CHAPTER 11

1853 Words
Kanina pa ako di mapakali sa suot ko. Maganda naman siya at higit sa lahat nagmukha akong tao. Hindi lang talaga ako sanay magpustura nang ganito. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan dahil ba sa pupuntahan kong pagtitipon o may iba pang dahilan. Nakatayo ako ngayon sa aking bintana sinisilip kung nariyan na ba ang sasakyan ni Seo Joon, baka kasi malingat ako at imbes na hintayin siya ay makatulog na lamang ako dito sa sofa. Hindi naman nagtagal ay dumating si Seo Joon dala ang kanyang kotse. Pagkakita ko rito ay agad kong kinuha ang aking maliit na bag sabay Baba papunta sa gate. "Hi, Aya let's go" bungad nito sa akin at ibinaba ang bintana ng kanyang sasakyan nang makalabas ako sa gate. "Let's go!" Saad ko naman dito at pumasok na sa sasakyan. Hindi naman naging mahaba ang aming biyahe. Ilang sandali lamang ay nakarating kami sa isang malaking hotel kung saan gaganapin ang pagtitipon. Halos lahat nang nakikita ko ay nakapustura. Elegante ang kasuotan, sa kanilang estilo pa lang nang panunuot ay mababanaag mo nang mayaman ang mga ito. halos Puno na ang parking lot nang kami ay nakarating. Bumungad sa'min ang napakalaki at napakaelegante istruktura ng hotel. "Seo Joon, parang ayaw ko nang pumasok," tugon ko rito habang kinakabahan. "Ano ka ba!, Ayos lang 'yan. Ikaw naman ang pinakamaganda sa kanila," tugon nito habang kumikindat pa. Hinampas ko ang braso nito dahil sa kung ano ano sinasabi. Pagpasok namin sa reception, pagkain agad ang nakakuha ng aking atensyon. Maraming mamahaling pagkain at inumin. Nakatulala lamang ako sa malayo tanaw ang mga pagkain nang tawagin ako ni Seo Joon. "Lets go, papakilala kita sa'king mga business partners at investors," seryoso nitong saad. "Kailangan ba 'yon, haha wag na nakakahiya," tugon ko naman na parang gusto nang lamunin ng lupa. Di talaga ako mahilig sa mga ganito. Lalong di ako mahilig makipag beso beso. Nakakailang at feeling ko hinuhusgahan nila ang buo kong pagkatao. "Halika na, ako ang bahala," paniniguro naman nito. Ipinakilala ako ni Seo Joon sa mga empleyado nito, investors at sa kanyang stepmother. Di ko namataan ang kanyang ama busy raw ito. Sa totoo lang ay mukha namang mabait ang kanyang stepmother Hindi siya kagaya nung nasa mga palabas na tititigan ka mula ulo hanggang paa. Tapos may kakaiba pa itong ganda. Parang mas bata pa siyang tingnan kaysa sa akin. Akala ko ay mauupo kami kasama ng ilang tauhan nito sa kompanya buti na lamang ay lumipat Kami sa table na kaming dalawa lang ang nakaupo. "Hays, salamat," saad ko nang makaupo ako malayo sa iba. "Alam mo nakakatuwa ka, kanina ka pa tensyonado dyan," panunudyo nito habang hinahampas pa ang aking braso. "Kasi naman parang sa'kin lang sila nakatingin, tapos may Q and A portion pala di naman ako naimform, edi Sana nagreview ako.," Saad ko rito. Tumawa lamang ito na para bang ngayon lang sumaya sa buong buhay nito. "Pa-serve na tayo," Nabusog ako sa pagkain dito, hinayaan lang kasi ako ni Seo Joon kumain ng kumain samantalang siya ang konte kumain. Buti na lamang at dito sa medyo gilid ang table di masyadong nakabalandra kundi di ako makakalamon ng ganito. Marami pa palang wala akala ko ay ganito lang karami ang tao, ibat-ibang kompanya pala ang narito at mamaya ay may awards night na magaganap. Halos ang kompanyang narito ay kabilang sa fashion industry. No wonder napagaling nilang kumilatis ng tela. Buti na lamang at nagpumilit si Seo Joon na bilhan ako ng masusuot kung Hindi ay magmumukha akong basahan rito. Nasa fashion industry rin ang kompanya nila John Paulo at pagkakaalam ko kilala rin ito. Ibig bang sabihin nito ay