Alas otso pa lang ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Napag-usapan namin ni Mio na kakain kami ng lunch time sa restaurant na pagmamay-ari nila rito. Susunduin niya ako, pero nahihiya ako kila Lola kaya sabi ko na sa mall na malapit sa amin na kami magkikita. Nagsuot lang ako ng kulay pink na dress na may longsleeve na puti sa loob. Fitted ulit ang dresss na suot ko para hindi masyadong hinahangin. Hanggang tuhod naman ito kaya hindi masyadong maiksing tingnan. Mag-wedge lang ako sa pang ibaba. Kulay puti rin naman ang sling bag na gamit ko. Iniwan ko muna ang bag ko sa kwarto. May breakfast pa rin kasi ako kasabay sila Lola at Lolo. Mamaya na lang ako magpapaalam. Sana ay magustuhan nila si Mio. Siya kasi ang palagi kong makakasama rito. Sisimulan ko na rin ang pagsubok sa kaniya b

