Hinayaan na muna namin si Bri na pumarito. Ayaw niya kasing pumayag na mapalayo kay Mr. Collin. Kami na muna nila Den at Denver ang bahala rito. Umuwi muna ang pamilya nila Tita. Dapat ay makapagpahinga muna sila, lalo na ang magkapatid na kaka-uwi lang. "Hindi ka mine-message ng pinsan mo?" malumanay na tanong ko kay Denver. Umiling siya. Sagot niya, "Medyo mataas ang pride ni Zeke. Bahala na siya kung ano ang gusto niyang isipin. Naipaliwanag na naman lahat sa kaniya." Halata naman. Halatang mana sa kaniyang Lola. Natawa naman ako sa aking iniisip. Kumunot tuloy ang noo ni Denver. "Mana ba sa Lola?" pagbibirong tanong ko. Medyo ngumiti naman siya nang bahagya. At least kahit papaano ay napapagaan ko ang kaniyang loob. Huminga pa rin siya nang malalim. Nasugatan pa ang kaniyan

