CHAPTER 12. HE IS BACK !

1460 Words
Malakas talaga ang karisma ng isang ito lalo na sa mga kababaihan. hindi na ko magugulat kung mabalitang may nabingwit sya mula rito. pabulong lamang ito ngunit dinig ang bawat diin sa mga salitang iyon. Hindi ko alam kung pabiro ito o sadyang nais niya lamang maging sarkastiko. right Aya, but I know di ka katulad nila besides you wouldn't like a walking red flag. Patuloy nito. "Oo naman, sino bang may gusto sa red flag di ba, pero sino ba 'yong tinutukoy mo? tugon ko naman habang hinahawakan ang aking sentido. "Nothing, just someone I knew," pagkibit balikat nito. " But you know nowadays girls like bad boys," sabay tawa nito. "Maybe does girls pretend to like those red flags because they love the man so much that they couldn't bear to lose them," tugon ko naman. "But that's not healthy, a relationship works only if the lovers understand and work out to change their bad habits," pagpapaliwanag nito. "Yeah, but I'm talking about those girls na napalapit na don sa lalaki, though ang personality ay hindi likable, nagagawa pa rin 'yong tanggapin nung babae kasi mahal niya kahit na wala naman silang relasyon. "Sa books maraming ganyan but in reality hindi ba siya lang ang nagbibigay ng sakit sa ulo niya kasi she's aiming for a relationship na hindi naman nag-eexist.," he's right, sadya lang talaga akong tanga. Nginitian ko na lamang ito at hindi na nagsalita pa. Ilang sandali ring nanahan ang katahimikan sa aming mesa nang magsalita si Seo Joon. "Hindi ko akalaing nakabalik na pala ang anak ninyo Mr. Santebañes, ang akala ko ay nasa Thailand pa ito," sabad nito mula sa kawalan. "Actually, nagulat rin kami iho, maging si Aya, di ba iha.," Sabay baling sa akin habang nakangiti "Ah, opo Tito," maagad ko nang tugon rito habang mautal-utal pa. "Iba talaga Itong anak ko magaling din tumiming e," sabay ngisi nito. Si tita Esmerald iyon. Samantalang ako ay hindi na mapakali sa aking kinauupuan ilang sandali na lamang kasi ay matatapos na ang speech nito sa entablado at Bababa na siya rito upang makisalo sa aming lamesa. Aya, iha ayos ka lamang ba parang kanina ka pa di mapakali riyan, nakakailang tungga ka na ng wine baka malasing ka iha. bakas ay Tita esmeralda ang pag-aalala. "Okay lang po ako tita," pangungumbinsi ko naman rito. "Mr. Lee, ayos lamang ba kung kay Paulo ko na pasasabayin si Aya, may gathering lamang kami sa pagdating ni paulo," Tumingin ako kay seo Joon na tila balisa rin. Gusto ko mang sabihing sa kanya ako sasabay ngunit hindi pwede dahil isasama ako nila Tita Esmerald sa pag-uwi. It's okay Mrs. Santebañes para makapagpahinga na rin po siya sa biyahe," tugon nito habang nakatingin sa akin. Nagbuntong hininga na lamang ako upang maalis ang tensyon sa katawan ko. Hindi ko namalayang palapit na pala si Paulo sa aming pwesto. Tumikhim ito at bumati sa kanyang mga magulang. "Ma, Pa," usal nito sa mahinahon ngunit malambing na tinig. Agad namang tumayo si tita Esmeralda sa tabi ko at mahigpit na niyakap si Paulo, yumakap na rin si tiyo Manuel. "What a good view," sambit naman ni Seo Joon habang nakangiti, naalala ko tuloy na hindi nga rin pala buo ang kanyang pamilya. Hinagod ko ng aking kaliwang kamay ang likuran nito agad naman itong ngumiti sakin kasabay nang mariing titig ng kanyang singkit na mga mata. Biglang may umubo at tila nasamid sa aking tabi. Ni Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ito habang nakatingin sa'kin ng seryoso. Hinanap ng aking paningin si tita na kanina ay nasa tabi ko lamang. Namataan ko ito sa tabi ni Tito na nangingiti. Ikaw hindi mo ba ako yayakapin? Nakatingin ito sa akin na para bang nag-aantay ng kung ano. Nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi. Bigla akong nawalan ng boses at hindi alam kung saan gagalugad ng mga salita. Palalim nang palalim ang titig niya na tila ba matutunaw na ako nang tuluyan. Halos wala na ring espasyo sa aming kinauupuan dahil halos ramdam ko na ang kanyang braso sa aking balat. "Ah, welcome back! cheers tayo! para akong sira na umiiwas sa kanyang tingin at biglang naging artista para lamang hindi maging awkward ang sitwasyon. "Di bali marami pa naman tayong oras," sabad ulit nito sa'kin. Tumango tango na lamang