narito rin sila. "Teka, kilala mo ba 'yong PHEM Corporation?," seryoso kong tanong kay Seo Joon habang sumusubo ng dessert. "Yeah, they're one of our competitors," tugon nito. "So meaning, pupunta rin sila rito?," "Definitely," saad nito habang nakatingin pa rin sa CP niya. God, ibig sabihin ito 'yong tinutukoy na party ni Tita Esmeralda, patay anong gagawin ko!? bulong ko sa isip habang di na mapakali sa kinauupuan ko. "Oh, what happened, bakit parang balisa ka dyan?," Tanong nito sa'kin nang may pag-aalala "May masakit ba sa'yo?," Anito. "Wala. Wala. May naalala lang ako," "San ba Comfort Room dito Seo," tanong ko. " from here just walk straight and then turn right you will see the sign," "Wait, waiter can you please take my friend to the comfort room," "Okay sir, here ma'am follow me," saad naman ng waitress sa akin. Nasa loob na 'ko ng comfort room, nakaihi na ako at nakapagretouch pero di ko parin alam susunod kong gagawin. Magsisinungaling ba ako kay Seo Joon na sumakit ang tiyan sabay alis, kasi kapag sinabi ko sa kanya 'yon ng harapan siguradong sasama 'yon. e may speech pa siya mamaya tapos baka isa siya may award. "Ano na Aya, mag-isip Ka!, Baka naman di tutuloy sila Tita," "Bahala na nga," Pagkalabas ko ng comfort room ay nagsisimula na ang programa. Dahan dahan lamang akong naglalakad palinga linga sa paligid nagbabakasakaling Makita ko kung nasaan naroon sila Tita Esmeralda. Siguradong narito na ang mga iyon. dahan dahan akong lumapit sa table kung saan naroon si Seo Joon. "Oh, you're here," Ngumiti lamang ako rito at tinuon ang pansin sa entablado kung saan may nagsasalitang host. Host: our awards night finally begins I'm glad to announce our winners but for now let us have the most handsome, multitalented and kindhearted CEO of the triumphant corporation. Let's welcome Mr. Seo Joon Lee. tumayo si Seo Joon mula sa aming table. Samantalang ako naman ay chinecheer siya habang pumapalakpak. Bigla nawala ang ngiti ko nang may bumungad sa'king harapan. Si tita Esmeralda at nakakunot ang noo nito. "Tita," usal ko habang gulat pa rin ang itsura. "Anong ginagawa mo rito iha, akala ko ba ay may pupuntahan ka," saad nito na di makapaniwalang makita ako sa pagtitipon na ito. "Ah, mahabang kwento po Tita," San po ba kayo nakaupo, doon po tayo mag-usap," "Sige iha," sabay hawak sa'kin nito sa kamay. Habang hinihila ako papunta sa kanilang table. Nakatingin naman ako kay Seo Joon at sumisenyas na lilipat lang ako ng upuan.di ko alam kung nakuha nito ang ibig kong sabihin. Pagkababa nito sa stage ay luminga-liinga ito upang hanapin ako. Inigihan ko naman ang pagkaway rito, at agad naman ako nitong napansin. Kunot ang kanyang noo nang mabungaran ako sa ibang table. Tila ba nagtatanong ang mga mata nito. Lito man ay lumapit pa rin ito sa'min nang nakangiti. Ah, Tita at Tito, si Seo Joon po kaibigan ko, siya po ang sinamahan ko rito. Tugon ko sa kanila habang nangingiti sa pagpapakilala sa kanya. "Oh, we know him iha, isa siya sa magaling na businessman ng henerasyong ito. Isa rin siya sa'ming karibal sa negosyo," sabay tawa ni Tita. Nice to meet you, Mr Lee! Sa wakas ay nakilala Ka na rin namin, the mind behind the successful triumph company," si Tito Manuel iyon. "Nice to meet you rin po Mr and Mrs. Santebañes," "Paano pala kayo nagkakilala ni Aya?," seryoso nitong tanong habang naghihintay ng sagot ni Seo Joon. "Ah, sa school po Tita, doon po kasi nag-aaral ang kapatid ko. She's the teacher of my sister Hannah," saad nito nang walang patumpik tumpik. "Ilang buwan na kayong magkakilala?", Saad ni tita na tila inuusisa ang aming relasyon. "Limang buwan na po Tita," singit