Bumaba na ako para maka-usap ang Lola ni Kuya Zeke. Dapat maging smooth ang usapan namin. Hindi ko na hahayaang mawala ang chance na ito. Kailangan namin sila para mas lumakas ang clan namin. Kapag nagtulungan ang dalawang grupo, mas mapapadali ang pakikipaglaban namin laban sa mga bampira. Pagpasok ko ng conference room ay wala na sila rito. Pumunta ako sa toxic bomb laboratory para hanapin sila. Pinuntahan ko ang lahat ng kwarto. Wala sila rito. Baka nasa kabilang laboratory. Pagpasok ko sa kabila ay naroon nga sila. Si Kuya Zeke, Den at Mr. Collin ang nagpapaliwanag ng cell na may secret room sa loob. Nagsimula na pala sila na hindi ako hinihintay. Nakapag-discuss na kaya sila tungkol sa samahan? Baka nagatalan sa akin kaya inuna na muna ang pagpapaliwanag ng mga ginagawa namin.

