Mas binilisan ko pa ang pagpapa-andar. Aabutan na rin naman ako ng sikat ng araw. Tatanggalin ko muna ang sim card ko mamaya pagdating kila Mio. Ayoko munang may maka-istorbo sa aking pagpapalamig ng ulo. "Mga isang oras na lang ay nandito ka na," saad ni Mio. Talagang nagtiyaga pa siya na maka-usap ako. Halos isa at kalahating oras na kaming nagtatawagan. "Mabilis na nga ako magpatakbo," saad ko. "Good thing, maaga pa kaya walang masyadong sasakyan sa daan." "Hindi ba mas delikado kung kaunti lang kayong bumabyahe? Wala bang mga kalaban sa ganitong oras?" pag-aalalang tanong ni Mio. Safe naman ako dahil ang sasakyan na ito ay protektado ng kakaibang panlaban sa mga bampira. Habang mas lumalapit ang mga bampira sa sasaktan, mas lalo silang nasasaktan. Kapag pinilit nilang magkala