ko Naman. Limang buwan na po kaming magkaibigan dugtong ko ulit upang maidiin na magkaibigan lamang kami. Tumango-tango lamang si Seo Joon habang may kung anong pagkabalisa ang mamamataan sa kanyang mukha. "Pero tita Esmeralda, pwede rin naman pong lumagpas at mas lumalim pa sa pagkakaibigan", saad nito na para bang di man lang natinag sa sinabi. Napanganga naman ako sa kanya at pilit na tinitipa kung seryoso ba ito sa kanyang mga sinasabi. Ah, mapagbiro lang po talaga si Seo Joon," pagputol ko sa tensyon na namumuo. "Ah, gano'n ba iha, komedyante pala itong si Mr. Lee, medyo nakatulala ang kanyang mga sinasabi sabay halakhak nito na kung susuriin mo ay pilit lamang. Mariin ko namang tinitigan si Seo Joon at mariin rin ang kanyang pinupukol na titig sa akin. Pinisil ko ang kanyang kamay upang ipahiwatig na masyadong bulgar ang kanyang pagkakatitig na pati si tita at tito ay nakatuon ang pansin sa amin. Buti na lamang ay may dumating upang malihis doon ang kanilang atensyon. Good evening sir santebañes, kayo na po ang susunod," bungad iyon ng isang event coordinator kay tito Manuel. Tumango naman si tito Manuel at inayos ang kanyang neck tie at ang kanyang kurbata. Matamang nakatingin ang lahat sa host na nasa entablado hinihintay ang susunod na kaganapan. Si Tito Manuel Naman ay nakahanda na dahil sa ilang sandali ay tatawagin na siya upang magsalita. "Alam kong kilalang kilala nyo ang susunod na speaker sa gabing ito. Halos lahat ata nang babae ay may pagtingin sa kanya at humalakhak ito nang bahagya. Magaling sa negosyo at may prinsipyo. Nakunot naman ang noo ko sa sinasabi ng host at ganoon rin sila Tito at tita. Alam ko namang gwapo pa rin si Tito ngayon kahit medyo may katandaan na ito ngunit di iyon ang kanyang imahe. Dahil kong unang beses mo pa lamang siyang makikita ay mahihinuha mo na isa siyang seryosong businessman at Hindi ganoon na palangiti, at higit sa lahat loyal ito kay Tita. "Mali ba ang script na binasa ng host na iyan?, O talagang iba ang pagkakakilala niya sa iyo. Baka naman may ibang persona ka na ipinapakita sa ibang tao na hindi ko alam," si tita iyon na halos pasinghap ang pananalita. "Baka nagbibiro lamang ito upang mapasaya ang panonood and besides di ko naman siya kilala dear," giit naman ni Tito Manuel. Medyo nangingiwi na ako sa mga kaganapan habang si Seo Joon ay seryosong nagmamasid sa entablado. Kumuha na lamang ang aking wine glass at mariing sumisim nito nang biglang nagsalita muli ang host. "Let's all welcome the handsome and multitalented man, John Paulo Santebañes," announce nito sa malakas na tinig na halos pasigaw na. Halos maibuga ko ang wine na iniinom ko sa pangalang narinig agad namang kumuha ng tissue si seo Joon at ibinigay sa'kin. Matapos kong pahirin ang aking bibig ay nilingon ko na ang entablado kung saan ay may parating na Imahe mula sa likod nang entablado. Napanganga na lamang ako nang iluwa sa entablado ang lalaking di ko inaasahang makikita ko sa ganitong sitwasyon. Nanindig ang balahibo ko at naramdaman ang paglakas ng kabog sa'king dibdib na siya lamang ang nagiging sanhi. Halos maestatwa ako at di maialis ang titig sa lalaking nagsasalita ngayon sa entablado. Ibang iba ang awra niya ngayon, Humaba rin ang buhok nito na lalo lamang nakapagpaamo sa kanyang mukha. Nakangiti ito habang nagsasalita hanggang sa igawad nito ang tingin sa akin. nag-iba ang ekspresyon nito. Tila ba ay may galit sa kanyang mga mata. Hindi tumagal ay iniwas nito ang kanyang tingin at ibinaling ang atensyon sa mga taong naroon. "He's back! My son is back!," Bulalas ni Tita Esmeralda habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD