayoko sanang tumuloy dito pero naawa naman ako kay tita dahil mag-isa lang siya. Mugto pa naman ang mata ko ngayon, nagsalamin na nga lang ako para di niya mahalata. "kamusta? " tanong ni tita Esme sa akin habang naghihiwa ito ng carrots para sa lulutuing caldereta. "ayos naman po ako tita" malumanay kong tugon. "si Paulo ba ay tumawag sayo kagabi?, sabi ko kasi batiin ka ng Happy Valentine's Day" "ah, opo" sabay pagtango tango ko. "anong sabi iha, bumati ba?" panguusisa nito. di ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling na lamang ako para matapos na ang pang-uusisa nito. "bumati naman po, Tita" pagtugon ko para matapos na ang awkwardness na nararamdaman ko. "ah, buti naman kung ganoon, akala ko'y hindi " patawa pa nitong sabi. "wag kang mag-alala iha, isang buwan lang naman siya roon at papauwiin ko na" pangungumbinsi nito sakin. pagtango tango lamang ako sa mga sinasabi nito. di ko pa rin makalimutan ang ginawa sakin ni Paulo kagabi. di ko lang talaga maintindihan kung bakit niya kailangan gawin 'yon. nakakairita at higit sa lahat masakit sa puso. para bang wala kaming pinagsamahan na ganoon na lamang niya ko tratuhin. nakakainis pasalamat siya at mahirap talagang turuan ang sarili kong magalit sa kanya ng matagal king hindi ay matagal na Kong nagpaalam sa kanya. nagkwentuhan lang kami ni Tita Esme buong maghapon buti naman at di niya gaanong nababanggit Paulo sa usapan namin. dito ako pinatulog ni Tita Esme sa kwarto ni Paulo marumi pa kasi ang kwarto na dati kong tinutuluyan noong nakatira pa ako rito. nagpumilit naman ako na pwede ko namang linisin pero ayaw talaga ni Tita kaya Ito nandito ako sa kwarto ng kinaiinisan ko. nanatili ako sa bahay nila Tita Esme hanggang linggo. natapos na ang kwentuhan namin ni Tita Esme at nagpasya itong matulog mo na. ako naman pumasok sa kwarto at nag-ikot ikot nakita ko ang nakasaradong storage room sa kwarto ni Paulo. pumasok ako rin at habang naglalakad ay nasipa ko ang isang karton na natatakpan ng tela. dahil sa isa akong curious na tao ay tinanggal ko ang tela at nakita ang karton na may nakasulat na " you will always be the one" nagtaka naman ako kung sino ang the one na tinutukoy rito. walang pasintabi ay binuksan ko ang karton at bumangad sakin ang larawan ng isang napakagandang babae at hindi ako 'yon. si Melissa ang sinasabi nilang first love ni Paulo na nagmigrate sa America. Hindi ko gaanong nakilala dahil nung nalaman ko ito ay tapos na sa kolehiyo si Paulo samantalang ako ay second year college pa lamang noon. kung di ako nagkakamali ay tumagal din sila ng tatlong taon. pero ni minsan di nawala ang pagmamahal ko sa kanya. itinago ko lang pero nung nalaman ko iniwan siya ni Melissa isa ako sa mga taong hindi siya iniwan. masakit na malaman na siya pa rin pala kahit ako 'yong nasa tabi niya ng ilang taon.ibig sabihin ba nito ay si Melissa pa rin ang iniibig niya kahit na matagal na itong wala. kaya ba hindi nito magawang buksan ang kanyang puso para sakin dahil di niya pa ito makalimutan hanggang ngayon. napaupo ako at mariin na nag-isip, di ko alam kung ano ang aking mararamdaman sa nalaman. habang nagdadrama ay naisipan kumuha ng kahit anong tela sa aparador na nilalagyan ng mga gamit na patapon na at di naman ginagamit. napalakas ang hatak ko sa aparador at bumungad sakin ang isang karton na may nakasulat na "ligaya" napakunot naman ang noo ko. ako ba ang tinutukoy nito.binuksan ko ito sa pagtataka bumangad ang mga regalo na binigay ko kay Paulo. nakaimbak at napapalibutan ngayon ng alikabok. di niya ginamit o naapreciate man lang ang mga regalo na binigay ko. kahit pinagpuyatan ko ang mga ito. inipon mula sa kakarampot na baon ko noon sa eskwela.totoo ngang malabong mahalin niya rin ako. lumabas ako ng kwarto at padabog na sinara ang pinto. kailangan ko munang mag-pahangin at ayusin ang sarili ko bago ako makita ni Tita Esme sa ganitong sitwasyon. inhale, exhale kaya mo yan aya pigilan mo 'yang luha mo. "Aya, iha" tawag sa akin ni Tita Esme. tinawag ako nito para magmerienda. "Tita, pwede po bang magtanong sa inyo? pagpapaalam ko. "oo naman iha" tugon nito. "kamusta po sila ni Melissa? " diretsahan kong tanong kay Tita. "si Melissa gf ni Paulo noon, pero wag kang mag-alala matagal na 'yon. wala na rin nga akong balita sa kanya." "pero paano po kong siya pa rin ang gusto ni Paulo" "kung ganoon ay dapat matagal niya ng hinabol 'yong babae kung gusto niya talaga di ba? pero wala naman siyang ginawa so ibig sabihin nakalimutan na niya" Tama ako di ba? pangungumbinsi pa nito. tumango-tango na lamang ako sa sinabi ni Tita. di rin naman kami nakakasigurado kung anong nasa isip ni Paulo. at isa pa ang nasa isip ko ngayon ang mga regalong nakita ko aparador kanina. hays, kailangan ko nang magback out sinasaktan ko lamang ang sarili ko sa komplikadong sitwasyon na ito. sa Huli ako pa rin naman ang talo rito. bulong ko sa sarili habang nagbubuntong hininga. tapos na kami magmerienda at nakahanda na rin ako para umalis, lunes na bukas. balik trabaho na ulit. nagpaalam na ako kay tita si mang canor ang naghahatid sa akin palagi kapag napunta ako rito. "Tita" pahabol ko habang bukas pa ang pintuan ng sasakyan. "baka po di ako makapunta ng isang buwan rito, may mga aayusin po kasi ako at magiging busy." tugon ko. "ah, ganoon ba? mamimiss kita, basta tatawagan na lamang kita kapag nakauwi na si Paulo." oh siya babye na baka gabihin ka pa, canor mag-ingat sa pagdadrive ah. bilin pa nito. "opo" pagtalima naman ni mang canor. "sige po alis na po kami, ingat ka po rito Tita, salamat po ulit. pagpapaalam ko. napabuntong hininga ako nung makaalis na ang sasakyan. nagsinungaling akong maraming gagawin para di muna makapunta sa bahay nila. gusto ko lamang mag-isip kung anong tamang gawin sa nararamdaman at higit sa lahat ayusin ang buhay ko dahil hindi rin naman na ako bumabata halos nga ng kasabayan ko ay may mga anak na at asawa samantalang ako wala di pa rin nagkakaboyfriend. siguro kailangan ko nang simulan na alisin ang atensyon ko kay Paulo para naman maibaling ko ang atensyon ko sa iba. hindi ko alam kung magiging matagumpay ako pero gusto kong subukan lalo na ngayon at wala siya rito. magandang oportunidad na simulan ang paglimot sa tanong kahit kailan ay si nagkainteres sakin at never naapreciate ang mga bagay na ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD