Napagkasunduan namin ni Mr. Collin na ipa-intindi sa kaniyang anak ang nangyayari. Maaga pa lang, dapat maturuan na namin ang mga bata kung paano dumipensa laban sa mga bampira. Noong una ay hindi pa siya naniniwala, pero nang makita na niya ang isang LCV sa isang chamber, doon na siya naniwalang may mga bampira Pagkatapos namin mag-usap ay sunod ko namang tinulungan mag-enrol si Denise sa parehas na school na pinag-o-online classes ni Bri. Kinabukasan ay flight ko na papuntang ibang bansa. Doon ko ipagpapatuloy ang ibang mga ginagawa ko laban sa mga bampira. "Hindi ka na talaga papapigil, ano? O siya, mag-iingat ka bukas ha? Kung kailan naman naka-uwi na ang magkapatid, tsaka ka naman aalis. Anyways, uwi ka every month ha?" saad ni Den. Nakumpirma na kasi namin na online classes na

