CHAPTER 10

1236 Words
Pinilit kong maging abala upang makalimutan ang mga haka-haka sa isip ko. Bumili ako ng ilang pang mga libro para basahin at ilang art materials para mahasa ko ang aking abilidad sa pagguhit. Hindi ko pa nga lang masimulan ngayon dahil sa pangungulit ni Hannah at Seo Joon na gumala tuwing linggo. Madalas pa ring tumatawag si Paulo. Naging regular na routine niya na ang tumawag at mangamusta. May pagkakataon na iniiwasan kong masagot ang tawag niya Kaya nakasilent mode ito. Ngunit nitong araw ay di ko natakasan ang tawag niya. Bigla akong nakonsensya na di naman dapat, tapos magtatanong pa ito kung bakit di ko nasasagot ang tawag nito. Nagdadahilan na lamang ako na busy sa trabaho, pero sa totoo lang ay ayokong marinig ang boses nito kasi nagiging parang maamong tupa ako kapag nakakausap ko ito. Inihatid ako ni Seo Joon kanina sa bahay, kahit anong tanggi ko rito ay talagang mapilit ito. Bago pa man niya ako ihatid ay dumaan muna kami sa isang mall. nagpasama itong mamili ng panregalo Kay Hannah para sa kaarawan nito sa susunod na linggo. "Aya! " sigaw ng lalaki na nasa aking harapan ngayon. "Aya, what's wrong?" Tanong nito sa'kin nang makalabas sa shop na pinasukan namin kanina. Kanina pa pala ako nito tinitigan ay hindi man lang ako kumukurap. Hindi ko talaga na nariyan na siya kanina pa. Nakatulala lang kasi ako sa kabilang shop na katapat nang aming pinasukan. May nag-alala lang ako. Sa shop na iyon unang beses kong nakasama si Paulo. Malapit na kasi ang graduation niya noon kaya naman inatasan ako ni Tita Esmeralda na samahan ito para bumili ng barong na kanyang susuotin sa graduation. "Pau, ito oh bagay sayo!," Sabay abot ko nang napili kong barong sa kanya. "Ako nang pipili, bakit ba kasi pinasama ka pa dito.," Ani nito na parang dismayadong makasama ako. "Ah, okay. Ikaw na mamili, total ikaw naman magsusuot, di na ko mangingialam.," Sagot ko naman na para bang nawalan ng gana. "You can go now," saad nito matapos naming makapamili. Pe—--- di ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko. "No buts, I have some one to meet with," seryoso nitong sabi. Sino!? E gusto ko pang mamasyal! Tugon ko naman rito. "Tapos di pa tayo kumakain ah," pangangatwiran ko pa. "I will meet up with Melissa, do you still wanna come!? Saad nito na para bang di man lang natinag sa sinabi. "Ah, ganun ba, sorry sabi ko nga uuwi na lang ako e. Saad ko naman na halos nanginginig ang boses pero nakangiti pa rin. "Ito treat yourself," habang inaabot sakin ang pera. "Sige," sabay kuha ko sa pera na nasa palad niya. Tumalikod na ako at humagulgol nang bahagya habang papalayo sa kanya. Di ko na siya nilingon pa. "Aya, ingat," sigaw nito. End of Flashback "Aya, wala ka na ba sa earth," saad nito pabiro habang nakatitig pa rin sa'kin nang seryoso. "Ay! Sorry kanina ka pa dyan!? Sagot ko na di namalayang kanina pa pala nasa alapaap ang isipan. "Kanina pa, namemorize ko na nga bawat ekspresyon ng mukha mo e.," "Hala! Pasensya na pagod lang siguro ito," "nitong nakalipas na araw parang balisa ka, may problema ka ba? Seryosong tanong nito habang matamang naghihintay ng isasagot ko. "Ako!? Wala ah, medyo nasasabaw lang talaga ako minsan," tugon ko habang pinipilit pa ring tumawa. "Kung may problema ka, you can always count on me like 123," pagbibiro nito habang nagpapacute. " I'll be there," dugtong ko naman. "Okay lang talaga ako, pero kong may problema man yes I consider you bilang isa sa malalapitan," pagbibigyan ko ng assurance dito. "Yun!" "Tapos na ba tayong mamili," "Hindi pa, Hindi pa talaga