ako. Ni Hindi ko matingnan si Seo Joon sa tabi ko, kahit pa nahagip ng peripheral vision ko ang titig nito sa akin. "Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang kasama mo? wika nito habang sumisimsim ng wine. ah,magkakilala na sila nila tita at tito pero kung di mo pa siya kilala sya si—--- i am Seo Joon Lee, and were rival in school, business, wag lang sana sa babae. sabay smirk nito. "you are still annoying and arrogant ha," sabay ngisi nito. "Pero di ko mapapangakong di tayo mag-kakakompetensya sa lovelife," matapos nun ay naging mariin ang kanilang titig sa isa't -isa. "So magkakilala kayo? Bakit mo pa ko tinanong!," irita kong bulong. "because i want to and besides I'm shocked that you are going out with someone without my consent," Pabulong nitong sagot sa mga sinabi ko na akala ko ay di niya narinig. Nakakunot na lamang ang noo ko sa sinabi nito. Ano raw!? Without his consent!? "May urgent ba anak kaya ka umuwi? Di ba't sabi mo sakin ay sa susunod na buwan ka pa uuwi.," "More like emergency ma," sabay titig nito ay Tita sabay balik naman sa'kin ni Tita "ah, okay son, I get it now," sabay kindat nito ay tito. Pabalik balik lamang ang sipat ko sa mukha nila Tita ay di ko pa rin mahinuha ang tinutukoy ni Paulo. Malamang ay tungkol sa negosyo nila iyon. Umuugong pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi niya kanina. "At bakit ko naman kailangan ang permiso niya sa mga taong sasamahan at kakaibiganin ko!, Sino ba siya sa akala niya! Napapasinghap na lamang ako habang hinihintay ang kanyang sasakyan dito sa labas ng hotel. Nakaalis na Seo Joon na kanina lamang ay ayaw pang umalis dahil sa maiiwanan akong mag-isa rito sa labas. Maging si tita at tito ay nakaalis na rin. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Anong hinihintay niya pasko?! akmang susuntok sa hangin nang may bumalandrang sasakyan sa tapat ko, ang lalaking lulan nito ay nakangisi ngunit halata ang lubog nitong mata marahil ay dahil sa puyat. Naestatwa ang kamay ko sa ere at bilang pantanggal hiya ay nagkunwari na lamang akong nagpapatay ng lamok. "Hop in now, ligaya its late," Agad naman akong sumakay sa tabi nito. "It's late pero sya pa 'yong kanina pa wala," "What did you say?," "Wala, kinakausap ko sarili ko," "E di ba matagal mo na yan ginagawa. Inirapan ko lamang ito. "Halos tulala ka kanina nung makita mo ako tapos iirapan mo lang ako ngayon," tila ay hindi iyon biro dahil sa kanyang malambing na pagkakasabi. " That Seo Joon, paano mo sya nakilala? Ano mo siya? Is there something going on between you two? "Ha!? Teka bat ang dami mo atang tanong. "Ako may tanong, bakit napunta agad rito 'yong kotse mo, e di ba kakalapag mo lang galing eroplano!? " Seryoso ka sa tanong mo? "Oo" "I contacted mang kanor before the flight, nag-usap na kami.," "Buti si mang kanor alam," "You know what, hindi pa naman sana ako uuwi e but because of you i—- "oh, so ako naman pala 'yong may kasalanan, sino bang nagsabing umuwi ka! "so your not expecting me to go home, because of that man! So hindi ka pala masaya na umuwi ako!. "Ha!? Wala naman akong sinabi, bat napunta doon ang usapan?,tsaka bakit ganyan ka umasta ngayon. "So paano pala ako dapat umasta Aya? bakit wala ka na bang feelings sa'kin? "kagaya nung dati na wala kang pakialam at parang di mo ko nakikita. "Ano!? Bakit parang nagbago ka na Ligaya! "Lahat nagbabago Pau, di parating katulad dati, pagod at puyat ka lang siguro, kaya pagkarating natin sa bahay itulog mo agad yan, siguradong babalik ka na ulit sa dati. Hindi na siya muling nagsalita naging tahimik ang aming biyahe. nakafocus ang tingin nito sa kalsada ngunit hindi napapawi ang pagkakunot ng noo nito. Halos nakailang hikab na ito at tila pagod na rin ang braso sa pagmamaneho. Sa tuwing mapapatingin ito ay nagkukunwari akong abala sa pagdutdot ng aking cellphone. Ano na naman kayang gimik ang naisip nito. Magiging katulad na naman ba ako ng dati na halos maging martir na. Hindi pwede, hindi naman sya siguradong magtatagal rito, kaya dapat ako magpaguyo sa atensyon na binabaling niya sa akin ngayon. Hindi maaaring tumingin muli ang pag-ibig na pilit ko nang binabaon. Tama, ganyan nga Aya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD