"Babalikan ka namin dito pagkarating ni Xaphier. Gusto ko rin siyang magtanong sa iyo," saad ko. Hindi ko muna siya susugatan. Natatakot ako na baka hindi tumalab, hindi pa siya magsabi ng katotohanan. "Kada tanong na wala kang maisagot, susugatan ka namin sa palad. Game?" biro ko sa kaniya. Pinindot ko na ulit ang button para makalaya naman siya kahit papaano. Kumuha na rin ako ng pagkain sa gilid. May mga meat naman, pero hindi siya binibigyan ng nagbabantay sa labas. "O ayan, kumain ka muna. Kailangan mong maging malakas. Magkukwento ka pa sa amin sa susunod na mga araw," saad ko sabay lapag ng pagkain niya sa butas na katapat ng table. Isinarado ko na ulit iyon nang mabuti. Nagtitiis ata siya sa gutom. Paano ba naman, ang ibinigay sa kaniyang pagkain ay literal na gulay. Hindi pa