nakakabili nang susuotin mo," seryoso nitong sabi. "Ah!? Anong susuotin!? Bakit San ba ako pupunta!? sunod sunod ko sabi nang walang preno. Tumawa ito nang bahagya sa relasyon ko. "May point ka naman," ani nito na parang nagbibiro pa. "Aayain sana kitang maging partner sa party, wala kasi akong makakapareha," "Hala! di ako sanay sa mga party party puwede bang iba na lang," tugon ko rito habang niyuyogyog ang kamay nito. "Wala akong makakapareha kung gano'n," habang tila nagpapaawa. "Shala naman e. di talaga ako sanay sa ganyan e. Pero dahil kawawa ka naman hays," tugon ko habang nagbubuntong hininga. "Yes!," sigaw nito habang may pagtalon pa. "Let's go," Aya nito sa'kin. "Ako na magbayad ah," "Ako na, sabi mo give and take di ba? "Bahala ka, sabi mo 'yan," "Hala bat ang Mahal naman niyan," "Miss kunin na namin," saad nito sa saleslady. "Hoy Hala ka! ang mahal nun," saad ko naman na nanggagalaiti "Okay lang iyan ikaw naman gagamit," tugon nito na para bang wala Lang sa kanya ang ginastang pera. Tumango tango na lamang ako habang nag-aalala pa rin sa presyo ng damit. Kung ako talaga papapiliin never akong bibili ng ganoon kamahal. Isang libo pa nga lang ay Mahal na para sakin. Ilang minuto ko nang tinititigan ang damit na ito pero nanghihinayang pa rin ako sa presyo. Maganda ang disenyo ng damit may kamahalan ang telang ginamit rito, simple ngunit elegante ang dating nito. Naisip ko kung magsusuot man ako nito ay first time kong magiging mukhang tao. Napatawa ako nang maisip iyon. Mas gusto ko talagang maluluwag ang isinusuot. Kadalasan t-shirt lang at may malaking print sa harap nito o di Kaya ay may print na anime. Oo nga pala minessage ako ni Tita Esmeralda na tawagan siya pagka nakauwi na ako ng bahay. "Hi, Tita Esmerald," bungad ko sa kausap. "Iha, kamusta ka naman?," Tanong naman nito. "Maganda pa rin po Tita," tugon ko pabiro sa kanya. "Oo naman, iha kaya nga bet na bet kita e," Pambobola naman nito. "ay! Thank you po, teka ano po pala ang sasabihin nyo sa'kin?," seryoso Kong sabi nang maalalang may sasabihin pala ito sa'king importante. "aayain kita sa sabado, may party Kasi ang ibat-ibang kompanya tapos may nakuhang award ang kompanya roon.," Sagot naman nito. "Sa sabado ho!? pasensya na Tita Kasi may mahalagang pupuntahan rin po kasi ako noon, nakapagcommit na po kasi ako. Tugon ko naman habang humihingi ng pasensya dahil di ko ito mapagbibigyan. "Ah, ganoon ba? sige iha wala naman tayong magagawa dahil may nauna Ka na palang lakad, pero sayang ipapakilala sana Kita sa mga tao na dadalo roon," "Pasensya na po talaga Tita," "Ayos lang iha," "Siya nga pala malapit nang umuwi si Paulo. Ayon ito sa kanya, mukhang maayos na ang estado ng kompanya roon at si Harold na lamang daw ang mamamahala roon," "Ah, ganoon po ba," "Oo, iha kaya magready kana," "Sige po," "Oh siya sige na at may tatapusin pa ako rito sa kusina, narito kasi ang tiyo Manuel mo naglalambing at gustong magpaluto ng kalderita," "Sige po Tita, ikamusta nyo na lamang po ako kay Tito, ingat po kayo riyan, babye po. "Babye Aya ingat ka riyan," "Ano raw!? Tama ba ang sabi ni Tita. Pauwi na si Paulo!? Kailangan ko na bang magready sa mga mangyayari. Sa rebelasyon na nagkabalikan sila ni Melissa!? Ano ba itong iniisip ko, imbes na matuwa ay nababagabag ako ng takot sa mga sasabihin niya. Sa tingin ko ay mabubulaga na lamang ako na isang araw ay narito na pala siya. Wala akong maramdamang saya sa pagbabalik niya bagkus ay kaba na maaaring maging mitsa ito nang tuluyang pagkadurog ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD