CHAPTER 9. Mahal Kita kahit masakit na

1138 Words
Nakahanap ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Seo Joon at nagkaroon ng parang kapatid sa katauhan naman ni hannah. Ang saya nang naging bonding namin kahapon sa park, Hindi rin pala mahilig sa coaster si Seo Joon parang katulad lang ni Paulo. Kami lang ata ni Hannah ang nag-enjoy. Ilang buwan pa lamang kaming magkakilala ni Seo Joon ay para bang matagal ko na itong kilala. Marami kaming pagkakapareho. He is also a good listener at magaling din makipag-usap. Marami Kang matutunan sa kanya, he is mature, easy to be with, may sense of humour at higit sa lahat gentleman. Papunta ako ngayon sa bahay nila Tita Esmerald. Tinawagan kasi ako ni Paulo na pumunta rito. Hindi ko alam kong bakit pero sinunod ko na lang. Sa susunod na linggo pa sana ako bibisita rito dahil sa nahihilig ako sa pagbabasa. Halos kapag off ko ay di ako lumalabas para lamang magbasa. May binabasa akong libro ngayon "Good Vibes, Good Life" iyong title nung libro sobrang nakakamotivate siyang basahin. Bubuksan ko pa lamang ang gate nang matanaw ko si tita Esmeralda na palapit sa kinaroroonan ko. Niyakap ako nito nang mahigpit at ganoon rin ako sa kanya. "Halika na at mahamog sa labas," ani nito. Nakauwi na pala si tiyo Manuel ngunit wala siya rito sa bahay may inaasikaso sa opisina. Si kuya Harold at Paulo naman ay naiwan roon. "Halika iha, mag-almusal na tayo, marami akong pinahanda" yaya nito habang nakangiti. "Sige po, tulungan ko na sila manang na maghain," tugon ko naman rito habang papunta sa gawi ng kusina. Matapos naming mag-almusal at tanghalian ay tumulong ako kila manang Nena sa paghugas ng plato. Sinaway pa ako ni Tita sa pagtulong pero gusto ko talagang tumutulong kapag narito ako. Bukod sa nakakakwentuhan ko sila manang ay napapaginhawa rin nito ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong tumulong sa mga gawain ay napagpasyahan kong magpahinga sa aking dating kwarto. malinis na ito, Hindi katulad nung bumisita ako rito noong nakaraan. Pinalinis nila Tita para raw may matuluyan na ako. Humiga ako sa kama at kinuha ang libro na tinatapos kong basahin. Nakakailang buklat ng pahina pa lamang ako nang tumunog ang aking telepono. "Hello," bungad nito. boses iyon ni Paulo. "Nandiyan ka na ba? dugtong na tanong pa nito. "Oo, kanina pa, nagpapahinga na ako ngayon," sagot ko naman rito. Okay, sige ibababa ko na pagpapaalam nito na may mahinahong tinig. "Sige, babye," paalam ko naman. Ilang segundo lamang ay naputol na ang tawag. Nitong nakaraan buwan ay madalas na itong tumawag mula sa umaga at maging sa gabi. Wala naman itong binabanggit na kahit ano nangangamusta lamang at pagkatapos ay magpapaalam na. Medyo weird ang ikinikilos ni Paulo nitong mga nakaraan buwan. Pabor naman ito sa akin ngunit di ko lamang maiwasang magtaka.matapos ang tawag na iyon ay makatulog ako nang ilang oras, Kaya naman pagkamulat ko ay eksakto alas-syete na ng gabi. Napabalikwas ako at agad na bumaba sa sala. Hinahanap ng paningin ko si tita Esmeralda nang marinig na may kausap ito sa telepono. Didiretso na sana ako sa kusina nang marinig na pinag-uusapan nila si Melissa. Huminto ako pansamantala malapit sa sala at taimtim na nakinig. "Ano! nagkita sila ni Melissa!?" pasinghal na wika ni Tita Esmerald na tila galit sa narinig na balita. "Anong nangyari!? Dugtong pa nito. Kung hindi ako nagkakamali ay si kuya Harold ang kausap nito. "Ipakausap mo sa akin si Paulo pagkatapos ng meeting niya! Utos nito sa kausap na tila ba nanggagalaiti sa galit. Hindi ko na nagawang tapusin ang pakikinig sa usapan. