Bukas ay birthday ko na. Sinabi ko sa Lola at Lolo ko na gusto kong maging simple lang ang araw na iyon. Balak sanang pumunta nila Den, pero dahil may klase, sinabi ko na gusto ko na ituring na normal na araw lang ang kaarawan ko. Umalis si Mio ngayon. Pupunta raw siyang restaurant. Gusto ko sana siyang samahan, kaso busy rin ako sa pag-aasikaso ng ipapatayong facility rito. "Hello, Denver, kamusta ka na?" Tinawagan ko si Denver para mangamusta. Gusto ko kasing malaman kung ano na ang nangyari kay Mr. Collin at Kuya Zeke. Umaasa ako na mapapatawad na ni Kuya Zeke si Mr. Collin. Sila-sila rin naman ang magtutulungan, dapat hindi sayangin ang mga panahon na nabubuhay pa ang mga mahal natin sa buhay. "Minlei, buti napatawag ka. Maayos naman kami rito. Si Denise ay talagang balik s

