Nakalipas ang ilang araw mula noong nagkasagutan kami ni Kaliex, lumipat na ako sa kabilang Mansion. Hindi makapaniwala si Kaliex sa aking mga sinabi. Pinipilit niya pa rin ako na tanggapin siya at desididong maibalik ang pagmamahal ko sa kaniya. Buti na lang at nakahalata sila Lolo at Mio na may hindi tamang nangyayari. Pina-alis na nila si Kaliex. Nahihiya tuloy ako kay Mio. Napatagal kasi ang usapan. Hindi na rin siya nakapag-dinner sa amin. Wala akong kasama sa Mansion. Gusto ko kasi na ako lamang. Sa kwarto nila Mom at Dad ako natulog. Lagi kong yakap ang family picture namin. Kung maibabalik ko lang sana ang buhay nila, masaya na sana kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay na wala na sila. Hindi ko na alam ang iba kong gagawin. Panay paghihiganti lang ang laman ng aking puso. Buk