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng baso pagkatapos ay nilagyan ng malamig na tubig sabay lagok. Maraming tanong sa'king isipan ngayon, kung paano sila nagkita? nagkabalikan ba sila? Uuwi pa ba si Paulo? Paano naman ako? Gusto kong magtanong kay Tita Esmerald ngunit alam kong pati siya ay di alam ang sagot. Malihim kasi si Paulo, sa sobrang lalim niya di ko siya mabasa. Pati ang mga kinikilos niya nitong nakaraang buwan ay di ko maintindihan kung ano ang pinapahiwatig. Baka naman isa ito sa paraan niya para ihanda ako sa mga mangyayari. Sa hapagkain ay tahimik kaming kumakain ni Tita Esmeralda kasama ang kanilang mga kasambahay. "Iha, may problema ba? kanina mo pa kasi di ginagalaw iyong pagkain mo.," Tugon nito na may pag-aalala. "Ah, wala po, hindi pa po kasi ako ganoon kagutom," tugon ko naman sa kanya sa malumanay na boses. "Ito subukan mo itong sinigang para ganahan ka, di ba paborito mo yan?," Pag-alok nitong habang inaabot ang bowl ng sinigang. "Sige po, kain lang po kayo Tita," ani ko naman. Matama kong pinagmamasdan ang kalangitan, tila ba humihingi ng kasagutan. Maraming bituin ang nagsisilabasan marahil dahil sa ilang pag-ulan nitong nagdaang mga araw. Dati-rati ay palagian kong hinihiling na dumating ang araw na magustuhan mo rin ako. Ngunit sa oras na ito gusto ko lamang ng kasagutan mula sa'yo. Kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kahibangan kong ito? O simulan ko nang alisin ka sa isip ko. Alam kong wala akong karapatan para magtanong, pero susubukan ko pa rin. Nanginginig ako habang dinadial ang numero nito kahit ngayon lang Aya magkaroon ka ng lakas ng loob para sa sarili mo. Ilang minuto pa ay sinagot na nito ang aking tawag. " Hello," sagot nito. "Hello," tugon ko naman. "Why did you call? It's already late at di ka pa natutulog," ani nito na nasa mababang tinig na tila ba may iniinda ito sa lalamunan. "Gusto ko lang sanang magtanong," ani ko naman na pinipigilan ang sariling maluha. "Ask me," ani naman nito. Lalo lamang akong napapaiyak sa tono ng boses nito. Napakalamig at ang sarap pakinggan. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi upang mapigilan ang hikbi na kanina ko pa nais pakawalan. "Aya, are you still there?," Turan nito na parang nag-aabang pa rin sa'king sasabihin. "Gusto ko lang tanungin kung kumain Ka na na?," Hindi ko kayang magtanong ng tungkol sa kanila ni Melissa. "Yeah, kanina pa," tugon nito na parang humihikab na. "napapagod na 'ko," naiusal ko nang wala sa wisyo. "napapagod ka!? saan Aya!? nagtataka nitong tanong. "ah, sa pagbabasa noong libro, ang tanga Kasi nung bida e. "tugon ko habang kunwaring natatawa. " edi wag mo nang basahin," tugon pa nito. "Inaantok ka na siguro, sige ibababa ko na, goodnight," tugon ko naman nang sunod sunod. "Babye, goodnight," paalam naman nito. Pagkatapos ng tawag ay tuluyan ko na ngang pinakawalan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahagulgol ako at napahawak sa'king dibdib bakit ang sakit sakit ng puso ko. Pati ang boses ko ay nag-iba na rin. Napapagod na kong mahalin ka, napapagod na kong umasa. Pero di ko kayang pakawalan ang nararamdaman ko para sayo. "Mahal kita paulo kahit masakit na" usal ko sa hangin habang tuloy pa rin sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD