Ngayon ay ihahatid ako ni Mio sa Mansion. Kabado na masaya ang dumadaloy sa aking katawan. Baka kilala siya ng aking Lolo at Lola, isipin pa na may relasyon kami. Kahit na magkaibigan lang kami ni Mio, sana ay magustuhan siya ng mga ito. "Magpapadala ako ng mga pagkain sa inyo. Suhol na rin sa mga kasama mo sa bahay. Nakakahiya naman na ihahatid kita na walang dala," saad ni Mio. "Nag-abala ka pa. Hindi naman kailangan na palaging ganoon," ika ko. Iba't-ibang sweets at mga ulam kasi ang pina-box niya. May isang buong cake pa nga. Sobrang nakakahiya sa mga staffs. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga ito. Buti at nauso ang pagsusuot ng face mask. May magandang paper bag pa silang pinaglalagyan para sa take out. Talagang hindi typical na restaurant lang ang pagmamay-ari ni Mio. Isa siguro

